Kabanata 13 - Resulta ng pagpupulong NILA (Maliwanag na Bida VS. Kontrabida)

56 16 8
                                    

—-
Dear Wattpad, (A throwback)

Baho, Yassi, Healthier, Liability, Obib, Baha, The Three Goons and the Three Kunwaring Bida. Sila ang labindalawang kontrabidang babalikwas sa lundo ng istorya. Sa bandang huli. Lahat sila ay magta-transfer na. Ngunit mag-iiwan naman ng isang makapanindig-balahibong babala.

Alam kong Elmo ang pangalan ng lalaking makakabasa ng diary. Ang magiging kasintahan naman niya isang taon pa ay wala namang iba kung hindi si Janella. Paano ko kaya nalaman ang mga bagay na yaon? Nakapagtataka hindi ba? Ewan ko nga ba. Ako na tuloy ay lubusang nangangamba!

Ano na? Nariyan ka pa nga ba talaga? Hanggang kumustahan na nga lang ba ang kahihinatnan nating dalawa? Sabado na! Unang bugso ito ng Saturday and Sunday work ko. Araw-araw na lang na nararamdaman ito. Kakayanin ko pa kaya ang ganitong pagtatrabaho? At the age of twenty one) Si Xavier ay twenty two) ay ito na marahil ang pinakamalaki kong trabaho after graduation. Kung sino pa man ang makakapulot ng diary kong ito ay alam kong magiging magkapareho kami ng kapalaran. Nararamdaman ko nang mawawala ang aking nasimulang isulat. Ngunit batid kong isang araw ay nasa tabi ko na ito, sa muli kong pagmulat.

Our course background and not experience got the best of us. We're too lucky! Multi-year contract na kaagad ang ipinagkatiwala nila sa amin. We are both a graduate of Businesss Management course. Paano pa kaya kung may kasama pang experience? Malamang sa malamang ay mas maganda pa ang aming tinatamasa.

Ang isang napakapambihirang pagkakataon nga naman! Pareho pala kaming sa Baguio grumaduate. At isang taon lamang ang pagitan ng aming pinagtapusang taon. Kung alam ko lang ay matagal ko na siyang hinanap. Isa pala siyang mahalagang parte ng aking kabataan—ng aking kabanata. Kaya pala pareho pa rin kaming nanlalamig hanggang ngayon kung minsan. Ngayon ay mas alam ko na!

Ano ang natapos ninyong kurso? Pinangarap niyo rin ba ito? Kami. Business Management? Hmmm!!! Paano nga ba siya sumagi sa aking isipan? Sobrang galit ni Xavier sa akin a! Kaya kasi ginusto ni Tita at Tito na maging magkapareho kami ng course ay dahil sa akin. Pero siyempre bukas na natin 'yon balikan. Engineer dapat kaming dalawa ngayon e. Parang gusto kong baguhin ang aking kurso. Bahala siya sa buhay niya. Kayang-kaya niya 'yon!

Selos? Madalas na mangyari sa aming dalawa 'yon. Kahit ang totoo naman talaga ay walang kami. Walang kami sapagkat pareho kaming natatakot na lubusang mahulog sa isa't isa. Ngunit ang bawat kaibigan namin at mga kontrabida ay tila may iba naman yatang tinatangka.

Kung may pinagseselosan ma  si Xavier sa akin ay may pinagseselosan din naman ako sa kan'ya. At sa isang araw natin 'yon babalikan. Ang mga kaibigan namin tuloy ay patuloy na naghahalakhakan. Dinaig pa raw kasi namin ang dalawang nag-iibigan. Nag-iibigan naman talaga kami. Palihim nga lamang. Naitatago nang madalas. Nabubuko naman kung minsan.

Nagseselos si Healthier Xavier kay Randomness. At ako namang si Ms. Sureness Marnelita ay nagseselos kay Ms. Liability. Ano ba naman? Sabadong sabado pa naman. Pero ang pagseselos ang palagi na lamang na sumasagi sa aking isipan. Hmmppp!!! Magreresign na ako kaagad dito kapag hindi ko nakayanan. Makakatrabaho ko pa yata si Liability.

Wait! I'm gonna chew my Doublemint bubble gum nga muna. Relax, Marnelita. Relax! Duguin pa naman ang aking ilong, sa tuwing ako ay lubusang natataranta. At dala-dala ko na 'yan simula pagkabata. Lalong lumalakas 'yon kapag ako ay lubusang naiirita.

Maghapon ang trabaho ko ngayon. Pero sa totoo lamang ay regalo ko na lamang sa kumpanya ito. Alas dyes na ngayon at natapos na ang isang oath taking. May asistant na ako. Sa wakaa! Dalawang oath talking na lamang anf kinakailangan kong pangunahan mamayang hapon. At ayon pa nga sa taas. Ayos lang naman kahit alas kwatro ako umuwing ngayong araw.

Alam mo, wattpad. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaliwanag sa aking sarili kung bakit pilit nilang ipinagpipilitan sa langit na ang lahat ay bahagi na lamang talaga ng isang makulay na nakaraan. Paano na kami makapagpapakasal ni Xavier niyan?

Paano kung hanggang ngayon ay naaalala pa niya ako? Paano na lang niya magagampanan ang napakahalaga niyang posisyon kung maghapon siya halos kung magmukmok sa sementeryo?

Sayang! Panaginip na lamang ang lahat. Hindi ko na maaaring magawa pa ang aking mga pinagsasabi. Nasa langit na kasi ako, simula pa kahapon.

At siyempre biro lang 'yon! Isinasalarawan ko lamang sa inyong lahat kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Paano naman kanina. Panay ang alok nila sa aking makilahok sa insurance ng aming kumpanya.

Ano na? Hapon na. Meryendahan na! Totoo nga kayang may maghahatid daw ng meryenda kay Senyorita Marnelita? Kinikilig na naman hanggang sa throwback ang inyong bata. Kahit ang kahit ang katotohanan nama'y kami nang dalawa ngayon talaga.

Ang bawat magagandang nangyari sa nakaraan ay dadalhin ko upang pahalagahan akong lubusan ng taong matapat kong pinakisasamahan sa pangkasalukuyang kapanahunan.

Bakit ko pa nga ba binabalikan? Saan nga ba ang nararapat na patutunguhan? Magkakahiwalay na nga ba kami ng kumpanyang pagtateabahuhan? Tadhana. Ako'y iyo ngang tulungan! Sapagkat hindi ko na maintindihan. Ang alam ko lamang,m. Kaming dalawa, sa isa't isa'y naging mabuting kasintahan.

Ang inaantok na Senyorita,
Marnelita
—-

So. Ang ginawang mga karakter sa diary ay parte nga pala talaga ng business management course. Katunayan nga ay si Baho pa mismo ang nagkuwento sa akin nito. Siya ay inggiterong kontrabida sa malawakang istoryang ito. Sa pagkakaalam ko ay ako nga pala talaga ay may-akda sa istorya nilang dalawa, Bakit kaya ito ay nalalaman niya? Naku po! Lubusang nakapagtataka. Wait! Nagbago na ang isip ng gumawa ng istorya. Ngayon naman. Si Baho pala ay tila isang totoong tao na. Ang baho!

Teka nga muna. Maidagdag ko nga lang pala. Si Obib nga pala ang mascot  naming bibo-bibo. At dati siyang taga-Baguio. Ang lugar na pinagtapusan 'daw' nina Xavier at Marnelita. Alam ninyo ba kung ano lang ang ginagawa ni Obib sa klase namin kapag nagkaklase kami? Wala! Doon din kasi siya sa nananakot na imahinasyon ko nananahan. Ang ikalawang kontrabida! Kumbaga sa kalakaran sa dyipni. Kahit wala pa sa pupuntahang lokasyon ay para na siya nang para.

You know what is Bibong Obib? A dog. Ang nilalang na kinatatakutan ko noong una. Ngunit ngayon ay lubusang kinakaibigan ko na. Siya ang tinaguriang Junior ni Obib. Siya kasi ang madalas na lumalapit dito.

Ano pa kaya ang kinalaman ng Doublemint sa buhay nina Xavier Marnelita? Ano kaya ang kinalaman nito sa buhay namin ni Elmo?

Sino kaya sina Randomness at Liability? Maging kontrabida rin kaya silang dalawa sa aking kabanata—sa aming kabanata?

Sina Xavier at Marnelita naman. Kung sa edad na dalawampu't dalawa ay nagkatuluyan na sila. Paano naman kaya kami ni Jea? Sabagay. We're to seventeen to rush. Ni hindi pa nga natin pare-parehong nalalaman kung makatotohanan ang pagkatao nilang dalawa e.

Sa buhay ng tao ay may bida at may kontrabida. Mayroong isang natatanging sitwasyong mapupunta talaga para sa kanila. Ang pagiging tunay na matatag nating lahat ang sa lahat ay pinakamahalaga.

Nariyan ka pa ba? Ang istoryahan natin ay halos matatapos na. Malapit nang magsimulang matapos ang pagtatapos!

Bakit kaya kilala ni 'Marnelita' ang kontrabida sa aming istorya? Mabuti na lamang at hindi na kailan pa man maaaring mapugot balang araw ang aking hininga. Teka muna pala! Magtatago na ulit ako sa aking pambihirang talinhaga.

Ano nga kaya ang dahilan ng pagpupulong nila kahapon?

TPSL PRESENTS: CRUSH [COMPLETED!] (ELNELLA FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon