Chapter 5:

159 7 5
                                        

"MUL--------TO!!!!........." sobrang tinis ng sigaw na yun ni Jun matapos niyang makita ang dingding na may namumuong bulto ng tao na para bang itinutulak ang dingding para makapasok siya. Patakbo si Jun sa pintuan para makalabas pero nakita kong biglang napahinto siya na para bang sumalpok ang katawan niya sa isang harang na di nakikita.

"Jun!" tatakbuhin ko sana pero may humatak sa paa ko. At kinaldkad ako hanggang sa-------

Blag!!!

"Aray!" bumagsak ang katawan ko-sa sahig?!

Pagtingin ko, nakita ko si Jun na nakatayo at nakapamaywangan pa! "Bakit?! Nasaktan ka ba?!" nagtataka ako sa kanya, yung itsura kasi ng mukha niya-naaasar! Bakit kaya?!

Imbis na sagutin niya ang aking tanong, tinapak-tapakan niya ako. "Ano bang problema mo!? Nakakasakit ka na ah!" tinabig ko yung paa niya at bahagya siyang napalayo. Nasapian ba siya?! Wag naman sana. Ganito kasi yung mga napapanood ko sa mga paranormal films eh. Nasasapian yung isa tapos pumapatay siya. "Dude! Ako 'to si Anthony!" pakilala ko baka kasi, hindi niya ako matandaan tapos patayin na niya ako dito sa bahay na ito.

"Loko ka talaga! Mukhang tulog pa ang utak mo! Gigisingin kitang loko ka!" sunod-sunod niya akong tinapakan. Sa katawan, sa braso, sa hita at kung saan saang parte pa. Panay na lang ang iwas ko sa ginagawa niya pero nahahagip pa rin ako. At nung nakita kong inaangat na naman niya yung kanang paa  niya at papunta ito sa mukha ko, umiwas ako agad at tumayo. "Oh ayan, gising ka na!"

"Ano bang problema mo!?" tanong ko.

"IKAW!! Loko ka! Di ako makatulog! Ang tindi mong managinip! Panay pa ang banggit mo sa pangalan ko! Sigaw ka ng sigaw! Ang ingay ingay mo!Kundi pa kita ihulog sa kama, di ka pa magigising!" panaginip?!

Panaginip lang pala ang mga yun?! Buti na lang!Nakahinga na ako ng maluwag at nakangiti na rin.

"O tapos ngayon, ngingiti-ngiti ka diyan!" naiinis niyang sabi. Ganun talaga ang ugali niya kapag naiistorbo ang tulog niya, parang babaeng may menstrual period. Dumapa uli siya sa kama at mukhang matutulog ulit. "wag mo akong istorbohin, matutulog pa ako!"sabi niya.

"oo na! Bababa na lang ako." bago ako bumaba, tiningnan ko muna yung relo na nakasabit sa dingding, alas syete pa lang?!

Habang bumababa ako, ewan ko ba kung bakit pinakikiramdaman ko ang paligid-ang buong bahay. Para kasing biglang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi kaya dahil kung anu-ano lang ang nararanasan ko nitong mga nakaraang araw?! Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng milo. Pagkatimpla ko, dinala ko yun sa sala, inilapag ko sa coffe table at humiga ako sa sofa.

Nagmuni-muni pa ako habang nagpapaantok. Gusto kong matulog ulit kaya lang, hindi na ako inaantok. Tsaka masakit katawan ko. Bahagya kong iniangat ang kalahating katawan ko para dukhawin yung mug para makainom ako ng konti. Nagtaka ako bigla na para bang lumayo ito, alam kong malapit lang yun sa akin nung nilapag ko. Pero ngayon, di ko na maabot. Di ko na lang pinansin, kinuha ko na lang at uminom ako. Pagkatapos ay ibinaba ko ulit, sa lugar na alam kong mas malapit sa akin. Pumikit ako para makatulog sana kahit konti.

Nang makarinig ako ng kalabog sa itaas. Sa mismong kwarto na tinutulugan ni Jun. Baka nahulog lang yun sa kama. Malikot kasi matulog eh. At yung kalabog na yun, nasundan pa ng isa. At isa pa, at ng mas malakas pa. Di na ako nagpatumpik-tumik pa, inakyat ko na yung kwarto.

Pagdating ko, tulog na tulog si Jun, nakadapa pa rin, sa posisyon niyang iniwan ko kanina. Saan galing yung kalabog na yun?! At naalala ko ding, mababaw lang matulog si Jun, konting kaluskos lang magigising na siya. Kahit mantika pang matulog yang isang yan, parang may sariling buhay ang tainga niyan.

That Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon