Elle's POV
Salubong kilay ko habang pabalik sa table eto kasing si Ishi obvious na obvious yung kilig kay Harry.
"Ishi,umayos ka nga. Kilig na kilig ka diyan" naiinis na sabi ko
"Wow sino kaya yung na speechless pagkatapos sabihan ng maganda ka naman talaga sige nga?" Pangaasar ni Ishi
"Kayong 2 saglit lang kayo nawala late na ko sa chika" sabi no Joy
"Kumain na lang nga muna tayo. Mamaya na yan. Gutom na ko" asar na sabi ko.
At kumain na kami. Nakita ko naman na palapit sila Dion. Sa tapat namin sila nakapwesto. At kung di ba naman talaga gaga tong kaibigan ko.....
Joy: Ui Dion, dito na kayo sa table namin malaki naman to eh.
John: Pre, tara dito daw tayo. Sabay hila kay Dion.
Dion: Okay Lang ba sayo Elle? Na dito kami?
Elle: Huh? Sure. Wala naman problema
Ishi: Harry, tabi tayo.
Harry: Sige ba.
John: Ay syempre dito ako tatabi kay Joy..
Ishi: Tabihan mo na yan si Elle. Wag ka na mahiya Dion.
Habang kumakain.........
Dion's POV
Kasalukuyan kaming nageenjoy habang kasabay tong magaganda na to pero syempre pinaka maganda yung REYNA KO. Ng biglang may masamang hangin na dumating... Nadinig ko bumulong si Ishi...
"Pota may diablo" nakasimangot na sabi ni Ishi.
Pag angat ng tingin ko 2 lalaki nakita ko. Eto siguro yung Ryo at Khael na nagcomment sa picture ni Elle. Mukhang sabog eh. Hahahaha
Hi Elle!!! New friends? Himala may boys ah. At mga taga HM pa. Paano naman akong engineering?
Yabang nito ah..... Kahit HM ako may utak ako.
Sasagot na sana ako ng biglang............
Elle's POV
Andito na naman tong mayabang na to. Ugh! Getting into my nerves. 1st year pa lang ako ganito na eh palibhasa na reject e ayoko talaga sakanya.....
Padabog kong binitawan yung spoon and fork ko.
"You know what Ryo? We're having our lunch. We wanted to eat peacefully tapos dadating ka para magsalita ng ganyan? Can you please leave? Nawawalan na kasi ako ng gana kumain. And you won't like it when I'm mad. Right khael?" Baling ko sa kasama niya na naka experience na ng pagiging maldita ko.
"Tara na Ryo, wag ka gumawa ng eksena dito." Awat ni Khael sabay hila kay Ryo palabas ng KFC.
Dion's POV
Nagulat ako sa sinabi ni Elle. Nakakatakot siya magsalita. Parang any moment magiging tigress talaga siya. Pero at the same time I'm impressed. Pinagtanggol niya kami right? Tama ako diba? My queen defended us? Me????
Nawala ako sa pagiisip ng madinig kong tumatawa si Joy at Ishi....
"YOU NAILED IT GIRL!!! NATAKOT MO YUNG 2 MAYABANG SA CAMPUS" sabi ni Ishi
"True, hindi kasi matanggap ni Ryo na inayawan siya ng 1 dean's lister na IT girl na anak ng mayaman na only daughter" dagdag ni Joy.
So mayaman at only daughter pala siya? Parehas lang kami.. hehe biglang nagsalita si Elle.....
"Boys pasensya na kayo dun ah? Naiirita kasi ako dun. Saka sorry na witness niyo pa pagmamaldita ko" sabi niya
"Wala yun Elle. Ready din naman namin kayo ipagtanggol oras na may gawin o sabihin siya sa inyo" sabi ko na totoo naman. Gusto ko na talaga yun sapakin kanina eh nagpigil lang ako dahil ayoko matakot si Elle.
"Thanks Dion" and she smiled. For the first time. Hindi sarcastic smile yung totoong ngiti niyang kasama pati mata.
And again hulog na hulog na naman ako...........