Chapter 9: Who's that killer?!

141 7 5
                                    

Kulit's POV (Makulit na multo)

Nung dumating yung lalaki na yun naramdaman kong parang may koneksyon ako sa kanya. Parang matagal na kaming magkakilala. Maagan ang loob ko na parang may kaugnayan talaga siya sa akin. Hindi ko lang matandaan kung kailan at saan ko siya nakasama. Pero parang siya ang makakatulong sa akin na mahanap ang pamilya ko.

Anthony....

Pagtingin ko kay Anthony nakatitig yung dalawa dun sa laking dumating. Oo nga pala. Kanina parang may nabanggit si Jun sa kanya.

Anthony!!!.....

Haizt! Di ako pinapansin! Lulusawin ba nila titig ung gwapong yun?

Hoy!!!.....

Tumayo ako sa harapan ni Anthony para mahatak ko ang atensyon niya.

Umalis ka nga diyan! Wag kang humarang!

Ehh...kasi....wag mo na siyang titigan!

Uh bakit? Pag-aari mo siya at nagbabawal ka?

Ayyst!! Wag mo siyang titigan! Kausapin mo kaya! Bakit ba nakatitig kayo pareho sa kanya? May gusto kayo sa kanya ano?! Aminin niyo!!!

Siraul* ka!! Mas gwapo ako diyan ano!

Uh eh bakit nga titig na titig ka?

Itong si Jun kasi...malagkit ang tingin niya dun.

Kausapin mo na lang kaya!

Ano naman ang sasabihin ko sa.asungot na yun?

Ano nga ba?!

Si Jun na lang ang tanungin mo.

Halos di na nila nagalaw yung pagkain nila kakatitig dun sa laking yun. Bakit kaya ganun na lang ang titig ni Jun sa kanya?

Itanong mo na!

Alin ba?!

Itanong mo kung bakit ganun kung makatitig si Jun sa kanya!

Eh bakit ba gusto mo malaman? Istorbo ka sa lahat ng oras!

Para kasing may koneksyon ako sa lalaking yan. Iba ang pakiramdam ko sa kanya parang magkakilala kami.

Uh ehh di ikaw magtanong. Kayo naman pala ang close ehh.

Kung magagawa ko lang!

Bakit sa akin nagagawa mong magpakita?

Hindi ko alam! Hindi ako nagpakita sa'yo. Ikaw ang nakakita sa akin. Remember!

"Uy! Ikaw naman. Bakit nga ganyan na lang ang tingin mo sa lalaking yun. Umamin ka dude! Sya na ba??" sa wakas tinanong niya na rin si Jun.

"Anong sya na ba?"

"Siya ba yung pinagpapantasyahan mo kanina?!" bakit naman ganun ang tanong ni Anthony? Pero kung sabagay.

"Lokong 'to! Gawin ba akong paminta!" angal naman ni Jun.

"Uh ehh bakit nga?!"

"Siya kasi yung kasama nung babaeng papakasalan ko ehh. Nung nagpunta dito yung napakagandang babaeng yun...nakasunod siya. At nag aaway sila nun! Ganitong oras.din yun! Tandang-tanda ko ang lahat."

"Baliw!" tomooo!!! Baliw na si Jun. "Kakikita mo pa lang sa kanya kasal na agad?"

"Yun ang tinatawag na love at first sight. Palibhasa ikaw hanggang ngayon di pa natibok yang pusong kahoy mo"

That Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon