OO

1.3K 46 3
                                    

Habang kumakain ice cream ay sinusubuan ko siya tapos ako ay sinusubuan niya, isa lang ang nararamdaman ko ngayon, ito ay kilig. Oo na inaamin ko na kinikilig ako sa kanya.

"Ngiti ka naman babe.." sabi niya sa akin, kinukunan na naman niya ako ng video, tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay.

"Nakakahiya.." sabi ko

"Maganda ka nga eh.." rinig kong sabi niya kaya iniwas ko na ang kamay ko sa aking mukha, at ngumiti sa kanya, bigla niyang pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang tissue, medyo nahiya ako pero nginitian ko siya agad. Pagkatapos namin kumain, ay nanood kami ng mga palabas, mga kung anu-ano lang, kumportable nga ako eh, nakasandal ako sa kanya at nakaakbay siya sa akin.

"Ang ganda nung babae.." sabi ko bigla, habang nakatitig sa tv, nanonood kasi kami ng isang love story

"Mas maganda ka nga eh.." rinig kong sabi niya at napangiti ako.

"Gwapo din yung lalaki.." sabi ko

"Sus, hindi naman.." rinig kong sabi niya, gusto ko ngang matawa kasi para siyang bata, napahawak ako sa dibdib ko, iba na naman ang nararamdaman ko sa puso ko, parang...ito na ba sinasabi nilang love? At naalala ko bigla ang mga panaginip ko, parang kinakabahan ako bigla.

"Mas gwapo ako..." sabi niya na parang bata, kaya natawa na ako

"oo na, ikaw na ang gwapo." sabi ko, at naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Napapikit ako, parang inantok ako bigla parang gusto kong matulog lang na katabi siya. Isang oras ang lumipas, natapos yung palabas at dumiretcho kami sa labas. Nakipaglaro kami sa mga bata dito sa park ng habul-habulan, si Arwin yung monster na humahabol sa amin. Napapatili nga ako minsan kasi parang ako lang hinahabol niya. Pero dahil sa mabilis siyang tumakbo ay nahabol niya ako at niyakap niya ako sa may likuran.

"Ayiiiiieeee.." napatingin ako sa mga bata na kinikilig sa amin.

"Ikaw na ang monster.." bulong sa akin ni Arwin sa tenga ko. Napasimangot ako.

"Bat nahuli mo ako?" tanong ko na parang bata, hinalikan niya ang pisngi ko

"Mabagal ka kasi.." sabi niya at tumakbo na, kaya hinabol ko na silang lahat, pero hinihingal lang ako sa kanila, ang bilis kasi nilang tumakbo lalo na yung mga bata. Kung titignan, iniisip ko na para kaming isang pamilya... Pagkatapos ng laro ay napaupo kami ni Arwin sa isang bench na nasa ilalim ng isang puno. Humiga siya bigla at ginawang unan ang lap ko.

"Inaantok ako." sabi niya at napangiti lang ako tapos pumikit siya. Pinagmasdan ko nalang ang mala-anghel niyang mukha, hinaplos ko ang pisngi niya, ngumiti siya bigla. At pinaglaruan ko naman ang buhok niya. Hinawakan ko naman ang isang kamay niya gamit ang isang kamay ko, at habang yung isa kong kamay ay pinaglalaruan pa rin ang buhok niya. Bigla siyang dumilat at tinitiga

...

Mga ilang araw ang lumipas, naging masaya kami ni Arwin, hindi ko na nga alam na kidnapper siya o nakidnap ako. Parang yung mga masasamang nangyari nuon ay parang nawala lang.

"Punta ka bukas sa labas ah?" bulong niya sa akin, nasa kwarto niya ako ngayon, nakasandal ako sa dibdib niya at nakayakap siya sa akin. Gabi na ah, at dito ako matutulog sa tabi niya.

"Bakit?" tanong ko na may pagtataka

"Basta..." bulong niya

"Okay.." sagot ko at natawa sandali.

"Good night.." bulong niya at napatango lang ako, at napapapikit lang, kasi nman napagod ako ngayong araw eh.

..Kinabukasan...

HE KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon