chapter 12

1K 20 4
                                    

Chapter 12 | "closure & businesses"
.
.
.
.
.

~~*~~

"ahh pasok ka, Ken.."

Hindi ko alam kung anong sadya nya sa pag punta dito pero mayroong pumasok sa isip ko na ayaw ko munang panghawakan dahil sa rason na hindi pa ako handang masaktan ulit.

Sinundan ko ito ng tingin at agad na napansin ang kaseryosohan sa ekspresyon nito nang tinanguan lamang ako nito bago pumasok sa loob. Dahan dahan na naupo ito sa sofa na kinauupuan lang ni Ms. Ives kanina nang hindi ako binabalingan ng tingin.

Naiilang na iniiwas ko ang tingin nang salubungin nya ito bago isinara ang pinto sa tabi at bahagyang lumapit sa kabilang sofa. Hindi ako naupo dito at tumayo lamang sa tabi ng mauupuan dahil sa pinapaniwalaang aalis rin ito kaagad.

Nasa kamay na nito ang tingin habang hawak hawak ang maliit na kahon na dala nito parito. Marahan na kinagat ko ang ibabang labi dahil sa pagkailang bago klinaro ang lalamunan at napagdesisyonang magsalita.

"gusto mo ba ng maiinom?" lakas loob na tanong ko dito na ikinataas nya ng tingin sa gawi ko.

Malumanay lang ang tingin nito na parang maraming iniisip bago ngumiti saakin at nagsimulang sumagot. "no, thanks, I'm fine, tasha..." mahinahong sagot nya habang nanatili ang maliit na ngiti nito sa labi.

Tinanguan ko na lamang ito at dahil walang nag lakas loob na magsalita muli ay nauwi kami sa katahimikan.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sakanya pagkatapos ng nangyari kahapon. Naguguluhan ako ngayon dahil sa pagpunta nya dito na hindi ko inaasahan at lalong lalo na sa nararamdaman ko ngayon. Halo halo ito ng pagkalumbay, pagkailang sa presensya nya at yung sakit na unti unting bumabalik saakin sa mga sandaling ito.

"listen, um.." rinig kong salita nito na nagpabalik saakin sa reyalidad para ituon sakanya ang atensyon.

Hindi ko masuri ang eskpresyon nito habang nagpapalitan kami ng tingin sa isa't isa dahil nawala na ang ngiti nito sa labi na ikinababa ko ng tingin. Mga ilang segundo itong natahimik na parang pinapakiramdaman lang ang presensya ko bago ko ito narinig na nagsalita.

"I know what I did was.. unforgivable and I really regret that for months" panimula nito na dahilan para mag salubong ang kilay ko habang nasa sahig parin ang tingin.

Hindi ko kayang tumingin sa mga mata nya habang nagsasalita ito dahil unti unti nang naninikip ang dibdib ko. Masakit parin pag usapan ang nangyari saamin at hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan kung saan iniwan nya ako na walang sinasabing dahilan.

"I'm not here to ask for your forgiveness but... I wanted to make it up to you. I've thought about it for so long and—It's not that I'm trying to make a victim out of myself but... It was really hard for me to avoid you as you tried to reach out to me a countless times.." mahabang pagpapaliwanag nito kasabay nang mabilisang paguulit ng mga isinabi nito sa isip ko.

Kung nahirapan pala sya eh bakit hindi nya ako kinausap noong unang lapit ko palang sakanya para kausapin? Ano ba talagang dahilan nya para layuan ako ng ganon ganon lang?

Marahan na hinaplos ko ang kaliwang siko bago humalukipkip at nanatili ang sa maaliwalas na sahig. Gusto kong itanong sakanya iyon pero ayaw ko nang magmukhang desperada gaya ng ipinamukha ko sakanya ng mga sumunod na araw, linggo, buwan nang hiwalayan ako nito.

Bumalot muli ang katahimikan dito sa sala kung saan kami namamalagi dahil sa pananahimik naming dalawa. Naiilang parin ako sa presensya nya at hindi naman iyon maiiwasan lalo na kahapon lang ang huling usap namin ay hindi pa sa maayos na usapan iyon natapos.

Lies from a ConsultantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon