Nagising ako nung may naramdaman akong humahalik sa leeg ko. Si Arwin, napabuntong hininga ako, napahawak ako sa dibdib niya. Umaga na pala. Umagang umaga nanhahalik na siya.
"Arwin!!!" Sigaw ko, pero parang wala siyang narinig.
"Arwin, an..ano ba—hmmmp!" Bigla niya akong hinalikan sa labi, bumibilis ulit ang tibok ng puso ko, napapikit ako at napasagot sa halik niya. At bumaba na naman ang halik niya sa leeg ko.
"Arwin..." Bigla siyang tumigil, an..ano ba yan! Bitin ako! Umupo siya sa gilid ng kama.
"Pasensya na, hindi ka pa kasi nagigising eh..." Sabi niya napaupo ako sa kama
"So?! Kailangan mo na akong halikan?!" Sigaw ko
"Haha! Oh? Galit ka? Nagustuhan mo nga eh..." Sabi niya sabay kindat sakin. Oo nga naman nagustuhan ko, este! Ano ba tong iniisip ko
"Anong oras na?" Pagiiba ko sa usapan
"Hapon na ... Po.." Sabi niya at hinalikan ang ang magkabilang pisngi ko. At ito na naman ang puso ko di na tumigil sa pagtibok ng puso ko.
"I love you..." Sabi niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.
"Kain na tayo ng lunch?" Sabi niya, at isiniksik niya bigla yung mukha niya sa leeg ko. Napahinga ako ng malalim yung feeling nahihirapan kang makahinga.. Hindi ko na kaya feel ko mapaphiga ulit ako joke.
"Sig...sige...mag-aayos lang ako.." Nahihirapan kong sabi. At naramdaman ko na namang hinalikan niya ang leeg ko. Napahawak ako sa dibdib niya at itinulak siya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tuluyan siyang hayaan kung anong gusto niyang gawin ngayon, naku! Naku! Baka mamatay ako agad, mamatay sa kilig! Tek..teka sinabi ko bang? Kilig?! Kinikilig ako?!
"Ahh.. Babangon na ako, ma...mauna ka na sa baba, pupunta lang ako sa kwarto ko..." Sabi ko, syete! Nahihirapan pa akong magsalita.
"Pwedeng sumama nalang?" Sabi niya
"Hindi!" Sigaw ko kaagad at bumangon na ako
"Bakit?" Tanong niya na parang bata
"Maliligo at magbibihis ako! Dito ka lang! O pumunta ka na sa baba!" Sigaw ko at tumakbo ako bigla papunta sa kwarto. Nung nasa loob na ako, sinarhan ko kaagad yung pintuan at napahawak ako sa dibdib ko, at napahawak ako sa pisngi ko, at hinawakan ko ang noo ko. Wala na akong lagnat at medyo hindi na ako nahihilo, pero...! Waaaaahh! Ano tong nangyayari sakin? Normal lang ba toh?! Huminga ako ng malalim, at paulit ulit. Tapos ngumiti ako ng pilit, wala lang toh! Kinuha ko na yung tuwalya ko at pumasok na sa banyo. Agadnakong naligo, ,ganilang minutong lumipas, ay binalot ko na ang tuwalya sa katawan ko. At lumabas na sa banyo
"Wow! Ang sexy ng babe ko!"
Halos mapatalon ako nung marinig ko ang boses niya, syete! Sabi ko na eh! Wag na wag kakalimutang magdala ng damit sa banyo!! Huhu!! Ano ba toh! Bat siya nandito! Mas nagulat ako sa hawak hawak niya.
"Oi! Tigilan mo yan!" Sigaw ko, eh! Kinukunan na naman ako ng video! Gamit yung camera niya, teka parang ang camera na gamit namin doon.
"Dito ka nalang magpalit ng damit, babe.." Sabi niya at kinindatan ako
"Ang manyak!! Lumabas ka na!!" Sigaw ko, napipikon ako.
"Oo na... Gusto ko lang naman makita.." Bulong niya pero narinig ko yun kaya mas lalong uminit ang ulo ko
"Tumahimik ka!narinig ko yun!"Sigaw ko at kumuha ng undies at damit sa cabinet at agad na pumasok sa banyo. At pagkapasok ko, hindi ko alam kung bat ako napangiti bigla. Kinikilig na naman ako,oo na inaamin ko na kinikilig ako! Napailing iling ako, at nagbihis na tapos nag-ayos na at agad na lumabas sa banyo, napatili naman ako kasi pagkalabas ko may yumakap agad sakin, at sino pa ba ang pwedeng yumakap sakin? Eh di syempre ang kidnapper ko!