Anthony!!!...................
Narinig ko ang pagtawag nung multong makulit na yun sa pangalan ko. Yung babaeng parang hindi multo. Mula sa labas ang tinig niya. Pero hindi ko masagot ang pagtawag niya dahil may sumasakal sa akin. Natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha. Yung buhok niya parang habang buhay na atang hindi nasasayaran ng suklay. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa leeg ko. At nakalutang na ang katawan ko sa hangin.
Bigla siyang napalingon sa pinanggagalingan ng tinig. Naramdaman ko ang galit niya dahil sa pagbaon ng kanyang mga kuko sa aking leeg. Gusto kong sumigaw sa sakit pero hindi ko magawa. Hindi na rin ako gaanong makahinga. Gusto kong hawakan yung kamay niya na nakahawak sa leeg ko pero paano?
Hanggang sa bigla na lang niya akong binitiwan. Nahulog tuloy ako bigla kasabay ang paghugot ko ng hangin para makahinga ako. Ramdam ko pa rin ang sakit sa aking leeg. Parang baon na baon yung kuko niya na nakapagtataka talaga. Multo siya di ba? Pakiramdam ko ay may malalim na sugat na iniwan siya sa aking leeg. Pero nung hinawakan ko wala naman.
Nilingon ko pa yung nakakatakot na multo, dahan dahan siyang naglalakad palabas ng bahay. Hila hila yung mahaba niyang buhok sayad na sayad sa sahig. Nakakatakot talaga siya. Yung paglakad niya, para bang papatay bawat galaw niya. At sa tingin ko, pinupuntirya niya yung multong tumatawag sa akin. So ano yun, multo sa multo ang labanan?
Dali dali akong lumapit sa bintana at sumilip. Wala na akong nakita sa labas. Kahit yung isang tumatawag sa akin wala na rin. Ang weird.
Sinong tinitingnan mo?
Bigla na lang may nagsalita sa tabi ko. Paglingon ko, siya na naman!
"Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat?" Nakakainis na siya.
Hindi naman ah! Nagtatanong lang? Sino pinagtataguan mo? May inutangan ka?
Ang dami niyang tanong!
"Wala!" Tinalikuran ko siya at nagtungo sa kusina. Hinilot-hilot ko pa yung leeg ko masakit pa rin. Kinuha ko sa fridge yung tinimpla kong milo kagabi, na nakalagay sa small.plastic container, iba naman ang gusto ko ngayon, cold milo naman. Uminom muna ako ng konti.
Anthony.........
Naibuga ko yung iniinom ko at nasamid pa ako ng bigla niya akong tawagin. Bakit kasi lagi itong nandito??? Sa inis ko iwinisik ko sa kanya yung milo. "Umalis ka! Maglaho ka! Lubayan mo ang buhay mo! Bumalik ka na sa libingan mo! Manahimik ka ng tuluyan!" Ayan! Nagkalat yung tinitipid kong milo sa semento. Sayang!
Hindi naman kaya yan holy water....
"Che! Ano ba kasi ang kailangan mo?! Bakit ba ayaw mo akong tantanan!!!" Naiinis kong tanong.
Kasi, gusto ko sana humingi ng favor ehh,
"Sabi ko na nga ba ehh, ganyan naman kayong mga multo di ba? Magpapakita, magpaparamdam, tapos kapag napapansin na bigla hihingi ng tulong. Bakit kaya hindi mo subukan sa mga pulis? O kaya sa mga paranormal experts o kaya sa mga medium o may third eye, sila ang makakatulong sayo at hi di ako!" Ang dami kong sinabi at parang wala lang yun sa kanya. Para siyang aanga anga na tinitingnan yung nagkalat na milo sa semento.
Ikaw nga lang kasi ang nakakakita sa akin. Natry ko na lahat ng mga sinabi mo, at nabigo. Ikaw lang ang bukod tanging nakakakita sa akin. Kaya sayo lang ako makakahingi ng tulong. Sige na please......please.....
Napaatras ako ng bigla siyang lumapit sa akin. Tapos inilalapit pa niya yung mukha niya sa mukha ko kaya panay ang atras ko. Para siyang tuta sa itsura. Pinapaamo pa niya ang mukha niya at pinapapungay ang mga mata.
