Chapter 3: Is she a real......Ghost?!

212 8 4
                                    

Maaga akong nagising. Nasanay na kasi ang mata kong gumising ng maaga, parang alarm clock lang. Hindi ko na kailangan pang mag- set alarm clock para lang magising ng maaga madalas kasi nauunahan ko pa yun. Kahit anong pagod ng katawan ko, automatic na maaga pa rin akong nagigising.

Maaga akong naligo. At tapos ay umalis na rin ako, dahil libre naman ang mga staff ng pagkain sa restaurant, I mean, hindi naman sa mismomg restaurant kami kumakain, mayroon kaming canteen for staffs. Doon ako didiretso ngayon para kumain ng brunch. Hindi naman ako sanay kumain ng maaga for breakfast eh. Milo lang ayos na.

Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad sa kalsada. Hanggang sa mapahinto ako sa paglakad ng maalala kong ang kalsadang nilalakaran ko kagabi ay yung kalsada kung saan nangyari yung di ko maipaliwanag.

Totoo kaya yun?!

Ah! Basta, pagod lang ako kaya kung anu-ano ang aking naiisip kagabi at ngayon na matino na ang pag-iisip ko, hindi na uli ako makakakita ng kung anu-anong multo. Imagination ko lang yun! Minsan kasi, napipindot ng di sinasadya ng maliliit na Anthony sa utak ko yung button para gumana ang imaginations ko. Dapat talaga magsesanti ako ng mga trabahador sa loob ng utak ko, may pumapalya na kasi eh.

Naglakad na uli ako, pero ngayon dahan dahan ang bawat ang bawat hakbang ko, yun bang, nakikiramdam ako sa paligid. Yung parang sinisense ko kung nandiyan lang sa paligid yung multo na yun.

Kalahati kasi ng utak ko, nagsasabing totoo at nandiyan lang siya. At nakakainis kasi, pag ganitong nakucurious ako, gusto kong inaalam lahat, kung totoo ba o hindi. Kahit ba takot ako, mas gusto ko pa ring malaman ang sagot at makita ng totoo kong mga mata.

Pero akong shunga! Umaga kaya ngayon!

May multo bang nagpapakita sa umaga?!

Di ba sa gabi lang?! Sa may madilim na lugar para mas kitang-kita sila kasi nga multo sila eh, wala silang katawan.

Hayy, gumana na naman ang parte ng utak ko na nagpapabaliw sa akin. Dapat talaga, bawasan ko ang panonood ng horror films.

Binalik ko na sa normal ang pagkilos ko, naglakad na ako ng normal. Tumingin ako sa unahan para malaman ko kung malapit na ba ako sa restaurant, alam kong malapit lang yun pero parang lumayo yung kalsada. Parang kanina pa ako naglalakad pero di pa ako nakakarating. Lumayo pa ang kalsada o lumiit ang mga hakbang ko?! Tama lang naman bawat sukat o distance. Pero, parang andito pa rin ako sa kalsada kung saan dumaan yung kotse kagabi.

Habang nakatingin ako sa unahan ng kalsada, may nakita akonh nakatayong babae dun, nakatagilid siya at akmang tatawid.Palinga-linga siya na parang may hinihintay o hinahanap.Hanggang sa matuon ang atensyon niya sa akin. Nakita na niya ako.

At ngumiti siya.

Ngumiti siya?!

Ang kagwapuhan ko talaga, walang pinipiling biktimahin hehe.

May kalayuan pa siya sa akin kaya binilisan ko ang paglakad para makarating sa may kinaroroonan niya pero syempre kunwari di ko siya papansinin, kunyari pakipot pa ako, hard yo get to! hehe

Habang papalapit ako sa kanya mas lalo kong naaaninag ang mukha niya kasi kanina parang di ko gaanong makita, parang silaw ako. Siguro dahil sumisikat na ang araw at nakatalikod siya sa sinag nun, kaya nasisilaw ako dahil ako ang nakaharap sa sinag ng araw.

Pinasingkit ko pa ang mga mata ko, kasi parang nakikita kong kumakaway siya sa akin.

Yung totoo, sa akin ba talaga siya kumakaway?!

Inlove na siya agad?!

Ah!.....nabiktima siya ng love at first na pana ni Kupido....

Kaya lang,

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na ng malapitan ang mukha niya, halos tatlong dipa ang pagitan namin, at napahinto ako ng makita ko siya.

Siya------------------------------yun!

Nagsimulang manginig ang mga tuhod ko.

Matapang kaya ako!

Humakbang ako ng isa.

Di siya totoo.

At isang hakbang pa.

Huminyo ako at pumikit.

Pagdilat ko, dapat wala na siya, kasi di siya totoo.......

One,

two,

three,

Dumilat ako after kong magbilang.

Sabi ko na eh.....

Imagination ko naman yun!

Wala na siya dun pagdilat ko.

Ano bang nangyayari sa akin?! Gutom lang ito.

"Hi" isang tinig ang narinig ko bago pa ako makahakbang ulit. Tinig na narinig ko mula sa bandang kaliwa ko. Malamig, at nakakakilabot yung tinig na yun. Tumaas ang mga balahibo ko, ni hindi ako makagalaw para tingnan siya. Hindi nga ako makapagpasya kung lalakad ba ako o tatakbo?!

Bakit hindi gumagana ang utak ko?!

"Uh?! Meron ka?!" sumagot siya!!! Nababasa niya ang iniisip ko?!

"Nag-iinisp ka pala ano!?" at yun, napalingon na ako sa kanya, parang may isip ang leeg ko at kinuntrol yung sarili niya. Napaharap tuloy ako sa nagsasalita.

"Mmmmmmm------uuuulllll-------tttttttooooo?!" putol-putol at mahina kong sabi.

"Hi" bati niya ulit at nakangiti pa siya sa akin. Yung babaeng multo kagabi!!!!

Hindi..........

Naglakas loob akong hawakan siya baka sakaling mawala siya at maisip kong nag-iimagine na naman ako,

pero,

andun pa rin siya matapos kong gawin yun.

"MULTOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!.................." kumaripas ako ng takbo ni hindi ko na inisip kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta gusto kong makalayo sa kanya.

"ANTHONY!................" kahit papalayo ako sa kanya narinig ko pa r8n yung pagtawag niya sa pangalan ko.

Alam niya pangalan ko?!

Patay!!!

Baka di niya ako tantanan!!!

HINDI PWEDE!!!...........

Paano kaya niya nalaman ang pangalan ko?!

Napahinto ako sa pagtakbo at hingal na hingal na itinikod ko ang kamay ko sa pader. Panay din ang hagod ko sa aking paghinga. Parang naubusan ako bg oxygen sa pagtakbo ko.

"Bakit ka ba kasi tumakbo?! Wag ka nga tumakbo, mapapagod ka lang niyan" napalingon ako sa nagsalita sa bandang likuran ko.

"WAH!................NASA TABI KO NA SIYA!!!!........HELP!!!!........." tumakbo ulit ako. Nakita kong malapit na ako sa gate ng restaurant, medyo lumakas ang loob ko, naisip kong kapag may kasama na ako, iiwan na niya ako.

Pero bago pa ako makarating sa may gate, nakita ko siyang nakatayo dun at nakangiti sa akin.

Hindi...........

Nandilim ang paningin ko.

**************************

09/17/14

kapitbahay, sensya na kung matagal UD ha, kasi di ba nabura dati, ang ugali ko kasi, ayokong mag-ulit ng natype ko na haha kaya eto, iniba ko, pero feeling mas maganda ngayon, God always knows the best and the good one. Sana magustuhan mo hehe, musta?!

That Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon