Napatili ako nung binato niya yung cellphone sa may pintuan, at dahilan para masira at magkahiwahiwalay yung mgaarte ng cellphone, hinablot niya ang braso ko.
"Kanino yan? San yan galing?" Malamig niyang tanong at itinuro yung cellphone
"Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kanya at pilit na hinahablot sa kanya ang braso ko kaso ang higpit higpit ng paglkahawak niya.
"Sagutin mo ako! At sino yung tinawagan mo?! Pulis?!" Sigaw niya
"Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!" Sigaw ko sa kanya, pero hindi niya ako pinapakinggan.
"O baka naman si Joshua?!" Malamig niyang sabi at ngumisi
"Wag ka ng umasa dun kasi may ibang babae na yun...at nakalimutan ka na nun...ang alam niya patay ka na..." Sabi niya sakin, napailing iling ako. Hindi ako magagawang palitan ni Joshua agad agad. Alam ko, alam ko kasi mahal na mahal niya ako.
"At wag ka ng umasang makakatakas ka... Kasi hindi ko hahayaang mangyari yun!" Sigaw niya sakin at binitawan ang braso ko, lumuhod ako bigla sa harapan niya
"Pakawalan mo na ako...Arwin..nagmamakaawa ako..." Sabi ko
"Hi di ka ba napapagod?" Tanong niya sakin
"Please.. Hindi ako magsusumbong sa pulis, pauwiin mo na ako..." Sabi ko, umiling siya
"Hindi mangyayari yan Deze.. At talagang hindi ka magsusumbong sa pulis! Kahit sila walang magagawa!" Sigaw niya sakin at binitawan na ako. At tinalikuran niya ako, napayakap ako sa magkabilang braso ko. Natatakot na naman ako baka ano gawin niya sakin. Ang gusto ko lang naman talaga ay ang marinig ko ang boses ni Joshua at marinig din ni Joshua ang boses ko, at ipaalam na buhay pa ako. Hinarap ako ni Arwin ulit napaatras ako... Linapitan niya ako at yinakap niya ako bigla. Isang mahigpit na yakap yung tipong hindi niya ako papapakawalan.
"Mababaliw na ako...haha..baliw na nga atah ako.." Rinig kong sabi niya at rinig ko din ang mga tawa na hindi ko alam kung matatakot ba ako. Narandaman kong hinaplos ng kamay niya ang buhok ko.
"Ang gusto ko lang naman, nasa tabi kita hindi sa tabi ni Joshua...hindi sa tabi ng kapatid ko. " rinig kong sabi niya at ewan ba napapatulala lang ako sa mga sinasabi niya napatigil nga din ang pagbuhos ng mga luha sa mata ko.
"Wala akong pakealam, kung anong tawagin mo sakin o ang itawag nila sakin dahil sa ginagawa kong toh...Gusto ko nandito ka lang sakin, sakin ka lang... Nahihirapan kasi ako pag malayo ka sakin...pagnakikita kita na masayang nakikipaglandian sa kapatid ko..." Malamig niyang sabi, umiwas siya sa yakap at nagulat ako nung makitang may luha siya. Parang may kung anong tumama sa puso ko.
"Bat sa lahat? Sa kapatid ko pa? Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako..." Sabi niya, hahawakan ko na sana ang pisngi niya nung talikuran niya ako at lumabas ng kwarto. At napaiyak ulit ako.
Sorry....sorry...Arwin siguro nga tama yung iba, malandi lang talaga ako kaya pinatulan ko ang mga dares ng mga kaibigan ko sakin...Biglang bumukas yung pintuan at pumasok si Lorly...First time ko siyang nakita sa lwartong ito kaya nagulat ako, may dala siyang tray na may pagkain
"Hello mam, nagaway na naman pu ba kayp ne ser?" Tanong niya sakin, pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko, at ngumiti lang sa kanya ng pilit.
"Ito nga po pala.... Pinapakain ka na ne ser..." Sabi niya at ilinagay na niya sa study table yung tray
"Salamat..." Sabi ko sa kanya at tumango lang siya sakin at lumabas na siya ako naman, kumain na...hindi na nga ako makakain ng maayos eh...
