Hahabulin?

1.2K 49 1
                                    

"Ba..bat tayo nandito?" Tanong ko, nasa tapat kami ngayon ng isang park,'yung park kung saan kami unang nagkilala at naging kami. Hinawakan niya ang kamay ko

"Wala lang..." Sagot niya, akala ko ba sa grocerry? At masyadong lumayo na kami sa lugar nila.  Hinila niya ako bigla sa isang ilalim ng malaking puno, kung saan dito ako nagpakilala sa kanya at tinanong siya kung pwede ko siyang maging kaibigan. At dito ko din nakilala si Joshua, dito niya sakin ipinakilala si Joshua. Umupo siya, at sumunod lang ako.

"May mga naalala ka ba sa park na toh?" Tanong niya sakin, ngumiti ako ng pilit at tuamngo, ang naalala ko dito ay ang mga dares namin at ang mga panloloko ko sa kanya.

"Namiss ko na dito, namiss ko na, tayo..." Sabi niya, at ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses niya. Nandito na naman ba kami? Magagalit na naman ba siya bigla? Tapos mag-aaway kami?

"Sana hindi ko nalang pinakilala si Joshua.." Sabi niya bigla

"Bibili lang ako ng ice cream anong gusto mong flavor?" Tanong niya sakin

"Ahh chocolate.." Sagot ko. Tumango siya

"Dito ka lang, wag kang aalis... Bibili lang ako.." Sabi niya sakin at tumayo siya at lumakad palayo, napangiti lang ako. Minsan hindi talaga siya maintindihan, haaay. Napatayo ako, at may nakita akong isang lalaking may kausap sa cellphone, malapit lang sa kinakatayuan ko.

"Joshua?" Bulong ko, bumilis ang tibok ng puso ko.

"Joshua..." Sabi ko, bigla siyang lumingon at nanlaki ang mga mata niya, kinabahan ako bigla, pumikit ako sandali baka panaginip ulit toh.

"Deze? ...Dez...Deze? Ikaw ba yan?" Rinig kong tanong niya, panaginip lang toh. Binuksan ko ang aking mga mata

"Pe..pero..hindi haha, namamalikmata lang ako, pa...patay ka na eh..." Nasaktan ako bigla sa sinabi niya, umiling ako.

"Hin..hindi ka namamalikmata Joshua, ako toh.." Sabi ko at yinakap ko siya, at parang naging bato lang siya sa kinakatayuan niya, nabitawan nga niya yung cellphone niya.

"Joshua, namiss kita.." Sabi ko, sana hindi toh panaginip, nagulat ako nung may humila sa akin, si Arwin

"Arwin?!" Sigaw ni Joshua  kay Arwin, napatingin ako sa ice cream na sira na at nasa damuhan na. Napatingin ako kay Arwin, galit siya.

"Haha! Palpak na naman ako! Akala ko hindi ka na pumupunta dito!" Sigaw niya kay Joshua

"Paanong... Patay ka na..at...an...sang lupalop ka nagpupupunta! Arwin!" Sigaw ni Joshua

"Joshua..." Pagtawag ko sa pangalan niya

"At paanong magkasama kayo?!" Sigaw ni Joshua at bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya

"Wag mo ngang mahawakan si Deze...akin siya.." Malamig na sabi ni Arwin at hinila ako pabalik sa kanya

"May ginawa ka bang hindi nakakatuwa Arwin?" Tanong ni Joshua

"Matagal na...kaya pwede? Wag kang mangealam.." Inis na sabi ni Arwin, at may bigkang yumakap kay Joshua.

"Honey? Sino sila?" Sabi nung babae na ikinagulat ko. Ha...honey? An..anong ibig sabihin niya? Kinalimutan na niya ako agad?

"Mauna na kami Joshua, may date pala kayo ng honey niyo.." Sabi bigla ni Arwiun at hinila na niya ako palayo kayna Joshua, yung babae yun din ang nakita ko noon nung hinabol ko siya, so tama nga ang sinabi ni Arwin?

HE KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon