Dinala niya ako carinderia. Sa carinderia kung saan namin siya unang nakita ni Jun.
“Bakit dito?” tanong ko pagka-park niya ng kotse niya sa malapit.
“Memorable sa akin ang lugar na ito...tara.” aya niya.
Pagkapasok namin sa carinderia agad siyang naupo sa table kung saan d'on din siya naupo n'ong nakita namin siya ni Jun. Agad din kaming nilapitan ng serbedora para kunin ang order namin. “'Yung dati pa rin po.” aniya.
Napaisip ako sa sagot niya sa serbedora.
Bakit kaya dati? Matagal na siguro siya dito kumakain at paborito niya siguro 'yon.
“Kayo po sir?” baling sa akin ng serbedora.
Um-order na lang ako ng kanin at ulam. Gutom kaya ako.
Pagdating nang order namin nakita kong siopao at softdrinks lang ang order niya. “'Yan lang ang kakainin mo?” tanong ko sa kanya.
“Oo.” ang lungkot pa rin ng sagot niya. Bakit kaya?
“Paborito mo?” tanong ko ulit habang kumakain ako.
“Hindi.”
“Hindi?! Eh, bakit mo kinakain?”
“Kailangan eh.” sagot niya at kumagat sa siopao. Sinundan niya agad nang pag-inom ng softdrinks.
“May galit ka ba sa sarili mo? Kinakain mo ang ayaw mo?”
“Nagalit sa akin ang fiance ko. At hanggang ngayon hindi pa rin niya ako napapatawad. Ang sabi niya sa akin kailangan ko raw munang kumain ng 40 pieces na siopao bago niya ako mapatawad. Nakaka-nineteen pa lang ako.” seryoso siya sa sinasabi niya. Pero ang weird ahh.
“Ano bang pinag-awayan niyo?”
“Babae.”
Ayun! Kaya pala. Kapag babae na ang usapan ay talagang mahirap at matagal na usapan 'yan. “Eh, mabuti nga siopao lang ang parusa mo eh. Kumain ka ng isa kada oras nang matapos na.” ani ko.
“Kung p'wede lang ginawa ko na. Kaso ang sabi niya isa lang kada araw.”
“Eh, sabayan mo lang ng lambing pare. Dalawin mo, magdala ka ng siopao tapos sabay kayong kumain. Gan'on.” payo ko.
“Kung p'wede ko lang gawin. Kaso hindi ko siya makausap. Ayaw pa niya akong kausapin. Hindi niya ako pinapansin. Hindi ko alam kung naririnig niya ako. Pero umaasa akong hindi niya ako iiwan.” mas lalong lumungkot ang mga mata niya.
Ramdam kong may mabigat siyang dinadala maliban sa magkaaway sila ng fiance niya. Alam ko dahil lalaki ako, mas malalim pang rason ito.
Sa tono ng pananalita niya parang gusto niyang umiyak. S'yempre lalaki...macho kami ehh kaya hindi niya 'yun gagawin. “Hindi ka iiwan n'on mahal ka n'on. 'Di ka niya matitiis. Sige ubusin mo na 'yan.” kaya siguro gusto niya rin nang ibang makakausap.
Baka wala na siyang makuhang matinong sagot sa mga kakilala niya. Gan'on talaga. Minsan sila pa ang nagsasabi sa'yong tapusin na lang at sumuko na. Marami namang iba. Kaso, 'pag inlove ka, inlove ka! 'Di 'yon basta-basta mapapalitan.
Napangiti siya sa sinabi ko.
“Bakit nga pala ayaw mo ng siopao? Masarap naman 'di ba?” tanog ko pa.
“oo. Masarap naman. Lagi ko lang kasing naiisip na pusa ang palaman nito.”
“'Yun lang? Labo mo dude!”
Habang kumakain kami may naramdaman akong pamilyar na aura sa may pintuan. Pagtingin ko, nakita ko si kulit na nakatayo doon. “Haizt! Nandito na naman siya!” sa loob-loob ko.
Lumapit siya sa amin at naupo sa bakanteng upuan sa may tabi ko at tinitigan lang niya ang kasama ko.
Hindi siya nagsasasalita basta nakatitig lang. “Matunaw.” sabi ko sa kanya sa isip ko.
“Anong pangalan niya?” tanong ni kulit.
Muntik akong mabulunan sa tanong niya. Hindi ko pa pala naitatanong àng pangalan niya.
“Aba malay ko.” sagot ko kay kulit.
“Alamin mo please Anthony...” natigilan ako sa pagkain at uminom ng tubig bago pa ako mabilaukan.
Utusan talaga ako?
Pero, ngayon ko lang nakita si kulit na biglang parang nag-iba. Parang bigla siyang nalungkot. Parang malaki ang kaugnayan ng dalawang ito sa isa't isa. Magkapatid kaya sila?
“Ayoko nga itanong. Ikaw na lang.” sagot ko ulit kay kulit.
“Sige na please, Anthony...” lumapit siya at tiningnan ako.
May laman ang tingin niyang 'yon. Parang may gusto na naman siyang gawin sa akin. “Sige na nga! Tumahimik ka lang!” sigaw ko sa kanya. Balak na naman niya kasing gamitin ang katawan ko. Aba! Nadadalas ahh!
“Sige. Hindi na kita guguluhin, itanong mo lang.” niyuyugyog pa niya ang balikat ko.
“Oo na. Oo na!” napasigaw tuloy ako.
“Bakit?!” nagulat tuloy 'yung kasama ko sa pagsigaw ko.
“Ah ano kasi, p-pangalan...” nauutal kong sabi.
“Anong pangalan?”
“Ah...'yung ano...” tsk! Hindi ko masabi naman eh! Baka isipin nito bakla ako kaya inaalam ko ang pangalan niya. “'yung fiance mo ba, a-anong pangalan niya?” nakakahiya, kaya itananong ko na lang ang pangalan ng fiance niya.
“Hindi 'yun Anthony ehh. Hindi naman pangalan ng fiance niya ang tinatanong ko! Sabi ko pangalan niya!!!! Nakikinig ka ba?” galit na sigaw ni kulit.
“Lenorah.” walang kangatog-ngatog na sagot niya.
Pareho kaming natigilan ni kulit sa narinig. Iniisip ko kung tama ba ang narinig ko o nagulo ang tenga ko sa kakasigaw ni kulit?
“L-lenorah?” pag-uulit ni kulit. So, tama nga ang dinig ko. Dahil 'yun din ang dinig ni kulit. Kaya lang...
No...magkapangalan lang sila. Saka patay na si kulit. 'Yung fiance niya buhay pa at LQ lang sila.
Nakita kong nakatulala si kulit sa pagkakatitig sa kanya. “Hoy! Magkapangalan lang kayo okay?” sabi ko.
“Hindi. Alam kong hindi. Nararamdaman ko. Hindi siya iba sa akin Anthony. Bakit parang may masakit sa dibdib ko? Parang nasasaktan ako kapag nakikita ko siya. Magtanong ka pa Anthony please...” naawa naman ako kay kulit.
Magtatanong pa sana ako kaya lang may tumawag sa cellphone niya. “Excuse me.” sabi niya.
“Sige lang.” sagot ko.
Makalipas ang ilang segundo bumalik siya. “Pasensya ka na pre. Kailangan ko ng bumalik. Emergency lang.” aniya.
Napatango na lang ako. Nag-iwan siya ng pera sa ibabaw ng table at saka umalis.
“Anthony...I'm sorry.” sabi ni kulit sa akin.
“Bakit?” tanong ko.
Hindi niya ako sinagot sa halip may naramdaman na naman ako.
Lenorah's POV
Sorry Anthony pero ko lang kailangan gamitin ulit ang katawan mo. Agad kong sinundan ang lalaking 'yon.
“Sandali.” pigil ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya bago pa niya isara ang pinto ng kotse niya.
“Bakit pare? Kulang ba ang bayad ko?” tanog niya.
“Ah, hindi. Nag-alala lang ako. Ang sabi mo kasi...emergency. Samahan na kita." Bago pa sumagot at alam kong tatanggi siya kaya lumipat agad ako sa kabilang pinto ng kotse at sumakay. “Tara na. Bilisan mo. Baka kung ano na ang nangyari." Ani ko.
Wala na siya nagawa pinaandar na lang niya ang kotse.
Makalipas ang ilang minuto. Nagbalik kami sa... Ospital?! Bakit dito?!
******
Anthony alam mo na ba? Hahaha. Hanggang dito muna ahh hehe. Next time ulit haha hingi ka pa ng UD bili hahaha.
