chapter 15

207 10 2
                                    

Chapter 15 | "grand opening"
.
.
.
.
.

~~*~~

"okay, that's all. Class dismissed"

Nagsitayuan naman ang lahat para magimpake ng kanilang gamit habang ako naman ay nanatiling nakaupo. Abala pa kasi ako sa pagsusulat ng lesson ngayong session at inilagay ko narin ang ilang highlights dito bago ko isinara ang notebook para magimpake.

Tumayo ako at inisabit ang strap ng bag sa balikat ko bago nagsimulang mag lakad palabas ng silid. May ilan akong ka blockmates na kasabay ko palabas at nakipagsiksikan pa ako para makadaan sa hallway. Mukhang kasabay namin ng dismissal ang katabing room kaya masyadong madaming tao ngayon ang naglalakad sa hallway. Ang daming tao, pinagpapawisan agad ako!

Hinigit ko paunahan ang dulo ng bag ko para kunin ang cellphone ko sa loob at dali daling binuksan ito. Kanina kasi bago magsimula ang lesson ay nagchat saakin si Stacey nagaaya na lumabas pagkatapos ng klase ko.

Stacey: coffee tayo nila Tim later!
Two hours ago.

Nagisip isip muna ako bago nagtipa ng mensahe at pa saglit na tumingin sa dinadaanan. Marami kasing tao ngayong oras kaya nakakahiya naman kung may mababangga ako. I stare at the screen for a moment before pressing the send button.

Kakatapos lang ng class. Saan kayo?:
Sent.

In-off ko yung phone at nagpatuloy sa paglalakad bago ako dumaan sa hagdan pababa ng fourth floor. Nang makababa ako at aktimong bababa na muli sa third floor ay naaninag ko si Ms. Ives sa hagdan kasama ang isang lalaki na nakasuot ng black suit na may dalang malaking bagahe. Nasa wheel chair stair naman sila kaya hindi ito nahihirapan sa pag dala ng bagahe.

"ma'am!" natagpuan ko ang sariling tinawag ito at kumaway nang balingan ako nito ng tingin.

Parang nagulat pa si Ms. Ives na makita ako pero agad naman nawala ito sa expression nya at tiningnan ako ng seryoso. I then walked up to them and stopped beside Ms. Ives.

"oh, Ms. De la Vega.. Good afternoon" pagbabati naman nito sakin bago inilayo ang tingin at nagsimula ulit na mag lakad. Agad naman itong sinunod ng kasama at dali dali ko itong pinantayan sa paglalakad para sumabay sakanila.

Napansin ko ulit ang bagahe na dala ng lalaki kaya napaisip ako. "aalis kayo, Ms. Ives?" tanong ko dito habang nakatingin sa dala ng lalaki.

Nanatili itong tahimik at nang maisip kong hindi na ito sasagot ay bigla naman itong nag salita. "that doesn't concern you" malamig na sabi nito na ikinawala ng ngiti ko.

"oh..." pagpapakawala ko at malungkot na tumingin sa harap ng dinadaanan.

Sabay na nag lakad kaming tatlo pababa ng third floor bago ko ito narinig na nagsalita. "I'll be just staying in a different city for a few hours" sagot nito sa tanong ko kanina kaya naman biglang sumigla ang mukha ko. "Business stuff" pagdaragdag pa nito at pa saglit akong nilingon.

"mukhang ang dami nyo pong dala ahh" nakangiti kong sabi dito habang nakatingin sa side profile nya. Ang ganda talaga ni Ms. Ives. Parang pwede na syang sumali ng pageant.

"hmm.." rinig ko namang huni nito habang pababa kami sa second floor. "done with class?" she then asked after a few minutes.

Iniadjust ko ang strap ng bag sa balikad ko bago ko sya sinagot. "kakatapos lang po... Wala narin akong klase mamaya kaya pwede nang umuwi" masayang bigkas ko dito bago naalala yung chat ni Stacey. "Pero nagaaya si Stacey na lumabas kami... Gusto mong sumama, ma'am?" pagyayaya ko dito na agad ko namang ikinalaki ng mata nang maalala ang sinabi nya kanina.

Lies from a ConsultantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon