Katulad ng dati kong ginagawa, dumidiretso ako sa kusina pagkarating ko para kumuha ng maiinom. Nakasanayan ko na kasing magdala ng tubig sa taas para hindi na ako bumababa sa tuwing nauuhaw ako. Mauhawin kasi lalo na pag gabi. Pagbukas ko ng fridge, naramdaman kong parang malamig ito. Pero hindi normal na lamig ang naramdaman ko. Alam kong malamig ang fridge, pero iba ang lamig na nararamdaman ko. Kakaiba. Tiningnan ko naman kung pang-ilang number ito nakaset, pero nasa number one lang ito.
Kumuha na lang ako ng tubig at hindi ko na lang pinansin. Pagkahawak ko sa pitsel bigla na lang may mukha ng multong dumungaw mula sa loob. Sa sobrang gulat ko nabitawan ko yung pitsel at napatakbo ako papuntang hagdan. Nasa unng baitang pa lang ako at mula.dito sa kinaroroonan ko ngayon ay narinig ko pa ang late na pagtawag sa akin ng multo.
Anthony!........
Parang kilala ko ang tinig na yun. Yung tinig na parang iiyak.
Napalingon ako para tingnan yung multong tumawag sa pangalan ko. Pagtingin ko, tsaka ko pa lang nakita na naiwan ko pa lang bukas yung fridge. Umuusok yung fridge dahil sa sobrang lamig nito. At.mula sa loob nun, lumabas yung multo.
Siya lang pala yung babaeng multo na laging nagpapakita sa akin....tas tumakbo pa ako. Pero in fairness, nakakatakot talaga yung mukha niya kanina. Ikaw ba naman makakita ng mukha sa loob ng ref.
Anthony!.....naman eehh,,,
Nayayamot niyang sabi. Nawala na rin yung takot ko nung makita ko siya. Hindi naman kasi siya talaga nakakatakot. Simpleng multo lang siya. Wala ngang bakas ng pagkamatay niya eh.
"Ano ba kasing kailangan mo? Tinakot mo pa ako. Akala ko ba hindi papasok dito sa bahay? Eh bakit narito ka sa loob?"
Bakit ka ba kasi dito nakatira? Di ba sabi ko sa'yo, maysumpa ang lugar na ito. Umalis ka na dito.
"Ah. so yun----pinapaalais mo ako??? Oh sige ikuha mo ako ng apartment. Akala mo naman ganun lang kadali ang lumipat? Tsaka pwede ba, isara mo nga yung ref, nang may maitulong ka naman!" Haha nagawa ko pa talaga siyang utusan. At sumunod naman siya. Hindi ko nakitang hinawakan niya yung fridge para isara basta nakita kong nagsara ito. Amazing! Tapos, bigla na lang siyang nasa harapan ko. Hindi ko alam kung paano nangyari. At naramdaman ko na lang na hawak na niya yung braso ko. Wow!sobrang lamig ng kamay niya! Kamay nga ba? Ah, basta malamig siya! "Pwede wag mo akong hawakan...para kang ibinuro sa loob ng banga ng mahabang panahon." Naglakad uli ako pabalik para linisin yu g bubog na nabasag. Babasagin kasi yung pitsel na nabitawan ko kanina.
Panay ang salita niya ng kung anu-ano pero hindi ko na lang pinakikinggan, ano ba ang mapapala ko sa isang multo? Masyado siyang makulit. Pagkatapos kong malinis yung mga bubog, kumuha uli ako ng bagong tubig. Panay ang sunod niya sa akin habang naglalakad ako. Paakyat na ako sa hagdan pero nakasunod pa rin siya. Daldal ng daldal. Kung anu-ano lang naman. Kesyo, nagpunta siya dun, may nakilala siyang ganun. Naikwento na ata niya ang lahat ng pinaggagawa niya maghapon. Pero ang hindi ko narinig sa kanya ay yung pangalan niya, kung saan. siya nakatira, sino pamilya o kung paano siya namatay.
At wala akong balak na itanong. Para saan? Para lalo niya akong kulitin? No way!
"Pwede, matutulog na ako, umalis ka na please, ayoko ng istorbo. Ayoko ng multong madaldal sa loob ng bahay ko. Okeyy??? Tsupi! tsupi!" Yes! Itinataboy ko siyang parang pusa!
Sumimangot siya at yumuko. "Sinasabi ko lang naman na lumipat ka na ehh wag ka na kasi dito tumira. Di ka naman kasi nag-iisa dito ehh, marami sila.....gagambalain ka nila....maniwala ka....bakit ba kasi di mo sila nakikita?"
