Chapter 2: Run, Anthony Run!

250 9 7
                                    

Pagdating sa labasan nagpaalam na si Jun. Magkaiba kasi kami ng way. Pupunta siya d'on sa main road para doon sumakay ng jeep pauwi sa kanila habang ako, syempre lakad ulit. Lapit lang eh.

Tahimik na ang paligid dahil malalim na ang gabi. Wala na ngang tao sa labas. Mga sasakyan na lang na pailan-ilan ang dumadaan sa kalsada. Kahit may mga poste ng ilaw sa gilid ng kalsada hindi pa rin nito matanglawan ang buong paligid.

Panay ang haplos ko sa ulo ko. Sinusuklay ko din ng mga daliri ko ang buhok ko. Pantanggal ng antok. Konti na lang talaga, makakatulog na ako dito sa kalsada. Ang nakakainis pa, kahit anong gusto kong bilis ng paghakbang ayaw sumunod ng paa ko. Para ngang kinakaladkad ko na makauwi lang.

Maya-maya ay nakita ko ang isang babaeng nasa gitna ng kalsada. Dahan-dahan siyang naglalakad na parang lasing. Nakatalikod siya sa akin at panay lang ang lakad niya naparang di alam ang pupuntahan. Buti na lang walang dumadaan na sasakyan kundi kanina pa siya nasagasaan.

Ano kaya ang trip ng babaeng 'to?

Lasing kaya?

Base sa itsura ng damit niya 'di naman siya pulubi. Maputi at mukhang mamahalin ang suot niya. Nakaboots din siya.

Medyo binilisan ko ang paglalakad para mapunta ako sa gawing unahan niya at ng makita ko ng mabuti ang itsura niya.

Pagdating ko sa unahan, halos matakpan na ng mahaba niyang bangs ang mukha niya. Yung lakad niya pasuray-suray at sobrang bagal na parang zombie.

Hindi nga kaya zombie siya?

What if nga? Tapos, bigla siyang nabuhayan ng makita ako tapos salakayin ako. At ako ang maging unang biktima niya. Wag naman! Palagay ko pag ako naging zombie, hindi matatakot ang mga tao sa kanila hahaha. Ang gwapo ko kaya! Dapat talaga malakas ang tiwala sa sarili. Humble pa nga ako kasi hindi ko pinagkakalat. Sa sarili ko lang sinasabi. Bahala na sila kung makikita nila. Dapat talaga i-treasure ang mga ganitong mukha. Kaunti na lang kaya ang ganitong itsura hahaha.

Habang naglalakad sa gitna ng kalsada si Miss Ewan ako naman nasa gilid at sinasabayan ko bawat hakbang niya. Sa kanya lang ako nakatingin kasi nga gusto ko makita ang itsura ng mukha niya. Nahihiya naman akong tawagin baka magulat at sakmalin ako!

Maya-maya, bahagyang umangat ang mukha niya.

Napahinto ako.

Nakita ko ang itsura ng mukha niya at tumapat pa sa liwanag ng ilaw sa poste.

Shocks!

Ang ganda niya!

Eh bakit kaya, ganyan siya maglakad?

Na-rape kaya siya?!

Sinundan ko uli siya. At bigla na lang nagliwanag siya.

Nagliwanag siya?!

Ay, mali!

Naliwanagan pala siya ng ilaw. Ilaw ng rumasagasang truck mula sa kanyang likuran. Medyo malayo pa naman kaso lang mabilis yung takbo ng truck. Wala kasing ibang sasakyan at wala ding tao sa kalsada kundi kami lang kaya parang malaya yung driver na magpatakbo na parang sa ulap siya nakalapat ang gulong ng truck niya at parang nagmamadali siyang maabot ang langit.

"Miss! May truck!" sigaw ko sa kanya. Pero hindi niya ako napapansin.

Inulit-ulit ko ang pagtawag at palakas ng palakas ang boses ko pero hindi niya ako pinapansin. Ganun pa rin siya. Para pa ring zombie. Maganda sana kaya lang mukhang bingi.

Hindi na ako makatiis pa. Napagpasyahan ko ng lapitan siya at hatakin para itabi. Kaya lang-----

nahuli ako.

That Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon