Chapter 1: What a beautiful first day!

363 12 8
                                        

This story is all about Anthony's POV.....

Naglalakad ako papuntang restaurant na pagtatrabahuhan ko. Walking distance lang mula sa bahay na tinitirhan ko kaya sobrang pabor sa akin lalo na't nagtitipid ako dahil ako na ang bumubuhay sa aking sarili.

Masayang-masaya ako. Yung saya na parang lahat ng gusot sa buhay ko ay naplantsa na.

Parang yung madilim na landas na tinatahak ko ay lumiwanag na.

Ibig sabihin, wala ng nagpapasakit ng ulo ko.

Mukhang magiging masaya talaga ang buhay ko. Para akong makikipagsapalaran sa mundo na hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin.

Kahit na huminto ako sa pag-aaral ko. Isang taon na lang gagraduate na ako. Pero ayos lang. Mag-iipon muna ako. Masarap magtapos kapag galing sa sarili kong pawis at pagod.

Isang liko lang sa kanan.

Tawid.

At liko sa kaliwa.

At sa wakas!

Narito na ako sa harap ng restaurant na magiging pangalawa kong tahanan.

Ang resturant na magpapayaman sa akin. Este, tutulong pala sa akin para magsimula ulit.

Tiningnan ko muna ang wristwatch ko.

Ok. Alas nuwebe na. Maaga pa ako sa totoong oras ng pagpasok ng mga empleyado dito. Pag laging ganito ako...baka mapromote ako agad hahaha. Mukha kasing ako pa lang mag-isa ang narito. Tahimik at payapa.

Nilanghap ko muna ang hangin.

Mausok dito sa labas. Kailangan ko ng pumasok. Baka masira ang gwapo kong mukha whew!

Nasa labas lang ako ng gate kanina. Malaki at mahaba at mataas na gate. At ngayon, papasok na ako sa maliit na gate. Sarado pa kasi. Maaga pa eh. Mga Ten or Eleven ata ang pagbubukas nito. Pagtapat ko sa gate agad na bumungad sa akin yung guard at binuksan yung gate.

"Hi, sir." bati niya.

Wow! Big time! Binabati ako ng sir!!! Ibig sabihin mababait mga empleyado dito. I belong hehe.

"Sir, sorry pero maaga pa po. Mga one hour pa po bago magbukas ang restaurant balik na lang po kayo ulit sir" dugtong ng guard.

Ba't ganun? Mabait sana eh. May pagkashunga lang! Akala costumer ako? Ang gwapo kong costumer, chos! Hindi ba niya napansing nakauniform na ako? Ibig sabihin, empleyado ako. Staff. Ang laki laki at kitang kita ang logo ng restaurant sa kaliwang side ng dibdib ko. Di niya nakita?

"Ah. Hindi, staff ako." sabi ko sabay inayos ko yung damit ko para mas makita niya. Tapos nagkamot siya ng ulo.

"Sir, May I.D. po kayo?" tanong niya ulit. Grabe naman. Ganito ba kahigpit dito? Parang reataurant ni Mr. Crabs na bawal pasukin ang kusina dahil baka manakaw ang iniingatang nilang secret recipe.

Ipinakita ko na lang yung I.D. ko at isinuot na rin. "Wait lang po sir ha." sabi niya ulit at tumango na lang ako. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong tumawag pala siya sa phone. Maya-maya ay bumalik na siya at ibinukas ang gate. "Sige sir. Pasensya na sa abala ha. Pasok na po kayo." sabi niya habang nagkakamot ng ulo. Kasi naman! Sabi ko sa kanya staff ako eh. Nagtagal pa tuloy ako. Yung balak kong i-maintain na "the earliest staff" mukhang napornada na. Hahaha. Di bale, may bukas pa hehe.

Nakatalikod na ako at nakahakbang ng ilan ng tawagin ulit ako ng guard. "ah...excuse pala." napalingon naman ako. Nakita ko siyang ngingiti-ngiti at nagkakamot na naman ng ulo. May problema kaya siya sa scalp niya? Dapat payuhan ko siya ng mabisang shampoo para sa balakubak. "ah, pwede sa susunod sa likod ka na dumaan ha. Sa likod kasi dumadaan ang mga staff hindi sa harap" sabi niya.

That Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon