chapter 9

832 22 1
                                    

Happy Halloween guysss. Check out Ms. Ives's costume above for a treat ;)

~~*~~

Chapter 9 | "curiosity & interest"
.
.
.
.
.

~~*~~

Pinakiramdaman ko ang pagagos ng malamig na tubig sa katawan ko bago napagdesisyonang ipihit pasara ang shower at maingat na iminulat ang mga mata.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko pero may kaunting sakit parin na natitira sa ulo ko na bumabagabag saakin kasabay ng mga tanong na nananatili sa aking isipan. Ang mga tanong na iyon ay nauugnay lamang sa iisang tao at ang tao na iyon ay ang syang nag iisang kasama ko ngayon sa bahay. Argg, ba't ko ba sya inimbita, hindi tuloy ako mapakali!

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago lumabas sa shower at naglakad papuntang harap ng salamin kung saan nakalagay ang aking susuotin. Para sana ito kay Ms. Ives pero dahil ito lang naman ang nandirito at ayaw ko namang lumabas para kumuha pa ng ibang maisusuot ay ito nalang ang tanging magagamit ko. Marami naman iba doong magagamit nya kaya wala akong ikababahala.

Tumingin ako sa salamin at pinagmasdam ang kabuohan bago pinanood ang pagbagsak ng aking balikat at itinakip ang kamay sa mukha. Argg, ano bang pumasok sa isip mo, Natasha?!

Nagimbita ako ng taong hindi ko pa ganoon kakilala kung magpapakatotoo ako ngayon. Mabait naman sya kahit madalas seryoso at strikto pero maalaga rin naman. Maalaga...

Sariling bumaba ang kamay ko sa bibig habang nakatakip pa ito nang maisip ang nangyari kanina. Simula sa naramdaman ko ang presensya nito sa likuran ko papunta sa pag tingin nito saakin at patapos sa pag ngiti-

Biglang lumaki ang mga mata ko nang mapansin ang pag init ng pisngi ko dahil sa naisip at kinakabahan na napalingon sa sariling refleksyon. Pinanood ko ang namumula kong mukha bago naramdaman ang pag bilis ng takbo ng puso ko. Umayos ka, Natasha, please lang...!

Pabagsak na isinandal ko ang kamay sa sink pagkatapos ito maibaba at nagpakawala ng hininga. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko pero mag namumuong ideya na sa isip ko na ayaw ko lang tanggapin. Erase, erase, erase. Admiration lang iyon, ano ka ba. Imposible ang naiisip mo dahil may nagugustuhan ka pa diba? Hindi pwedeng dalawa o marami ang magustuhan mo nang sabay..

Marahan na idinaan ko ang kamay sa buhok pababa at naramdaman ang malamig na tubig nito paalis bago nakampante ang sarili sa naisip. Tama naman ako. Hindi posibleng magkagusto ako sa ilang tao nang sabay sabay kaya hindi dapat ako mabahala dahil kahit ayaw kong aminin ay kay Ken parin tumitibok ang puso ko. Si Ken lang at wala nang iba.

Pagkatapos akong makapag ayos at maisuot ang damit ay tahimik na lumabas ako sa banyo habang hawak hawak ang tuwalya sa ulo. Marahan na itinutuyo ko ang basang buhok nang pumunta ako pabalik sa living room pero hindi ko natagpuan si Ms. Ives dito. Umalis na ba sya?

Takang natigil ako sa paglalakad at maiging iniikot ang tingin sa kabuohan ng paligid pero hindi ko ito matagpuan hanggang sa natigil ang tingin ko sa kusina. Konektado ito sa living room at walang pinto kaya naisip ko agad na baka nandito ito.

Tahimik na naglakad ako palapit dito habang hawak hawak parin ang tuwalya sa ulo at iginala ang tingin hanggang sa tumigil ito sa likod nyang nakatapat sa stove. Abala ito sa ginagawa kaya hindi ako nito napansin sa pagpasok. Nagtatakang pinagmasdan ko lang ito sa paggalaw bago ako nagsalita para ipaalam ang presensya.

"anong ginagawa mo?" tanong ko dito ngunit hindi man lang ito nagitla o hung ano pa man sa biglang pagsalita ko at pinagpatuloy lang ang ginagawa bago nagsalita nang hindi inaalis ang atensyon dito.

Lies from a ConsultantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon