Gamot

2.3K 85 0
                                    

"Sige mauna na ako, baka makita ako ni kuya na nagtagal dito, pagalitan ako. Hihi, salamat sa pakikipagkwentuhan...Deze! Bye bye!" Sabi niya na parang bata, napangiti nga ako eh. Kasi ang cute cute niya, ibang iba siya sa kuya niya. Nagkwento lang naman kami ng kung anu-ano, minsan nga siya lang ang nagsasalita eh, habang kumakain kami ng prutas na pinadala ng kuya niya. Gabi ulit, napatingin ako sa wall clock. 7:38 pm na pala, napatagal pala ang kwentuhan namin. Napahiga ako sa kama. Hindi pa ba uuwi si Arwin? Kinakabahan tuloy ako baka bumalik na naman siyang lasing. Ayokong umuwi siyang lasing.

Ilang orans ang lumipas napatingin ulit ako sa wall clock 11:45 pm na, uuwi pa ba siya? Ang tagal tagal niya na. Wala pa siya? Ano kaya ang ginagawa ngayon ng kidnapper na yun! Nagugutom na ako! At baliw talaga ako kung san naman hindi pa siya umuuwi dun naman ako nagugutom bigla, tapos kung nandito naman siya hindi ako humihingi ng pagkain. Napapikit ako, at naalala ko ulit si Arwin

***

"Aray!" Sigaw ko nung natumba ako, paulit ulit nga akong numaaray kasi nagkasugat ako sa tuhod, paano ba naman?! Naunahan na ako ng bus, sinabihan ko pa naman ang driver ko na magba bus nalang ako. Dahan dahan akong tumayo.

"Ang sakit..." Inis kong bulong ang hapdi hapdi kasi. Halos di na ako makalakad ng maayos

"Kyaaaah! Ar...arwin!" May biglang bumuhat sakin yung nakikita sa mga kasal, at si Arwin ang bumubuhat sakin ngayon.

"Arwin! Hin..hindi naman kailangan.." Pautal kong sabi, kasi nahihiya ako

"Hindi ka nga makalakad ng maayos...atska kung nahihiya ka,magkaibigan naman tayo diba?" Sabi niya at ngumiti sakin kaya napangiti ako. At napatitig lang sa kanya.

*****

Napadilat ako nung bumukas yung pinto at pumasok si Arwin kaya natayo ako sa kama at lumapit sa kanya, napatingin ako sa braso niya sa mukha niya, marami siyang malilit na sugat at pasa.

"An...anong nangyari?" Tanong ko sa kanya, napahawak ako sa pisngi niya, humihingal siya, at may pasa siya sa gilid ng labi niya

"Wala..." Malamig niyang sabi at hinawi ang kamay ko

"Wala kang pakealam..." Malamig niyang sabi, tama siya! Ano bang pakealam ko sa kanya?! Dapat nga masaya ako kasi! Nakakainis! Ako na nga tong nag-aaalala tapos!

"Gutom ka na ba?" Tanong niya, tumango agad ako

"Maghintay ka lang dit--..." Bigla siyang napahawak sa noo niya at malapit na nga siyang matumba eh, pero nagawa niyang tumayo ng maayos

"Maghintay ka lang dito..." Sabi niya at ewan ba hinawakan ko ang braso niya

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya, pero hinablot lang niya ang braso niya sakin tapos lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga ako, Gang fights? Napasali na naman atah siya sa mga away. Ganyan naman kasi yung mga gangsters diba? Pero tumigil na siya nun eh... Ilang minutong lumipas ay bumalik agad siya. Tapos dumiretcho siya sa study table, sumunod naman ako.

"Ayos ka lang ba talaga Arwin?" Tanong ko ulit sa kanya, pero napaatras ako nung titigan niya ako sng masama

"Wag mo akong pakealaman!" Sigaw niya bigla na halos mapatalon ako sa gulat. Tinatanong nga lang galit!

"So...sorry..." Sabi ko at umupo na at nagsimula nalang akong kumain, naramdaman ko namang nawala siya sa tabi ko. Pero hindi ko pinansin iyun at kumain nalang ng kumain. Nung natapos akong kumain ay uminom na agad ako ng tubig at lumingon ako sa likuran ko, napahawak ako sa bibig ko bigla, munti ko ng maibuga tong tubid na iniinom ko.

HE KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon