Chapter 8: Sino daw siya???!

113 4 3
                                        

Anthony!!!!?........

Anthony!!!!!?......

Anthony!!!!?.......

Nakakairitang boses naman uh! Sarap ng tulog ng tao ehh tas tawag ng tawag! Sino bang istorbo yun!?

Pupungas-pungas akong hinanap yung tumatawag. Habang naglalakad ako nabangga pa ako. "Aray naman!" nagising ako ang tulog kong utak. Nasaan ba ako? Bakit parang wala ako sa kwarto. Nabangga ako?! Tiningnan ko yung binanggaan ko. Sofa!?

Paano akong napunta sa sala? Dito ba ako natulog? Alam ko di naman ako lasing ehh. Anong nangyare sa akin?!

Anthony!!!?.....

"Anak ka ng nanay mong tampalasan!!.." ayan sa sobrang gulat ko nasabi ko yun. Sino ba kasi itong tawag ng tawag sa akin?!

Buti gising ka na! Kasi nag-alala ako sa'yo eh. Akala ko patay ka na!

"Ako!? Mamamatay!? Bakit?! Di ko pa oras kaya! Anong problema mo?" itong babaeng ito na di ko mawari kung multo o hindi laging nandito sa bahay ko?

Kasi nga, nadatnan kitang nakabulagta sa semento eh. Ano bang nangyare?

"Malay ko! Di ko alam" ano nga bang nangyari? Bakit nga ba?!

Inisip kong mabuti kung ano ang nangyari sa akin bago ako nakatulog o nawalan ng malay. Pero wala akong maalala. Tiningnan ko yung wall clock. "waah!...gabi na!!! Hindi ba ako nakapasok sa work?!" tanong ko sa multong kasama ko. Umiling siya.

Ewan ko. Di ko alam.

"Anong nangyari sa akin?! Bakit wala ata akong maalala sa nangyari?!"

Di ko nga alam. Wag mo akong tanungin.

"Hindi kita tinatanong bakit ka ba sumasagot? Nagsalita ako mag-isa. Hindi ikaw ang kinakausap ko"

Ehh bakit sa akin ka nakatingin?

"Hindi ako nakatingin sa'yo qag ka assuming! Di aki mag-uubos ng oras para tingnan ka."

Hmp! Nakatingin ka ehh.

Maya-maya'y may kumatok sa pinto.

Sino kaya?! Sa ganitong oras may bisita pa ako?!

"ANTHONY! ANTHONY! ANDIYAN KA BA?" si Jun?! Ehh sa malamang nandito ako. Dito ako nakatira ehh. Ano kaya ang kailangan niya? Tinungo ko ang pintuan para pagbuksan siya.

"Bakit?!"

"Hindi ka pumasok kanina. Anong nangyari sa'yo?" bungad niya sa akin.

"Ah....ewan ko eh." napakamot na lang ako ng ulo hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Baka pwedeng pumasok?" tanong niya. Medyo nag-isip pa ako. May kasama kasi akong multong makulit sa loob. Pero hindi naman siguro niya makikita, wala naman siyang third eye ehh. "hello? May tao ba dito?!" kinatok pa niya ang noo ko para gisingin ang natutulog kong utak.

"Ah, sige pasok ka"

"Kain tayo." dumiretso agad siya sa kusina. Nagbuklat ng kaldero at nagbukas ng fridge. "hindi ka nagluto?"

"Kakagising ko lang kasi ehh"

"Hah?! Nagtulog ka lang?! Walang kain?! Bakit?!"

Ang dami naman niyang tanong. "hindi ko nga alam eh. Basta kakagising ko lang. Yun. Tapos!" kinabig ko ung bangko na nakasuksok sa ilalim ng mesa at naupo dun. Napatingin pa ako sa katapat na side kasi nandun yung makulit na multo nakatayo pero nakatahimik lang. Bakit kaya ang tahimik siya ngayon? Ahh...iniisip niya baka matakot si Jun. Buti naman tumahimik siya.

That Stranger GhostMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon