Good night

2.9K 105 0
                                    

"Matulog ka na.." Sabi niya sakin, at hinalikan bigla ang noo ko na ikinagulat ko, ilang beses na niyang ginagawa ito, pero nagugulat pa rin ako.

"Good night..." Sabi niya at napatango lang ako, tapos umalis na siya ng kwarto.napahawak ako sa noo ko. Napahinga ako ng malalim, naalala ko tuloy si Joshua, hinahalikan din niya kasi ako noo bago kami matyulog. Nagtatabi kasi kami palagi pagnatutulog alam niya kasing nahihirapan akong makatulog sa gabi. Ipinikit ko na ang mga mata ko, at hindi ko alam kung bakit naalala ko ulit si Arwin noon.

***

"Ka....kaibigan? Gust..gusto mo na din akong maging ka..kaibigan? Ak..ako?!" Gulat kong sabi kay Arwin, nautal pa nga ako eh. Ilang araw ko na kasi siyang kinakausap kaso, ngayon lang niya ulit ako kinausap, nasa park ulit kami. Nakaupo kaming dalawa sa isang ilalim ng puno. Magkaharap kami sa isat-isa

"Oo." Tipid niyang sabi, napangiti ako, hindi ako makapaniwala ang pinakasikat at kinakatakutan dito sa amin ay kaibigan ko na.

"Haha! Masaya ako!" Sigaw ko na parang bata, muntik ko na nga siyang yahapin eh. Buti nalang sinamaan niya ako ng tingin kaya napaatras agad ako. Pero nagulat ako nung siya yung yumakap sakin.

"At masaya din ako kasi may kaibigan na ako.." Rinig kong sabi niya, nagulat ako, tek...teka? Anong ibig niyang sabihin?

"Diba? Marami kang kaibigan?" Tanong ko sa kanya

"Hindi ko sila kaibigan..." Malamig niyang sagot, napatango nalang ako at yinakap din siya pabalik. Masayang masaya ako kasi salamat tapos na yung dare na ipinapagawa nng mga kaibigan ko. Kaibigan ko na siya.

"Ikaw palang ang kaibigan ko... Nakakatawa nga kasi nagawa mong lapitan ang isang tulad ko.." Rinig kong sabi niya, oo marami ngang naiinggit saking mga babae kasi lapit daw ako ng lapit sa kanya. Tapos humigpit ang yakap niya sakin, at hinayaan ko lang naman siyang yakapin ako.

***

Napatigil ako sa pagaalala sa nakaraan nung maramdaman kong parang may maliliit na paa na lumalakad sa may paa ko. Nakalimutan ko palang magkumot, pero an..ano toh? Napadilat ako at liningon ko ang paa ko,napalaki ang mga mata ko sa gulat. Paanong..meron..an..

"Waaaaahhh!!!" Napatili ako at napabangon sa kama, malapit na nga akong matumba eh, meron kasing ano...hindi ko alam na meron palang..

"Daga!!!" Sigaw ko at napatalon talon dito sa kwarto, tumakbo ako palapit sa may pinto at sumandal doon, hindi naman sa maarte ako, natatakot lang talaga ako kasi baka kagatin ako eh. Saan na yung daga na yun? Nagulat naman ako nung biglang bumukas yung pinto kaya napaatras agad ako

"An...anong nangyari?! Ayos ka lang?! May problema ba?!" Sabi niya sakin at halatang nagaalala siya, hinawakan niya bigla ang magkabilang balikat ko.

"Ano? Anong problema? Bat namumutla ka? Bat sumigaw ka?" Tanong niya at halatang naiinis kasi hindi pa ako nakakapagsalita.

"Ma..may...nakita kasi akong daga..." Sabi ko, at napakagat labi ako, kasi mukhang naistorbo ko siya sa pagtulog eh, binitawan niya ako at napahawak siya sa noo niya, at narinig ko siyang nagmura

"Yun lang?! Ano ka ba! Iniistorbo mo ba ako?!" Sigaw niya sakin, napapikit pa nga ako sandali sa gulat eh. Huminga ako ng malalim.

"So...sorry... " sabi ko

"Matulog ka na..." Mahinahon niyang sabi, napatingin ako sa kama, paano kung lumabas at magpakita at guluhin ulit ako ng daga na iyun?! Napahawak ako sa braso ni Arwin na papalabas na ng kwarto.

HE KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon