May naramdaman akong tumatapik sa mukha ko. Tinabig ko nga. Natutulog yung tao eh, istorbo! Tapos bumalik ulit ako sa pagtulog. Maya-maya, may naramdaman ulit ako, may dumamping malamig na bagay sa pisngi ko. Malamig?!
"WAH!...........MULYO!!!........................................." mahaba at malakas kong sigaw.
"Multo ka diyan! Mukha ba akong multo?!" parang kilala ko yung boses na yun ah!
Dumilat ako at nakita ko si Jun na may dalang tubig. "Bro, ano bang nangyari?! Nakita kita ka ng guard na nakahandusay sa harap ng main gate kanina? Oh hayan, uminom ka muna ng tubig" inabot niya sa akin yung basong hawak niya. Dinadampi-dami pa niya sa pisngi ko. So yun pala yung malamig na dumadampi sa akin kanina. Ininom ko yung tubig bago ko sinagot yung tanong niya.
"Multo bro, nakakita ako ng multo." humagalpak siya ng tawa pagkarinig sa sinabi ko. Lokong 'to. Magtatanong tapos tatawanan yung sagot ko. "Akala mo ba nagbibiro ako?!"
"Bakit seryoso ka ba talaga?!Eh ikaw ba, nag-agahan na?!" balik niyang tanong sa akin.
"H-hindi pa nga"
"Kitams! Gutom lang yan! Oh!" inilapag niya sa ibabaw ng mga hita ko yung platong may lamang pagkain. Nakahiga pala ako sa mahabang bangko kanina. "ikain mo yan at ng 'di multuhin ang bituka mo.....alam mo ba kung ano ang sasabihin nh multo sa'yo?! Nagugutom ako. Nagugutom ako. please, wag ka na magtipid, gusto ko kumain sa masarap at mamahaling restaurant...."tatawa tawa pa siya habang nagmomonolouge ng dialog niya. Bahala nga siya kung ayaw niya maniwala.
Kumuha din siya ng pagkain niya, at pagbalik niya, dumiretso siya sa mesa nagpuntana rin ako dun at umupo sa katapat na bangko na inuupuan niya. ''Hindi ka talaga naniniwala?!" tanong ko na yung ekspresyon ng mukha ko ay tila nangungumbinsi.
Tumigil siya sa pagnguya at iuminom muna ng tubig para itulak yung kinakain niya tsaka siya nagsalita. "Ilan ka na ba? Nasa anong taon ka na ngayon? Kailan ka pinanganak? Naniniwala ka talaga?!" hindi siya naniniwala sa sinsabi ko. Kunsabagay, sino bang maniniwala?! Modern year na ngayon. Kaya lang----------nakita ko talaga ng dalawa kong mga mata. "Alam mo, dalawa lang ang solusyon diyan bro."
Pasubo na ako ng pagkain ng magsalita siya ulit. Di ko tuloy natuloy yung pagsubo ng pagkain dahil sa sinabi niya. "Ano?!"
"Wag ka na manood ng mga horror. Di mo naman pala kaya, mukhang napapanaginipan mo, sayang, marami pa naman akong nirentahang mga horror films sa video city bro! " kumunotang noo ko sa sinabi niya.Kainis! Di kaya dun yun! "tapos yung isa--------" pasuspense pa ang loko sa susunod niyang sasabihin. Bahagya niyang inilapitang mukha niya sa mukha ko, parang may ibubulong, ako naman, tinalasan ko ang pandinig ko baka kasi di ko madinig eh, baka nga solusyon na yung sasabihin niya. "-------di ba, mag-isa ka lang dun sa up and down na bahay--------magsama ka ng babae dude!!! 'da best na solusyon yun! Tingnan ko lang kung di umalis yung mga multo dun" sabay hagalpak ng tawa. Awtomatikong nabatukan ko tuloy siya.
"sira pala tuktok mo eh! Eh di nagselos yung multo!!!! Babae kaya yung multo?! T*ng!" mukha ngang nalove at first sight sa akin eh.
"Babae ba?! Di mo agad sinabi eh!" mukhang nag-iisip pa siya ng bagong kalokohan kaya kumain na lang ako kesa madinig ko ang kalokohang yun.
"Alam ko na! Dude, chaka isama mo sa bahay mo! Yung pagnakita niya yung babaeng chaka, matatakot yung multo sa pagmumukha niya! Da best solusyon bro!" nasamid ako at naibuga ko yung kinakain ko sa mukha niya. Hinablot ko yung tubig sa baso at uminom, habang siya tumakbo sa lababo at naghilamos.