Chapter 10: Ang paghabol ni Kamatayan

143 4 0
                                        

Makulit na Multo's POV

Napahinto ako saglit ng marating ko ang kalsadang ito. Natatandaan ko na dito ako nabangga noon. Dito sa kalsadnag ito, kasalanan ko rin naman kasi naglalakad ko na wala sa sarili. Bumalik sa akin ang lahat ng sandaling yun, umuulan. Para bang nakikidalamhati sa akin ang langit. Nararamdaman ko ngayon ang mga sandaling yun. Napaupo ako sa kalsada na hawak hawak ang dibdib ko. Bimabalik ang sakit. Kaya lang, nasasaktan ako, pero hindi ko alam ang dahilan. Wala akong maalala. Tanging ang malakas na ulan lang ang naalala ko. At ang rumaragasang truck na papalapit sa akin.

"Lenorah!" nagulat ako ng may tumawag sa pangalang yun. Parang ako ang tinatawag. Ni hindi ko nga alam kung ako pero ako nga. Tumayo ako at napalingon para hanapin yung tumawag na yun. At nakita ko na lang na parang dumidilim ang langit. Hindi ko alam kung totoo. Parang ako lang ata ang nakakakita. Mga ilang sandali pa'y unti-unting naglabasan ang mga anino at nagliparan sa langit. Nakaramdam ako ng takot. Parang may kung ano silang binabalak. Lumipad sila ng paikot at unti-unting lumalapit sa akin.

"Huh! Hindi pwede! Ayoko pa! Ayoko pang sumama!" kukunin nila ako! Yung humahabol sa akin kanina. Sabi niya, oras ko na raw! Ayoko pa! Wala pa akong natatandaan! Ayoko pang umalis! Kailangan Kailangan ko munang malaman kung sino ako. Kung sino pamilya ko. Ano ang dahila kung bakitako namatay. At alam ba nila kung bakit ako namatya? Kumusta na sila? Gusto ko silang makita. Gusto ko muna silang makausap. Kahit saglit lang.

"Lenorah!" narinig ko na naman ang tinig na yun. Hinanap ko hnaggang sa makita ko siyang nakatayo sa di kalayuan. Nakasuot ng itim at natatakpan ang buong katawan. Bahagya siyang nakayuko kaya di ko makita ang mukha niya pero ayoko. Ayokong makita. Yung itsura pa lang niya nakakatakot na. Ano pa kaya ang mukha niya? Saka, yung hawak niya. Kalawit. Di ba, yan yung kalawit ni Kamatayn?

"Lenorah...halika na. Kailangan mo ng lisanin ang mundong ito. Hindi ito nararapat sa mga walang buhay na tulad mo..." nakakatakot ang tinig nya. Ayokong madinig.

"Hindi! Ayoko! Ayokong sumama sayo!" tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko na nakikita ang dinaraanan ko. Nararamdaman kong kahit na tumakbo ako, parang nakasunod pa rin siya sa akin. Parang hindi ko siya magagawang  iwan. Kahit anong bilis ng takbo ko, nararamdaman ko pa rin siya sa likuran ko. At yung mga anino na lumilipad lipad sa langit, ayaw nila akong iwan!

"Layuan niyo ako! Iwan niyo ako! Hindi ako sasama sa inyo! Ayoko pa! Hindi pa ako handa!" tumakbo ako hangganag sa mapansin kong parang pamilyar na ang lugar kung nasaan ako dinala ng mga paa ko. Yung bahay na yun. Tumayo ako at pinagmasdan ang bahay na nasa harapan ko. Malakas ang buhos ng ulan ngayon, basang basa na ako. Mula pa kanina nung dumilim ang langit, bumuhod ang ulan. Parang ibinalik ang nakaraan sa akin. Pero ngayon ko lang napansin na umulan pala. Ayokong pumasok sa bahay na ito. Iba talaga ang nararamdaman ko dito. Kaya lang, wala na akong choice kundi ito na lang ang puntahan kong lugar. Napansin ko din nung napadpad ako dito sa lugar na ito, bigla na lang nawala yung humahabol sa akin. Pati yung mga aninong lumilipad sa langit biglang naglaho. Bakit kaya?! Hindi kaya, takot din sila sa bahay na ito? Ano bang hiwaga meron ang bahay na ito? Bakit ganun? Ang bigat talaga ng pakiramdam ko dito. Pero wala na akong ibang mapuntahan. Ito na alng ang huli kong lugar na maaari pang pagtaguan para di nila ako makita. Inihakbang ko ng paunti-unti ang paa ko palapit sa pintuan. Habang lumalapit ako lalong bumibigat ang paghakbang ko parang may bakal na nakatali sa mga paa ko. Pero pinilit ko pa ring humakbang hanggang sa makalapit ako sa pintuan. Pagkalapit ko unti-unti kong itinaas ang kanang kamay ko para kumatok. Pero ambigat din ng kamay ko. Parang may bakal ding nakatali. Pinilit kong itaas hanggang sa makakatok na ako ng isa. At pinilit ko ulit ng ilang beses pa.

That Stranger GhostMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon