Chapter 16: The girl laying on a hospital bed

41 3 6
                                        

Note: Sorry po super late ang UD. Sobrang tagal na. Pasensya na sa mga naghihintay. Pero salamat po at may nagbabasa pa rin. Salamat sa matyagang naghihintay.

.................

Mabilis kong sinundan si kulit kasi alam kong hindi naman siya naglalakad. Lumulutang lang ang paa niya sa lupa at kung mamalasin pa ako'y baka hindi ko siya maabutan kapag siya ay biglang naglaho.

At katulad ng sinabi ko, naglaho na nga siya bigla. Saan ko kaya siya hahagilapin ngayon?

Sa kakaisip ko kung saan siya matatagpuan biglang pumasok sa isip ko ang isang parke na tinambayan niya n'ong minsan na may diramdam siya na iniwan ko siya. Oo na, antok lang ako n'ong mga oras na 'yon. Agad kong pinuntahan ang lugar na 'yon at naabutan ko nga siyang nakaupo sa isang upuang naroon. Tiningnan ko muna ang buong paligid kung may mga tao pa kasi naman kung kakausapin ko siya aba e, iisipin talaga nilang may sira ang utak ko. Ikaw ba naman ang kumausap ng hindi nakikita. Buti na lang walang gaanong mga tao dito may ilan nga pero malalayo naman kaya okay lang.

Tumabi ako sa kanya at saka ko siya tinanong. "Bakit ka umiyak? Bakit ka umalis? Anong nangyari?" Sunod-sunod kong tanong.

"Mukha ba akong umiiyak?" Balik niyang tanong sa akin. Humarap pa siya para ipakitang hindi nga siya umiiyak. Wala kasing luha na pumapatak mula sa mga mata niya maaaring wala ngang luha kasi wala siyang katawan pero ramdam ko namang umiiyak siya. "Gusto ko ngang umiyak pero hindi ko magawa!" Pagpapatuloy niya.

"Eh? Bakit? Ano bang nangyari? Ano bang meron sa ospital na yun?"

"Ewan ko. Hindi ko alam."

"Hindi mo alam e, galing ka doon?" Inis kong tanong. Sinundan ko pa naman siya tapos gan'on lang ang sagot sa akin.

"Hindi ko alam kung paano kong ipapaiwanag. Pero 'wag mo muna akong kausapin please lang. Gusto ko lang umiyak pero hindi ko magawa." Saad niya.

Tumahimik na lang ako at hindi ko siya kinulit pero bigla na lang niya akong tiningnan na para bang may gusto siyang hilingin. Kumunot na lang ang noo ko kasi alam ko na kung ano ang gusto niya at ayaw kong ibigay. Pero may gagawa ba ako kung wala naman akong laban sa tulad niyang multo kung kailan niya gustuhing gamitin ang katawan ko magagawa niya, tulad ngayon. Naramdaman ko na naman ang panghihina ng katawan ko na para bang gusto ko na lang matulog. Nararamdaman ko na ring unti-unti akong lumalabas sa sarili kong katawan hanggang sa pagtingin ko, nakahiwalay na ako at nakita ko ang sarili kong umiiyak habang nakaupo. Wala na si kulit sa pwesto niya. Nandoon na naman siya sa loob ng katawan ko. Kinausap ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Iyak siya ng iyak na para bang iniwan ng boyfriend. Ang nakakainis lang nandoon siya sa loob ng katawan ko at parang ako talaga ang umiiyak. At dahil babae siya, I can't imagine my self crying like what she is doing now. Para akong baklang umiiyak.

Umalis na lang ako. Bahala nga siyang magngangawa doon. Naglalalad ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napatigil ako ng makita kong nasa tapat na pala ako ng ospital kung saan lumabas si kulit. Napagpasyahan kong pumasok tutal wala namang makakakita sa akin kaya libre akong ikutin ang buong ospital. Gusto kong malaman kung ano ang nakita ni kulit at ganoon na lang ang nangyari sa kanya.

Pinasok ko ang ospital at natigil ako sa tapat ng isang kwarto kung saan napakaraming umaaligid na mga aninong lilipad-lipad. Tila ba binabantayan nila ang silid upang walang makapasok doon. Ramdam ko rin ang mataas na negatibong enerhiyang bumabalot sa buong lugar. Nakakatakot at nakakakilabot. Ito yung kwartong pinasok ni James. Sinubukan kong lumapit para pasukin ang kwarto pero biglang nagsama-sama ang mga anino at hinarang ang pintuan. Naramdaman ko ang pagbabawal nila sa aking pasukin ang silid.

Pero hindi ako nagpadala sa takot. Lakas-loob kong tinungo ang pinto at pinasyang tuloy-tuloy na pasukin ang loob. Habang papalapit ako sa pintuan nararamdaman ko ang galit ng mga anino pero sa huli unti-unti rin silang naglaho.

Pagkapasok ko sa loob nakita ko ang isang taong nakahiga sa hospital bed na may nakakabit na oxygen. Walang nagbabantay sa kanya. Nilapitan ko siya para makita kung ang kanyang itsura. Laking gulat ko nang makita kong kamukha ni kulit ang nakahigang pasyente. Napaatras ako. Hindi ako makapaniwalang nandito ang katawan niya. Marahil ay ito ang nakita niya kaya siya biglang tumakbo at umiiyak. Pero bakit kaya siya umiiyak? Hindi ba dapat ay matuwa siya at nalaman niyang hindi pa sya tuluyang patay?

Maaaring comatose lang siya at naghihintay na magising.

Kung gan'on kailangan niyang bumalik agad sa katawan niya para magising na siya.

Binalak ko nang lumabas para puntahan si kulit nang makita ko ang isang espiritu na nakaharang sa may daraanan ko. Hindi ko makita ang itsura niya dahil sa hood na nakatalukbong sa ulo niya. Purong itim ang kulay ng suot niya at may hawak siyang kalawit na may mahabang hawakan na tila nagsilbi na ring kanyang tungkod.

Siya ata ang tinatakasan ni kulit kaya panay ang takbo niya.

Hindi na siya makakabalik sapagkat ngayong oras ko na siya kukunin

Wika ni kamatayan. Ako ang sinasabihan niya.

"Hindi pa siya patay!" Matapang kong tugon.

Oo. Subalit ang kanyang mga mahal sa buhay ay sumuko nang magigising pa siya

"Hindi totoo 'yan! Kailanman hindi sumusuko ang mga taong nagmamahal!"

Habang nag-uusap kami pumasok na ang mga tao, marahil ay ang pamilya ni kulit. Kasama si James. Tahimik ang lahat at nagpipigil na umiyak. Ramdam kong balot sila ng lungkot, sakit, at kawalan ng pag-asa.

"Anong gagawin nila?" Tanong ko.

Sumuko na sila.

Ilang sandali pa'y pumasok na ang doktor kasunod ang ilang nars.

"Sigurado na ba kayong gusto niyo ng tanggalin ang life support niya?" Tanong ng doktor.

Nawindang ako sa narinig ko.

Tahimik ang lahat.

Matapos ang ilang minutong katahimikan ay isang pagtango ang naging tugon ng isang ginang. Maaaring ang ina ni kulit iyon. Saka siya umiyak at tumulo ang mga luha. Nilapitan niya ang nakahigang katawan ni kulit at kinausap ito. "Anak, I'm sorry. Hindi ko gustong sumuko. Hanggang ngayon umaasa pa rin akong magigising ka. Pero anak, ang tagal mo nang pinaghihintay ang katawan mo. Bumibigay na siya. Wala na akong magagawa. I'm sorry. Siguro nga, it's time for you to rest. Masyado ka na naming pinahirapan. Baka nasasaktan ka na at napapagod. Ngayon, ibibigay na namin ang kailangan mo. We will set you free."

"Noooooo!!!! Hindi po siya totoong sumuko! Hindi niya gustong umalis! Nakalimot lang siya at hindi niya alam kung saan kayo hahanapin! Pero ngayon marahil ay alam na niya. Pero wala siyang matandaan at litung-lito siya!" Sigaw ko.

Hindi ka nila naririnig.

Si kamatayan ang sumagot sa akin.

"Kailangan kong puntahan si kulit! Kailangan niya itong malaman!"

Huli na. Ang lahat ay nakasulat na sa kanyang libro. Ito ang oras ng kanyang paglisan.

"Hindi! May magagawa pa tayo!" Saad ko.

Mabilis akong lumabas at pinuntahan si kulit sa parke. Pero wala siya doon. "Sh*t! Ngayon pa! Nasaan ka ba!" Saan ko ba hahanapin ang makulit na yun? Kailangan ko siyang makita! Kailangan niyang makabalik bago pa tuluyang alisin ang life support ng katawan niya.

Nasaan siya?

***********
03/20/2015

Add me on my facebook account @lolashinang wp
May fb group din po ako join po kayo @HaeronHerc saka @wattpad society clan (OFFICIAL)

That Stranger GhostMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon