Tahan na

1.3K 53 2
                                    

"Yan nalang ba ang kaya mong gawin? Ang umiyak sa akin at humngi ng tawad? Yan nalang ba ang kaya  mong sabihin? 'Im sorry'?!" Rinig kong sabi niya, nakayakap pa rin ako sa kanya.pinaglaruan ko siya, hindi  ko alam kung anong gagawin ko  para mapatawad na nuya ako. Sabi pa nga niila mas  iba ang tama pag ang puso na ang pagglaruan.

"Ginagawa ko naman...ang lahat para mapatawad ka...pero....damn...hindi ko kaya!"  Sigaw niya sakin

"Akala ko patuloy tayong magiging masaya, at akala ko parehas tayong masaya sa relasyon natin..." Rinig kong sabi niya.

"Hindi pala...alam mo, ngayon sasabihin ko sayo ang galing galing mo maglaro."sabi niya

"Arwin tama na..." Sabi ko ayokong may naririnig akong mga masasamang salita sa kanya, pero alam kong karapatdapat lang sakin ang mga salitang ibabato niya sakin

"Ang galing mo ding magsinungaling... Nagawa mong magsinungaling sa likuran ko.."

Umiling ako at humigpit ang yakap ko/sa kanya parang may humahati sa puso ko..

"Ang gaking mo ding magtago ng mga lihim..biruin mo.. Nagawa mong ilihim si Joshua sakin.."

"Arwin tama na...please..."

"Anong nakita mo sa kanya na wala sakin? Huh? Mas magaling ba siyang humalik kesa sakin? " malamig niyang sabi.

"Alam mo, ngayon ko lang din toh sasabihin sayo...ang landi landi mo!! At ang tanga tanga ko na nahulog lang ako sa babaeng katulad mo!"

"Arwin tama na!!" Napasigaw na ako, umiwas ako ng yakap sa kanya at kinaya kong harapin siya. Kahit natatakot ako

" sorry.... Sorry kasi ang sama sama ko, sorry kasi ang landi landi ko, sorry kasi nakaya kong maglihim sayo, sorry kasi nagsinungaling ako, sorry kasi pinaglaruan lang kita, at sorry kasi minahal ko si Joshua sorry kasi hindi kita minahal! Sorry...at alam kong kahit ilang sorry ang sabihin sayo ngayon sa harapan mo... Hindi mo ako mapapatawad... " sabi ko at tinalikuran siya at tumakbo ako palayo sa kanya at ako na mismo ang pumasok saa kwarto ko, napaupo ako sa kama... At napayakap sa sarili ko.

' ang landi landi mo!! At ang tanga tanga ko na nahulog lang ako sa babaeng katulad mo!'

Napangiti ako bigla at napapikit... Siguro nga ang landi landi ko, ngayon hindi ko tuloy alam kong mahal ko nga talaga si Joshua o linandi ko lang talaga siya?! ngayon hindi ko na alam kung ano ang pagmamahal...

' Ang gaking mo ding magtago ng mga lihim..biruin mo.. Nagawa mong ilihim si Joshua sakin..'

Bat pa ba ako sumali sa isang laro na alam ko sa huli may masasaktan ako.

"Mam?" Napalingon ako sa may pintuan, nakabukas pa pala ito, pumasok si Lorly bigla at sinarhanniya ang pintuan. Lumapit siya sakin at umupo siya sa tabi ko at yinakap niya ako bigla

"Mam tahan na po..." Rinig kong sabi ni Lorly

"Salamat Lorly..." Mahinang sabi ko

' yan nalang ba ang kaya mong gawin? Ang umiyak sa akin at humngi ng tawad? Yan nalang ba ang kaya  mong sabihin? 'Im sorry'?!'

Sorry nalang ba ako ng sorry?! Sumasakit na ang ulo ko, hindi ko alam na ganun ko pala siya sobrang nasaktan. At wala akong ibang magawa kung hindi ang magsorry lang ng magsorry kay Arwin.

' Alam niyo ba? Mahal na mahal kotoh... Siya ang balak kong pakasalan balang araw at magkakaroon kami ng dalawang anak, isang panganay isang bunso...Kung pwede nga lang ngayon nalang eh.. Kaso kailangan ko pang pagbutihin sa business ni dad at sa pag-aaral para mabigyan ko siya ng mas mabuting buhay. '

HE KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon