Pagkatapos ng kissing scene naming dalawa ay parehas kaming tumahimik. Halatang nagulat siya nung sinagot ko ang halik niya, ako din naman nagulat eh. Parehas kaming nakaupo pa rin sa kama. Alam niyo ba? Gabi na pero wala kaming ibang ginawa kung hindi ang umupo nalang. At walang nagsasalita samin. Bigla siyang tumayo.
"Ahh..magluluto na ako.." Sabi niya sakin, sa wakas nagsalita na din siya. Tumango lang ako, lalakad na sana siya palayo nung hawakan ko bigla ang kamay niya.
"Bakit?" Rinig kong tanong niya, nakatitig lang kasi ako sa kamay kong napahawak sa kamay niya. At hindi ko alam parang nakuryente ako.
"Ar...arwin?pwe...pwede bang? Sumama ako sayo sa baba?" Tanong ko sa kanya, ng hindi tumitingin sa kanya, kasi ayoking matitigan niya ulit ako ng masama. Hinablot niya ang kamay niya sakin.
"Hindi.." Malamig na sabi niya, napatayo ako at napatitig sa kanya, grabeh naman siya! Kahit sa baba lang hindi niya ako pinapayagan! Masusuka na nga ako sa kwartong toh eh!
"Arwin...sige na...sa baba lang naman...hindi ako lalabas..." Mahinang sabi ko at nakipagtitigan sa malamig niyang mga mata.
"Ayoko...baka isang talikod ko lang maghanap ka ng paraan para makatakas.." Sabi niya at tinalikuran ako, napabuntong hininga ako. Oa na po siya! Sobrang oa! Halos mabulok na nga lang ako dito!
"Arwin! Isama mo na ako sa baba! Gusto kong makita kang magluto!" Sabi ko sa kanya na parang bata, at humarap siya ulit sakin at ngumiti ako. Tumaas ang isang kilay niya.
"Ayoko pa rin..." Sabi niya, halos lumambot na tuhod ko, bakit hindi niya ako pinapayagan?!
"Please? Please?" Sabi ko, napabuntong hininga siya
"Arwin! Please? Isa pa...nabobored na ako sa kwartong toh..." Sabi ko, at napakagat labi. Bigla siyang lumakad papalapit sakin kaya napaatras ako agad.
"Sige... Pero nasa tabi lang kita ah?" Rinig kong sabi niya, ta..talaga? Yes! Napatango ako... At sumunod sa kanya. Dahan dahan niyang binuksan yung pinto, mauuna na sana akong lumabas, nung hawakan niya bigla ang kamay ko. At sabay na kaming lumabas. Para akong bata na nakalabas ng bahay. Ang ganda ganda pala dito sa bahay niya. Simple lang pero sobrang ganda. Sabay kaming bumaba sa gamit ang maliit na hagdan. Nakarating kami sa sala, na ang cute cute tapos may cute na sofa, napapangiti ako sa mga nakikita ko.
"Nandito yung kusina..." Sabi niya pero hinablot ko ang kamay ko sa kanya at lumapit sa may pintuan na nakasarado, napaytingin ako sa picture na nakadikit sa pintuan
"Deze!" Rinig kong sigaw niya pero hindi ko muna siya pinakinggan, napangiti ako, siya ba toh? Ang liit liit niya, oo picture niya nung bata pa siya alam kong siya toh. Naramdaman kong pumunta siya sa tabi ko at hinawakan ang braso ko.
"Ikaw toh noh?! Haha ang cute cute mo!" Sigaw ko, nakangiti kasi siya sa picture.
"Wag mong titigan yan!" Sigaw niya sakin, napanguso ako, kahit picture nalang! Madamot pa din! Hinila na niya ako pero hinablot ko ulit ang braso ko, at tumakbo papunta ulit sa may pintuan kasi maraming pictures na nakadikit eh. At napatitig talaga ako sa isang picture na, tatlo sila si Arwin at si....si Joshua...naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko
"Halika na!" Sigaw niya at hinila na ako sa isang malaking kwarto na may malaking pintuan, pagkapasok namin ay! Kusina na pala! Ang ganda ganda! Maraming mga gamit.
"Good ebning! Ser!" Napatingin ako sa nagsalita isang yaya, at nakasoot ng isang eyeglasses. Parang kikay na nerd? At medyo parang matanda na.
"Good evening Lory..." Sabi naman ni Arwin,teka? Hindi lang pala siya nag-iisa, may kasama pa pala siya dito. Teka? Alam din ba nito na nakidnap ako?
