"Magbihis ka na... At mag-ayos..." Sabi bigla sakin ni Arwin at nagulat ako nung pumasok siya bigla sa kwarto ko, bat niya ako pinagbibihis? Matutulog palang sana ako ulit kasi inaantok pa ako, hindi kasi ako makatulog ng maayos, kasi ang likot niya!
"Bakit?" Tanong ko
"Lalabas tayo..." Malamig niyang sagot, napalaki ang mga mata ko sa gulat, kami? Lalabas? Talaga?! Napatpbangon ako sa kama, naoangiti ako..
"Wag mo akong titigan ng ganyan..magbihis ka na... Gusto mong lumabas tayo diba? Pero siguraduhin mo lang na hindi ka aalis sa tabi ko, kasi pagumalis ka at mahuli ko, patay ka sakin..." Malamig niyang sabis sa akin at naoatango lang ako. Hindi ako makapaniwala na, seseryosohin niya, at kahit alam kong biktima pa rin ako, eh masaya na ako kahit makalbas mankang ulit.
" bilisan mo.." Sabi niya na parang boss at lumabas na ng kwarto kaya naman, agad akong mpnaligo, nagbihis at nag-ayos. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at lumapit sa kanya na nakatayo at nakasandal sa pintuan sa sala
"Ang tagal!" Sigaw niya
"Sorry.." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya, tapos bumilis ang tibok ng puso ko nung binuksan na niya yung pintuan. Napangiti ako ng wagas, hinila niya ako sa labas, waaah! Ang ganda ganda naman talaga ng park na ito!
"Halika! Maggrocerry muna tayo, wala ng stock sa ref eh.." Sabi niya at napatango lang ako. Gusto kong tumambay sa park na ito, someday. Hehe
Mga ilang oras ang lumipas, naglakad lang kami papunta sa isang grocerry store, malapit lang naman sa bahay niya. Medyo malapit lang. Masaya nga ako kasi, pinapakuha lang niya ako ng mga gusto kong kainin at siya na magbabayad, ang swerte ko naman! Kaya kuhanlang ako ng kuha. Ang labo niya din kagabi, bumulong siya kung anong gusto ko gawun bukas, sabi ko naman gusto kong lumabas tapoas sabi niya hindi. Tapos ngayon papayag siya? Ang labo din, may problema atah siya sa ugali niya.
"Pagkatapos dito? May gusto ka pang puntahan?" Tanong niya bigla sakin
"Sa perya? Pwede ba?" Patanong kong sagot
"Mar...maraming tao dun eh...baka..." Mahinang sabi niya, nakalimutan ko atang tinatago niya ako. Napabuntong hininga ako.
"Sige..punta tayo mamaya..." Sabi niya sakin bigla kaya napangiti ako
"Basta nasa tabi lang kita ahh... Wag kang aalis sa tabi ko.." Sabi niya, at napatango lang ako. Tapos namin ay dumiretcho na kami sa counter at nagbayad na siya, agad naman kaming lumabas syempre siya ang bumitbit ng mga binili namin, pagkalabas namin, ay bigla akong napatulala at napatigil sa pagkilos nung tumama ang mga mata ko sa isang lalaki, na nakaheadset at may kaholding hands na babae. Bumilis ang tibok ng puso ko,
"Joshua?" Bulong ko
"Hoi, ayos ka lang?" Napatingin ako kay Arwin. Hindi yun malikmata, alam na alam ko kung pano siya lumakad, ang itsura niya. Yung ngiti niya. Alam kong si Joshua yun! Bigla kong tinalikuran si Arwin at tumakbo ako para masundan si Joshua.
"Deze!!!"
Rinig kong sigaw ni Arwin pero mas binilisan ko lang ang pagtakbo.alam kong si Joshua yun, sinasabi ng puso ko na siya yun, si Joshua yun... Biglang lumabas ang luha ko sa aking mga mata..
"Joshua!!" Pagsigaw ko sa pangalan niya, pero parang di niya ako naririnig, bukod sa nakadeadset siya, may kausap pa siyang babae, hanggang sa sumakay sila sa isang van.
"Teka!! Joshua! Hintay!!" Sigaw ko sa gitna ng iyak ko, nakasakay na sila at biglang umandar agad yung sasakyan. Mas binilisan ko ang pagtakbo ko, para mahabol sila