Papatayin

1.6K 56 0
                                    

"Bat di ka pa kumain? Alam mo ba na sa isang araw ang pinakaimportante ay ang almusal?" Sabi niya sakin, limingon ko siya, kasi naman... Yung binulong niya sakin parang di pa rin nawawala sa tenga ko eh. Naririnig ko pa kung paano ang tono ng boses niya

'I love you'

'I love you'

'I love you'

Umiwas ako ng tingin sa kanya at napailing iling. An..ano ba! Hindi tuloy ako makakain ng maayos. Hinawakan niya bigla ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Wag mong sabihin busog ka na?" Sabi niya bigla

"Huh?" Ang lumabas nalang sa bibig ko.

"Nabusog ka na sa.... I love you at halik ko?" Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko, kaya napalo ko kaagad yung braso niya, nandito kaya si Lorly, napalingon ako kay Lorly mabuti nalang masyado siyang focus sa pagkain niya at mahina lang naman ang boses ni  Arwin, pe...pero...posibleng may marinig nalang siya.

"Ang feeling mo.." Inis kong sabi, siya palang ang nakilala kong kidnapper sa buong mundo, sabagay siya lpa lang naman ang nagkidnap sakin.

"Oh? Wag mong sabihin na kulang pa yung halik ko?" Sabi niya bigla

"Tumigil ka nga..." Sabi ko

"O yung I love you ko? Gusto mo sabihin ko ulit?" Sabi niya at kinindatan niya ako bigla, kapal! Umayos na ako ng upo at binawi ko ang kamay ko sa pagkahawak niya at kumain na lang.

"Haha..pakipot pa.." Rinig kong bulong niya, nakakainis pero hindi ko na pinatulan, baka lumayo pa usapan namin. At nasa harap kami ng pagkain. Kaya kumain nalang ako ng kumain. Nung natapos kaming kumain ay agad akong hinila ni Arwin sa sala at umupo siya sa isang maliit na sofa, at hinila din niya ako paupo sa tabi niya. Binuksan niya yung tv. Gusto kong matawa, kasi nasa chanel kami kung saan mga bata ang mas magkakagustong manood. Puro cartoons eh. Nabored tuloy ako, gusto ko ng cartoons pero syempre hindi na naman ako bata eh.

"Wala bang ibang palabas?" Tanong ko sa kanya at liningon ko siyang nakangit i siyang nanonood sa tv. Parang bata. Pero ang cute niya.

"Bakit anong gusto mong panoorin?" Tanong niya at nagulat ako sa paglingon niya sakin at tumama ang aming mga mata.

"Ahh..." Hindi ako makasagot kasi paano ba naman ang gwa— este, hindi ko din naman alam kung anong papanoorin namin, bigla siyang ngumisi. Napataas ang isang kilay ko. Pafrang may nababasa akong hindi maganda

"Gusto mo manood tayo ng—aray! Shit! Bat mo ako sinampal!" Sigaw niya sakin sabay hinaplos niya ang pisngi niya.

"Kasi manyak ka!" Sigaw ko, tumawa siya bigla

"Anong manyak?! Wala nga akong ginagawa sayo!" Sigaw niya sakin, oo nga naman at sinampal ko agad siya kanina eh hindi ko nga siya pinatapos. Oa ko naman.

"Sabi ko gusto mong manood tayo ng horror movies...anong manyak dun?!" Sigaw niya, hinahaplos pa rin niya ang pisngi niya.

"Mas...masakit ba?" Tanong ko sa kanya, at hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi niya

"Kung hahalikan mo hindi na sasakit.." Sabi niya

"Ayoko, hayaan mo nalang sumakit.." Sabi ko at binitawan kamay niya at iiwas na sana ng tingin nung sinamaan niya ako ng tingin.

"Bilis.." Malamig niyang sabi, napabuntong hininga ako at mabilis na hinalikan ang pisngi niya, at nakita ko siyang ngumiti at ewan ba pero napangiti din ako. Napatingin ako sa taas bat bukas pa ang ilaw?

HE KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon