chapter 19

143 3 0
                                    

Chapter 19 | "the Sébastien clan"
.
.
.
.
.

~~*~~

"sorry, my father called" rinig ko namang sabi ni Ken sa tabi ko pagkatapos ibaba ang tawag at nilagay sa dashboard ang cellphone. Nginitian ako nito nang lumingon sakin na agad ko namang ibinalik.

"okay lang.." sagot ko naman dito habang nakatingin sa side profile nya. 

Wala paring pagbabago si Ken. He's treating me the same as before. Na parang walang hiwalay na nangyari samin at iyong matagal na panahon na hindi kami nagkausap. He's the same and I don't know if I should treat that as a good thing or not.

"yeah he's very strict when it comes to rules" sabi naman nito habang nasa kanya parin ang tingin. Nagpakawala pa ito ng mahinang tawa habang nagmamaneho at binalingan ako na may ngiti sa labi.

Dahil sa magandang ngiti nito ay napangiti rin ako bago ako nag salita. "rules? Anong rules naman?" nagtatakang tanong ko sa sinabi nya.

He chuckled before clearing his throat. "you know, curfew and stuff like that..." sabi nito habang nakatutok na ang tingin sa unahan.

Tumango naman ako bago inilipat ang tingin sa unahan. "nakakainggit.." bigla naman lumaki ang mata ko sa sinabi pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Ken.

"oh, I just remembered. I'm sorry you feel that way, tasha.." malungkot na sabi nito. Nasabi ko kasi sakanya ang tungkol sa amin ni papa. Siguro pansamantala nyang nakalimutan ang tungkol doon.

"okay lang.. Wala ka namang kasalanan, Ken" may malungkot na ngiti na sabi ko dito.

And then, all of the sudden, he stops the car at the side of the road and looked at me. "you know, what? You should come with me and met my family. He wanted me back as soon as possible because we're having dinner with Uncle back from States" mabilis na sabi nito dahilan para hindi agad maproseso ng utak ko.

"h-ha?" bulaslas ko habang nabibigla na nakatingin sakanya. "K-ken—"

"please, please? I think it's time for you to finally meet my family, tasha" may ngiti ito sa labi habang nakatitig sakin.

"P-pero Ken, nakakahiya.." sabi ko dito habang seryoso nang nakatingin sakanya.

He furrowed his eyebrows at me. "what's there to get shy about? You're beautiful, tasha, and kind to say the least" pagpupuri nito sakin na ikinainit ng pisnge ko. "look at yourself, you look gorgeous in that dress.." pagdaragdag nya pa nang tingnan kabuuhan ang suot kong dress.

And then I think to myself. Kung sasagutin ko ito ng oo, makikilala ko narin ang pamilya nya. Pamilya nya..

"Mr. Thomas, this is Ken Andrei Sébastien, my brother"

Agad naman na lumaki ang mga mata ko nang maalala ko ang sinabi ni Ms. Ives. Ken watches me intently with a smile on his face and I immediately averted my gaze away as I think to myself. Magkapamilya sila. So kung pumayag ako na pumunta, makikita ko ulit si Ms. Ives..

Naramdaman ko ang pag galaw ng dulo ng labi ko bago ko narinig ang sarili na nag salita. "okay.."

"yes! Thank you, thank you!" rinig ko namang malakas na bulaslas ni Ken sa tabi ko bago nya ulit hinawakan ang manibela. "let's turn around now" masayang sabi nito at naaninag ko naman ang malaking ngiti nito nang tumapat sakanya ang tingin ko.

Nakahinga naman ako ng malalim bago tumingin sa bintana sa tabi ko. Makikita ko ulit si Ms. Ives..

"nga pala, Ken.. Bat Thomas ang gamit mong apelyido hindi Sébastien?" biglang tanong ko sakanya habang nasa labas ang tingin.

Lies from a ConsultantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon