Chapter 14: Sorry but I can't.

51 2 0
                                    

Note: Sorry nakalimutan kong lagyan ng title 'yung last chapter hihi.

.........

Lenorah's POV

Pababa na siya pero napatigil pa. “'Andito na tayo. Lika na pre.” aya niya sa akin.

Napabalik ang wisyo ko nang magsalita siya. “Ha? Ah, oo. P-pero bakit dito?” nauutal kong tugon.

“Oo. Dito ako madalas tumambay nandito kasi ang fiance ko.” aniya.

Bumaba na siya ng kotse at sumunod na rin ako. Nangangatog ang mga tuhod ko sa bawat paghakbang ko. Nagdadalawang-isip na rin ako kung tutuloy pa ba ako. Pero ‘yung mga tanong sa isip ko, gusto ko ring masagot.

‘Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya’

‘Bakit parang hindi siya iba?’

‘Bakit magkapangalan kami ng fiance niya?’

“Ang tagal mo naman maglakad” sabi niya.

Medyo binilisan ko na para mahabol siya. Papasok na kami sa ospital at unti-unti na namang bumibigat ang pakiramdam ko.

‘Nandito na naman kaya si Kamatayan? Ako na ba ang inaabangan niya ngayon?’ Mga tanong na naman sa isip ko.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa pintong ‘yon. Sa pintuang sinilip ko.

Hindi ko alam kung makakakuha ako ng sagot sa mga tanong ko sa sarili ko. Kung sino ako? May kinalaman ba sila sa pamilya ko? Kilala ba nila ako?

Bubuksan na sana niya ang pinto nang magbukas iyon mula sa loob.

“Iho, narito ka na pala.” bungad ng ginang sa kanya.

Umakap pa siya at humalik sa pisngi nito.

“Ano pong nangyari?” tanong niya.

“Gumalaw siya, James. Gumalaw siya.” masayang balita ng ginang sa kanya.

Patakbo siyang pumasok sa loob at sumunod ulit ang kausap niya. Muling sumunod ang ginang sa kanya. Naiwan akong nakatulala sa labas.

“James. James pala ang pangalan niya.” mahinang sambit ko.

Nakaramdam ako ng tuwa. Lalong gumawaan ang nararamdaman ko sa kanya matapos kong marinig ang pangalang ‘yon parang napakahalaga sa akin.

Nawala ako saglit sa realiyadad, napatingin ako sa pinto. Nag-iisip ako kung papasok ako o hindi. Pero dahil marami akong gustong malaman, nagpasya akong pumasok.

Nauntog ako sa pinto nang malimutan kong nakasanib nga pala ako kay Anthony akala ko kasi tatagos lang ako sa pinto.

Pipihitin ko na sana ang seradura nang maramdaman ko ang aurang ‘yon na parating.

“Siya na naman.” sambit ko.

Bigla nang nagdatingan ang mga anino at umaaligid na sila sa buong ospital. Nabalot ako matinding takot at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nang maramdaman ko ang aura niya sa dulo ng pasilyo hindi ko siya magawang tingnan subalit nakita ko na siyang nakatayo doon hawak ang kanyang kalawit.

“Lenorah...”

Nakakapangilabot ang kanyang tinig. Punung-puno ng kapangyarihan. Tila sa isang salita niya lang ay mangyayari kung ano ang nais niya.

“Alam kong babalik ka rito sapagkat marami kang katanungang nais masagot. Ngunit bakit nakatayo ka lang diyan? Ayaw mo bang malaman ang mga sagot sa iyong katanungan? Ang lahat ay nariyan sa loob. Buksan mo ang pinto at malalaman mo ang lahat.” aniya.

That Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon