chapter 11

776 24 2
                                        

"conversations & a visitor" | Chapter 11
.
.
.
.
.

~~*~~

I crossed my arms together as I waited patiently on the sofa in the living room. Nakabukas ang TV sa harapan ko sa hindi kalayuan sa kung saan ako nakaupo ngayon at ang ipinalalabas nito ay balita. Kung hindi ako nagkakamali, bente minutos na ang nakalipas nang lumabas ako sa kwarto nya.

Iginala ko ang mata sa ibabaw ng lamesa nang hindi ginagalaw ang mukha. May dalawang set ng pagkain na nakalagay sa ibabaw nito sa harap ko na sa tingin ko ay idineliver dito dahil sa food tray trolley na nakatambay sa tabi ng pinto na nakita ko kaninang palapit dito sa sofa. Mukhang Chicken Caldereta ito dahil sa itsura at amoy nito na umaalingasaw sa loob.

I narrow my eyes at it as I feel my stomach growled because of it. Hindi ako madalas kumain pero dahil nakasanayan ko na ay wala akong magagawa. Saka masarap kumain kaya hindi ko mapigilan kahit hindi naman ito nakakaapekto sa katawan ko.

May dalawang basong lemon juice rin sa tabi nito pati narin ang naka tissue na utensils na pag gagamitan. Everything looks professionally prepared and I admire the chef who made the dish for making it look promising and delicious. Damn, I want to eat now..

Ibinalik ko ang tingin sa TV  habang kagat kagat ng marahan ang ibabang labi bago nagpakawala ng malalim na hininga. I noticed the clock above that's placed at the while wall before thinking to myself.

It's almost 12 o'clock already so why isn't she done yet?

I drifted my eyes away from the wall clock I glanced up to before looking back at the door frame of her room.

Nakabukas naman ang pinto dahil hindi ko ito isinara nang lumabas ako pero hindi ko sya matanaw dahil sa angulo ng posisyon ko. Kitang kita ko ang kabilang loob ng kwarto nya kung saan may nakatayong book shelves, ilang cabinet at body mirror nito sa tabi. I didn't notice it before because her bed was placed in the middle of the room. The shelves were placed at the right side of the bed while on the left side, her study table and where the windows are placed. It's a good design, I must say.

Habang nakamasid ako sa loob ay may aninong umaninag sa pinto bago natakpan ang tinitingnan kong salamin kaya itinaas ko ang tingin at natagpuan si Natasha na palabas dito habang nakatingin saakin. Otumatikong sumilay ang ngiti ko sa labi dahil sa akalang kakain na kami pero agad na nagsalubong ang kilay ko nang umiwas ito ng tingin.

My eyebrows remain knitted together as I watch her walk towards me, still avoiding to meet my eyes for some reason. I wonder if something happened..

Hindi kaya pinagusapan nila ako doon? I thought, I already explained everything to resolve the misunderstanding..?

Tahimik na naupo ito sa harap ko sa kabilang sofa habang iniiwasan parin salubungin ang tingin ko kaya napaangat na lamang ako ng isay kilay dahil sa kakaibang ikinikilos nya.

As much as I wanted to act dumb and ignorant in purpose, in order to keep my promise, I needed to get close with her that she can rely on me anytime.

Pinagmasdan ko ang galaw ng kamay nito sa hita nya at ang pag iwas ng mata nya saakin pati ang mahinang pagkagat nito sa ibabang labi. That's it, she's nervous and I'm going to make her tell my why.

I sighed, "you're nervous, Ms. De la Vega, I can tell" and met her eyes when she averted it towards me, slightly widening in surprise.

Halatang nagaalanganin ito dahil sa patuloy na pag galaw ng kamay nito na parang hindi alam kung anong gagawin. Nagdadalawang isip kung iiwasan ba ang mata ko pero nanatili itong nakatingin saakin. I took that opportunity to scan her face and come to a conclusion in an instant.

Lies from a ConsultantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon