Elle's POV
*IG notification*
@DionXander started following you.
"Ohhh shocks!!!!!" Nagulat si Ishi at Joy sa sigaw ko. Buti kaunti na lang kami dito sa room.
Kakatapos lang ng 3rd class namin and may vacant kami na 3hours. 4pm pa yung next class tapos uwian na.
"Ay girl. Kaloka ka bakit ka bigla sumisigaw diyan?" Gulat na sabi ni Ishi.
"Anyare sayo girl? Kaloka ka" dagdag ni Joy
Pinakita ko yung pag follow ni Dion sakin.
"Kaya naman pala sumigaw. Type mo no?" asar ni Joy
"Ano ka ba Joy? Parang di mo kilala yang kaibigan natin. Di naman basta basta magrereact yan kung di niya type" gatong ni Ishi.
"Ewan ko sa inyong dalawa. Malay niyo nakita niya Lang sa feed niya tapos nagfollow lang siya. Alam niyo naman lately pati scammer nag follow sakin" diin na sabi ko sakanila.
Habang naglalakad kami pababa para pumunta sa cafeteria at titingin ng lunch. Sakto nandon din sila Dion. Kunwari na lang di ko nakita.
Ishi: Ay nandyan si future...*sabay kalabit sakin*
Joy: kahit in denial pa tong frenny natin? Hahaha
Elle: tumigil nga kayo diyan. *Biglang yakap kay Ishi* Babe, wala akong bet na pagkain dito. Kayo ba?
Ishi: Ay sus kaya yumayakap kasi ayaw ng food dito. Saan mo gusto babe?
Joy: Tara KFC? Haba naman vacant natin ehh.
Ishi and Elle: Arat na!!!
Habang paalis. May kaibigan akong siraulo na sumigaw kela Dion.
Joy: Hi Dion and friends. Sa KFC kami kakain. Kung inaabangan mo si Elle di niya kasi bet food dito ngayon kaya sa labas kami kakain. Babush!!!!
Hinila namin si Joy. Sabay harap kela Dion kinakabahan...
"Uhmmm sorry sa friend ko. Minsan baliw lang talaga siya. Pasensya na kayo"
Biglang nagsalita si Dion.....
"Elle Velez paFollow back naman po" Dion said with pa cute smile. At nagulat ako dahil sinabi niya yun sa harap ng friends niya.
"SMOOTH" sabay-sabay na react ng mga kaibigan niya pati mga kaibigan ko nakangiti lang.
"Ah sige Dion, later after ko maglunch. Gutom na kasi ako eh"
Ishi and Joy: At di mo gugustuhin na gutom si Elle. Nagiging tigress yan. Hahahahaha! *Sabay pa talaga ang mga gaga*
Tumalikod na ko. Pero deep inside me natatawa ako sakanila. Oh lord! Kinilig ba ko? He's still a stranger.waaaaaaa
Dion's POV
@elleVelez started following you.
"YES!!!!!!!!!" Sigaw ko kaya pinagtinginan ako.
"Anyare sayo pre?" Sabi ni john.
Pinakita ko lang at gulat silang napanganga.
"wow sana all pina follow back, ako last sem pa naka follow diyan kay elle pero di napansin" sabi ni harry na classmate namin sa 1 subject irregular student kasi may back subject sa 1st year.
"John, Harry tara sa KFC tayo maglunch" excited na sabi ko sakanila.
"Wow pre,libre mo ba? Susundan mo agad yung prinsesa mo?bakod agad ah" patawa tawang sabi ni john.
"Baka may umaaligid na Ryo don. Epal yun eh. Papansin kay Elle lagi" dagdag ni Harry.
"Tara na. Kailangan natin maabutan yun. Mahirap na" nagmamadaling sabi ko.
Sumakay kami sa sasakyan ko. Naka fortuner ako ngayon. Ginamit kasi ng daddy ko yung Mazda....
Dion's mind: I'll make you my queen Liana Ellice. I will......
Kinikilig na ba kayo sa mga banat ni Dion? Ako din ehh.... More of this sa mga susunod na chapter.
Stay tuned...