Chapter 6 | "walls tend to fall apart"
.
.
.
.
.~~*~~
Pagkapasok palang namin sa entrance ay hindi ko na napigilang mainganyo sa nakita. Bumungad agad kasi saamin ang malaking painting sa harapan at ilang maliliit na katabi nito na maingat na nakasabit sa pader.
Nakatutok lang ang tingin ko dito nang may lumapit saaming lalaki na nakasuot ng itim na suit at nagtatakang hinarap kami.
"excuse me ma'am, but Personalized Art Gallery grand opening is scheduled tomorrow evening. You must leave the premises immediately" rinig naming saad nito.
Magalang ang pagkakasabi nya ngunit halata sa tono nito ang pagka seryoso at strikto sa sinabi. Maingat na tiningnan ko ang mukha nito bago nakakunot na binalingan si Ms. Ives sa tabi ko na tahimik lamang.
Mukhang staff kasi ito dito sa art gallery na pinasukan namin at dahil sa sinabi nya ay biglang nagtaka ako kung bakit kami tumuloy rito kung hindi pa pala ito naka bukas for public.
Seryoso lang na nakatingin sakanya si Ms. Ives bago nito inilayo ang tingin at animoy may hinahanap sa paligid. Dahil sa inakto nito at hindi pag sagot sa lalaki ay magsasalita na sana ako nang may biglang sumulpot na babae sa likod ng lalaki na bahagyang nagpa gulat pa saakin.
"what's the commotion going on in here?" takang tanong ng babae habang natutok ang mata sa lalaki na binalingan naman nito.
Agad na tumalikod naman ito para harapin ang babaeng nakasuot rin ng itim na blazer bago nagsalita. "ma'am, they entered without notice" magalang na sagot nito na medyo ibinaba pa ang ulo.
Halata ang takang bumalot sa mukha ng babae bago inilipat saakin ang tingin at sa katabi ko na tahimik parin hanggang ngayon. Nang magtama ang tingin nito kay Ms. Ives ay bahagyang lumaki pa ito bago mabilisang iniayos ang pagkakatayo at iniyuko ang ulo sa harap namin.
"I deeply apologize on his behalf for the misunderstanding, Ms. Sébastien. As you can see, he's new to the premises and it's his first day watching the building" rinig ko paguumanhin nito habang nakayuko parin ang ulo.
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa biglaang pag akto nito ng ganoon kaya naman marahan na inilipat ko ang tingin kay Ms. Ives na seryoso parin ang mukha. Napansin ko naman ang pagtataka sa mukha ng lalaki bago nagsalitang muli ang katabi nito na kumuha ng atensyon naming dalawa.
"Lancaster." mahina ngunit puno ng pagkaseryoso ang tono nito na nagpabalisa sa lalaki bago dali daling hinarap kami at iniyuko ang ulo.
"P-please forgive me for my rude behavior, ma'am"
Natahimik naman agad ang kapaligiran habang patuloy parin ang dalawa sa pag yuko bago namin narinig ang pag klaro ng lalamunan ng katabi ko bago ito nagsalita.
"...we'll just roam around for awhile so please don't bother us" simpleng pagkakasabi nito.
"as you wish" magalang na sagot naman ng babae bago nito itinaas pabalik ang ulo at nagsimula sa paglalakad na agad namang sinundan ng lalaki.
Patuloy lang sila sa paglalakad palayo habang nakasunod ang tingin ko sakanila bago binalingan si Ms. Ives na may kunot sa noo.
"Ms. Ives?" nagtatakang tanong ko dito habang pinagmamasdan ang mukha nito na hindi na maipinta. Mukhang nanglulumo na kasi ito bago sinalubong ang tingin ko at nagpakawala ng hininga.
"let's just act like it didn't happen, Ms. De la Vega... It's embarrassing" mahinang pagkakasabi nito na lalong nagpalito saakin.
Unti unti kong naramdaman ang pag arko ng kaliwang kilay ko bago pinanood ang pag iwas nito ng tingin na parang nababalisa na at nang maintindihan ang pangyayari ay biglang namang naglakihan ang mata ko nang balingan nya ulit.
BINABASA MO ANG
Lies from a Consultant
Misterio / SuspensoIves Sébastien. A former Professor and now a Consultant in Stanford State University. Professional and is very serious when it comes to her 'duty'. Fierce but has a soft spot for her clients despite having to show serious expression. Usually doesn't...