Chapter 11: Her First Step

37 2 2
                                        

Anthony's POV

"Ah, uh! Dapat na ba akong matakot o dapat akong magsorry?" Medyo nangangatog ako habang kausap siya. Oo inaaamin ko medyo natatakot nga ako. Ikaw ba naman ang makakita ng multong galit kung hindi ka niya magawang patayin. Wala na kayang konsensya ang mga multo ngayon kaya na nilang pumatay.

"Anthony naman kasi ehh, seryoso ako..Tulungan mo ako, sige na please!"

Ah, multong nagmamakaawa. Kakaiba!

"Paano ba kita matutulungan?" tanong ko.

Bumaba na ako ng hagdan at nilinis ko 'yung kalat ko. Pinunasan ko muna 'yung basa sa sahig mula d'on sa natapon kong inumin kanina.

"'Yung lalaking nakita natin sa restaurant hanapin natin, kilala n'ya ako. Saka, pakiramdam ko hindi na ako magtatagal dito kailangan ko ng makita ang pamilya ko, feeling ko kasi hindi basta gan'on lang ang pagkamatay ko ehh. Parang may kakaibang nangyari. Please tulungan mo akong alamin." Pagmamakaawa niya.

"Saan naman natin hahanapin 'yung lalaking 'yon?" Tanong ko.

"D'on sa ospital na pinuntahan niya,"

"Alam mo naman pala bakit 'di mo pa sinundan? Eh 'di sana nalaman mo na ang kailangan mong malaman" sabi ko.

"Ginawa ko na kaya lang pagdating ko sa ospital hinarang ako ni kamatayan kasama 'yung mga lumilipad n'yang mga alagad, gusto na nila akong kunin kaya nagpunta ako dito agad."

"Teka nga, dito ka nagpunta?! Eh kung sundan ka niya dito? Ako na naman ang malilintikan n'yan! Madadagdagan na naman nang gulo ang buhay ko! 'Di ko na nga naranasan ulit ang tahimik na buhay mula ng makilala ka tapos ngayon may kamatayan pa?!" Yamot kong sabi.

Bakit kasi 'di na lang sumama ang multong ito kay kamatayan tapos ay magrequest siyang maalala ang naging buhay niya bago siya isama sa kung saan ehh 'di sana 'di na ako nadamaya pa. Siguro naman pagbibigyan siya ni kamatayan sa huling kahilingan niya.

"Tulungan mo lang ako na mahanap ang pamilya ko tapos lulubayan na kita. Promise!"

"Promise?!" Tanong ko. Mukhang mapapaayos na ang buhay ko.

"Promise!"

"Cross your heart hope you die!?"

"Patay na ako " àniya.

"Ayy oo nga pala. Oh siya sige. Bukas, day-off ko naman kaya trabahuhin natin 'yan para matapos na ang lahat ng 'yan at nang magkaroon na ako ng katahimikan"

Bigla siyang yumakap sa akin sa sobrang tuwa niya. Bakit ba ganito? Bakit nararamdaman ko siya ehh 'di ba multo siya? Bakit nararamdaman ko ang yakap niya,?!

"Eh, bitawan mo nga ako! Ang lamig lamig mo." Agad naman siyang bumitaw at lumayo na ako.

Ang weird lang nararamdaman ko talaga siya. Haizt! Baka sa utak ko na ito patay ako nito! Ayokong humarap sa psychiatrist haha baka mainllbal siya sa akin hehe.

"Basta promise mo 'yan bukas ahh?" pag-uulit niya.

"Oo bingi lang? 'Di na ba gumagana ang tenga mo mula nang mamatay ka?" Pang-iinis ko.

"Tse! Mas makalas ang pandinig ko ngayon. Kahit tibok ng puso mo naririnig ko."

Napalingon ako sa kanya ng marinig ko 'yun. "Totoo?!" Taka kong tanong.

Tumango siyang nakangiti.

Patay! Baka malaman niya 'pag inlove ako nito.

Pero teka....baka p'wedeng itanong ko sa kanya ang kalagayan ng puso ng mahal kong si Angel este si Maan. Baka malabo na ang nararamdaman niya sa bf niya eh 'di p'wede na akong um-extra?

"Tse! Ayoko nga! Manigas ka!" Sigaw niya.

Pagtingin ko wala na siya.

Hala! Nakakabasa nga pala siya ng isip. Tsk! Hmp! Bahala nga siya.

That Stranger GhostMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon