Kabanata 2 - CRUSH NA NAG-CRUSH (THE THREE GOONS OF XAVIER)

513 32 32
                                    

CRUSH, CRUSH, CRUSH. Sa puso mo ba. Ako na'y nagka-crash? Kumbaga sa palaman. Paano naman ako mapapakinabangan kapag walang tinapay? Palaisipang pinapalaya ko na lamang na tunay.

Pambihirang Diary na ito! Ang unang bahagi ay itinanong sa akin kung ano ang crush. Ang pangalawang bahagi naman ang isa sa mga puntong sumasagot sa napakahalagang tanong na ito. Ano nga ba ang iyong gagawin kapag ang crush mo ay halos inilalayo na nang lubusan nitong mapaglarong tadhana mula sa 'yo?

Alam niyo kasi. Mula pagkabata pa lamang ay may hinahangaan na tayong lahat. At masayang-masaya rin naman ang ating pakiramdam kapag nalalaman nating hinahangaan din tayo ng ating hinahangaan.

"Djuuu!!! 20 throwbacks laang ang ibabahagi ko sa aking diary, at kinikabutan pa rin ako hanggang ngayon. Kilabot ng St. Andrew's ang galawan ni Ate Girl. Ka-elegenteng poporma, pero wag ka! Unang araw pa laang ay, nasampolan na ko niyan. Isinulat ko pa nga 'yon sa Diary. Ganito ang inyong mababasa:" pambungad ni Kuya Boy sa nabasa kong Diary.

Ano na naman kaya ang magiging papel nito sa mas masinsinang parte ng kabanata ng aking buhay? Ilang pagbasa sa bawat maaalalahaning pahina pa kaya ang nararapat kong ialay?

Narito ang nabasa ko sa ikalawang pahina:

———
Dear Diary,

Mahal mo ba ako tadhana? Kung ganoon, bakit ayaw na ayaw mong iparinig ko sa hinahangaan ko na type ko siya? Dahil unang araw pa lamang ng klase? Dahil mga bata pa kami? Diary lilipat kami para sa EPP. Paano ko gagawin ito kung row two kami at row one sila? Lima silang pulos mga dalagita at lima kaming puro mga binatilyo? Ewan ko! Ikaw na ang bahala. Kung pupunitin ka man niya, tatakbo na lang ako. Pamato na muna kita...

Babay!

-Xavier

Sino kaya si Xavier? At saang lugar ko naman kaya siya maaaring mahagilap? Pati na rin 'yung sinasabing 'Marnelita' sa diary kong nabasa. Sino rin kaya siya sa aking buhay? Pakiramdam ko tuloy sa bata kong ito ay dati ko na silang nakita. Pakiramdam ko pa ay napuntahan ko na ang bawat lugar na pinatutunguhan nila.

"Kung ano na bot! Unang araw 'yon. Ako, Joson, Gabriel, Nixon, at Manzano. Lima nga kami! E ano ang laban namin sa pageant girls na ang babata pa lang ay may future na? May future na sa pananapak nang malakas. Ang mga ito ay sina Marnelita, Juanita, Hilaria, Pancita (este Panchita. Parang pinaka ate ito ni Marnelita. Ang pinakamalakas manulsol sa tropa nila. Parang si Nixon nga namin. Kaya halos magkasundo pa noon silang dalawa. Napakalabo hano?)"

Joson, Gabriel, Nixon at Manzano? Teka muna!? Tila ba nakikilala ko na sila. Unti-unti ko na marahil silang naaalala. Teka, sandali! Aalalahanin ko nga silang muli. Ngunit parang may mali? Tila baga napakahirap nang magbakasali.

Hay naku! Bakit nga ba kasi hindi ko na lamang isauli sa kalapit na lost and found ng gusaling aking pinagtatrabahuhan ang pambihirang mga sakit ng ulong ito? Sayang nga lang! Hindi ko na kayang gawin ito eh.

WALA NANG BAWIAN. Kumbaga nga sa kanta ay NO ERASE. Pero madali lang din naman kasi akong kausap.

"Throwback.... Hinihingal ako pag naaalala ko ang salitang iyan. Oo nga pala. Hindi nagustuhan ni Marnelita na nai-nominate ko siya bilang class president. Kaya napaiyak at napikon ito sa akin. After the election, it is now then our recess time. Pinagmeryenda ako ng pangongonsensiya ni bata. Kung ano na siya. May naiwan siyang diary at ako na ang bida." Ano pa kaya ang kanyang saloobin? Sisikapin ko itong imbestigahan. Isa-isa lang muna dapat para masaya!

Ngunit siya nga kaya ang totoong bida rito? Ewan ko. Ang alam ko lang ay mas tahimik na ngayon dito sa lugar na kinalalagyan ko. Even my heart was formerly crashed.

"Kaya sabi ko no'n. Titigilan ko na! Tutal, may 'introduce yourself' naman manayang hapon. Siguradong makikila at makikilala ko rin siya.

Napakasaya ng throwback story nila hindi ba? Pero bakit tila kaninang alas kwatro ang oras kung kailan nag-break sila? Ibabahagi ko na nga sa inyo 'yung diary ni Marinella. Ipapasapok niyo naman pala ako eh.

"Tumatakas,
Xavier Habana"

'Yan ang sabi niya sa huling kabanata. At ikinalulungkot kong silang dalawa na nga siguro ay habambuhay na nakatakas na. Hindi dahil sa ayaw na niya. Kundi dahil gusto pa niya. GUSTONG-GUSTO PA NGA TALAGA NIYA!

Samakatuwid ay dalawang bahagi pala ang ginawa ni Xavier? Bakit kaya ito nautal? Parang isinasalarawan nga nitong tunay ang aking buhay pag-ibig. At may isa pa akong ibabalita. Maging ang diary pala ni Marnelita ay nakasama sa ikalawang pahina. Bakit naman kaya naparirito ang mahiwagang kuwaderno niya? At bakit naman nga kaya ito tinuringan bilang isang tunay na "mahiwaga"?

Pero... Hala! Paano at bakit kaya siya 'tumakas'. Kawawang binata naman, kung tama nga ang naiisip ko. Maku! Magkaroon lamang ako ng pagkakataon at isasaili ko nga lamang talaga sa kinauukulan ang bawat piraso ng 'cryptic notes' na ito.

———
Dear Diary,
Umaga ngayon. It is our recess time na! Luha ba ang aking meryenda? Ano ba naman kasi talaga sa akin kung ako ang crush niya? Diary, naaasar na rin sa kan'ya silang apat ko pang pinakamalalapit na mga kaibigan.

Nanalo pa tuloy ako bilang class president. Humanda sa amin 'yan! Kukunsensyahin namin siya! Sila ng mga bago niyang katropa.

Sige na Diary. Baka may masapok pa ako hanggang mamaya. Hangang-hanga pa raw siya sa boses at sa paraan ng pagpupusod ko sa lagay na 'yon. Tignan ko mamaya, pag tuluyan niya akong naasar. Hahangaan niya 'yung paraan ng pananapok ko. Kahit magsumbong pa siya sa Guidance. Sasamahan ko pa siya kung gusto niya!

Ang dalagitang nauubusan na ng tissue,
Marnelita
———

"I heard her heart habang sinusulat niya ito e. Kaya halatang-halata pa rin ang tensyon sa pagitan naming dalawa hanggang sa magsilabasan na kami. Kako nga sa sarili ko noong pang-hapong uwian na ay hindi ako uuwi hanggang hindi kami nagkakaayos.

Buti na lamang at Sir Monz was there to fix them all. Hay Xavier... Umayos ka na kasi, Totoy!

Hinihingal,
Xavier Habana, Supervisor-IYAKAN MALL AND RESORT"

Hay naku! Maging sa madamdaming nota ay grabeng tunay pa rin talaga ang sagutan nilang dalawa. Hindi ko tuloy alam kung maguguluhan ako o mapapaluha.

And if Marnelita and my girl have a goons. Me and Xavier too ay mayroon. May suspetsa akong kilala ko laang kung sino si 'Xavier'. Ang tinatawag na The Three Goons of Xavier ay ang kasamahan mamin ni Xavier na sa bandang huli naman pala ay sila ring magiging kontrabida sa matatapos nang istorya.

Arnold, Bong and Wako-wako. Alam niyo na ngayon kung sino-sino. Silang tatlo rin naman ay mga kaibigan ko. Bida-kontrabida ang galawan ng mga pilosopo.

Dati ko silang kaklase noong highschool kami. Magkakahiwalay kami ng course sa taong ito. Ewan ko na lamang kung magawa pa nila akong dalawin dito.

TPSL PRESENTS: CRUSH [COMPLETED!] (ELNELLA FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon