Nagising ako kasi humihigpit ang yakap ni Arwin sakin. Magkaharap kami, at nakayakap ang kamay niya sa may bewang ko. Ang himbing ng tulog niya. Perp gusto ko ng bumangon, pero hindi ako makatakas sa yakap miya.
"Arwin...gising na..." Bulong ko at pinisil pisil ko yung pisngi niya... Pero ayaw eh, ayaw gumising. Anong ors na! Naoabuntong huninga ako.
"Deze..." Napatingin ulit ako sa kanya, akala ko gising na siya pero hindi pa pala...
"Deze..." Napangiti ako, pati ba naman sa panaginip kailangan niya ako isama? Bigla kong hinaplos ang pisngi niya. Tapos agad kong binawi ang kamay ko nung dumilat ang mga mata niya, kinusot niya ang mga mata niya tapos tinitigan ako.
"Ba...bangon na tayo?" Tanong ko sa kanya
"Ayoko..." Sagot niya na parang bata at pinikit ulit ang mga mata, para siyang bata eh. Gusto ko ng bumangon.
"Arwin, anong oras na! Bumangon ka na!" Sigaw ko, tapos binuksan niya ulit ang mga mata niya
"Gutom ka na?" Tanong niya sakin, tapos tumango ako, baka kasi bumangon na siya at ipaghanda na niya ako ng breakfast. Ngumiti siya bigla at napaupo sa kama. Ako naman ay agad na bumamgon.
"Sige... Punta na ako sa baba..." Sabi niya at bumangon na din tapos umalis na sa kwarto, ako naman ay agad na dumiretcho sa banyo. Nung matapos akong maligo ay tinakpan ko na ang katawan ko gamit yung tuwalya, tapos lumabas na ng banyo. Pagkalabas ko ng banyo, ay napalaki ang mga mata ko sa gulat nandito si Arwin... Nakaupo siya sa kama, bu...bumalik pala ulit siya dito sa kwarto?! Tinitigan niya bigla ako, ulo hanggang paa
"Wa...wag mo akong titigan ng ganyan!" Sigaw ko sa kanya, bigla siyang ngumisi
"Bakit? Masama ba?" Tanong niya sakin, napabuntong hininga ako. Kinakabahan tuloy ako, at nahihiya, pumunta agad tuloy ako sa cabinet. Dapat sa susunod magdadala nalang ako agad ng damit sa banyo! Kasi bigla biglang sumusulpot ang kidnapper na toh! Natataranta akong maghanap ng sosootin.
"Lu...lumabas ka na..." Sabi ko habang pumipili ng damit
"Bakit? Ikaw ba nasusunod dito?" Rinig kong sabi niya, kinuha ko agad ang isang dress at papasok na ako sa banyo nung tawagin niya pangalan ko.
"Deze!" Dahan dahan akong humarap sa kanya
"Bak...bakit?!" Tanong ko, ngumisi siya ulit.
"Dito ka na maghubad, at magpalit ng damit... Sa harapan ko..." Sabi niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko, hindi nga ako makakilos eh. At napatulala ako. Tapos bigla siyang tumawa
"Hahaha! Sana may camera ako, sana nakunan ko ng litrato ang mukha mo! Hahahaha" sabi niya sa gitna ng tawa niya at hinahawakan pa niya ang tiyan niya. Napabuntong hininga ako, pinagtri tripan na naman ako hindi ko na siya pinansin at dumiretcho na ako sa loob ng banyo. Nung natapos akong mag-ayos ay agad akong lumbas, pagkalabas ko may pagkain na sa study table.
"Aalis ka ba?" Tanong ko sa kanya, nasa may pintuan na siya
"Oo..bakit?"
"Ahh...pwe..pwede bang..magpabili?" Sabi ko, kasi bigla akong naghahanap ng candies atsaka chocolates, mahilig din kasi ako nun. At matagal na din akong hindi nakakain ng mga sweets.
"Ano?" Malamig niyang tanong, nahihirapan akong sumagot kasi naman, ang seryoso seryoso niya, at pabago bago din siya minsan ng emosyon.
"Cho...chocolates?" Patanong kong sagot sa kanya, tumango lang siya sakin at lumabas na ng kwarto, pumunta na ako sa study table at kumain na ako. Iniisip ko si Jake ngayon kung nakabili ba siya, natatawa na naman ako, anmo bang maitutulong ng cellphone? Pwede kong maetxt sila mommy. Oo tama! Kasi panigaruadong hindi naman ako tutulungang makalbas dito ni Jake at isa pa hindi ko pa siya gaanong kilala.