Siya 'yung lalaking nagpunta sa carinderia n'ong time na kumain kami ni Jun. Ano kaya ang kinalaman niya sa buhay ni kulit? Sa pagkakatanda ko n'ong nasa carinderia pa kami nakatitig lang si kulit sa kanya at nagpaiwan pa siya d'on.
"Puntahan mo bilis!" utos ni kulit sa akin. Bahagya pa akong tinulak palapit.
"Wala akong dahilan para kausapin siya." sabi ko sa kanya sa pamamagitan ng isip ko.
Itinulak niya ako ng malakas at nahagya akong nasubsob sa may daraanan niya. Nakita ko ang mga paa niyang napahinto sa paglakad. "Excuse me." sabi niya sa akin. Sasagot sana ako kaso may naramdaman akong kakaiba.
Lenorah's POV (Makulit na multo)
Sumanib ako sa katawan ni Anthony para makausap ko ang lalaking ito. Nawawalan ng malay si Anthony sa tuwing ginagawa ko ito sa kanya. Katulad kanina n'ong dinala ko siya dito gamit ang sarili niyang katawan. Malakas ang katawan ni Anthony, may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Hindi kasi siya agad agad nanghihina kapag matapos kong iwanan ang katawan niya. Pasensya na Anthony kaso gusto ko lang talaga hiramin ang katawan mo para makakuha ako ng sagot sa tanong ko.
"Excuse me. Nang-aasar ka ba?" narinig kong tanong n'ong lalaking naantala ko. Medyo galit na siya.
"Ahh, p-pasensya ka na. Magpapa-check up kasi ako. Masakit amg katawan ko eh. P'wede mo ba akong ihatid sa loob? P'wede mo ba akong tulungang tumayo? Nahihilo kasi ako." sagot ko.
"Modus mo ba 'yan? Hindi ako uto-uto." sabi niya.
Humakbang siya paiwas sa akin para makadaan na siya pero bigla kong hinawakan ang binti niya. "Hindi ako nagbibiro. Masama talaga ang pakiramdam ko. Kung gusto mo tumawag ka na lang ng nars para tulungan akong pumasok sa loob please." sana lang makumbinsi ko siya.
Kailangan kong manakaw ang kahit ilang minuto niya para makapagtanong kahit isa lang.
"Bakit wala ka kasing kasama kung magpa-pacheck-up ka?" tanong niya ulit.
Napansin na niyang pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nagdadaanan sa paligid kaya tinulungan na rin niya akong tumayo. Inilagay niya sa balikat niya ang kaliwang braso ko at nagsimula kaming maglakad.
"Salamat. Mag-isa lang ako dito. Nasa probinsya ang pamilya ko. Nagtatrabaho kasi ako sa restaurant." panay ang daldal ko pero hindi siya nagsasalita.
Nakapasok na kami sa loob ng ospital pagdating sa counter kinausap na niya 'yung nars saka ako nilingon. "Magpacheck-up ka na, dude!" aniya.
Tapos ay sinundan ko siya ng tingin paalis. Saktong parating naman 'yung nars. "Ano pong nangyari sa inyo sir?" tanong niya.
"Masakit ang katawan ko nars paki-check up please " pagkasabi ko n'on iniwan ko na ang katawan ni Anthony para sundan 'yung lalaki.
"Sir! Anong nangyari sa inyo sir?" sigaw n'ong nars.
Napahinto tuloy ako at napatingin sa kanya. Nakita kong nawalang ng malay-tao si Anthony. "Nakapagtataka. 'Di niya kinaya? 'Di bale, magigising ka rin mamaya." ani ko.
Umalis na ako at sinundan 'yung lalaking 'yon. Pasikot-sikot na ako sa buong lugar kaso hindi ko na siya nakita. Nakapasok na siguro siya sa kwarto na pupuntahan niya. "Teka!" bigla kong naisip, p'wede ko nga palang pasukin ang mga kwarto kasi hindi naman nila ako nakikita.
Inisa-isa kong pasukin ang mga silid. Nakailan na ako pero wala pa rin. Hanggang sa marating ko ang isang silid na iba ang pakiramdam ko d'on. May kalayuan pa sa akin ang silid na iyon subalit mabigat ang nararamdaman ko sa lugar na iyon. Parang may tumutulak sa akin na lumayo na sa lugar na ito subalit itinutulak ko naman amg sarili kong pasukin ang silid na 'yun upang malaman ko kung ano ang meron d'on. Habang humahakbang ako lalong bumibigat ang pakiramdam ko pero lalong tumitindi ang kagustuhan kong tumuloy. Pakiramdam ko'y naroon ang mga kasagutang kailangan kong malaman.