Kabanata 3 - PANGULONG MARNELITA: BAHO VS. YASSI (FRIEnemy?)

196 26 28
                                    

Hayyy!!! Pagod na pagod ang inyong Kuya Elmo ngayong araw. Landscaper kasi ako. Kailangan ng summer job e. Tamang-tama ngayong April. Kapag First Year Civil Engineering student na ako ay matapos na sana ang wild dream episodes kong katulad nito.

Natural, binata! Kailangang lumayo sa pagkabata. Nandito lang ako sa looh ng dormitoryong aking tinutuluyan. Dito ko na rin naisipang umupa sa kalapit na gusali ng aming kumpanya upang ang bawat hinahabol kong oras ay makaaiwas sa sobrang aberya.

"Joson, Gabriel, Nixon, Manzano, HELP! Baka mapag-initan ako ni Pangulong Marnelita! Lagot." ani Xavier sa isang yellow note na napakatagal ko pa bago i-surrender sa kinauukulan. Feeling ko kasi ay konektado ito sa akin. I wish to find out things about this, sooner or later. Nakikilala ko kasi 'yung mga taong binabanggit niya.

"Walang diary ngayong throwback na ito? Hindi pwede!"

Hindi talaga maaari ito. Kinakailangang makuha ko, kahit 'yung address man lamang sana nilang dalawa. Para malaman ko kung saan ihahatid ang mga mahahalaga nilang papeles.

"Marnelita, Juanita, Hilaria, Pancita (este Panchita... Tignan ko lang kung makantiyawan pa nila ako kapag naglatag na ng mga lectures ang pitong gurong magpapatakbo sa aming silid-aralan."

Hanapin ko kaya ang isa sa kanila? Nakakapagpabagabag pa rin kasi sa aking isipan kung ano ang nais ipahiwatig ng lahat ng ito e. Tinalo pa nila ang The Three Goons yata sa katarayan a.

"Crush ko na kaya si Marnelita? Hala! May nasabi ba akong gano'n? May nasabi ba akong kahapon? May nasabi ba akong gano'n kahapon? Oh men! Wala yata. Wala nga ba?" panghuling linya ni Xavier. Sa tingin ko. Nang mga pagkakataong ito ay sobra na siyang nagugulumihanan. Ngunit naging supervisor pa silang dalawa e. Saan kaya dumating ang pagkakataong pareho na silang nahugutan ng hininga? At paano naman kaya nangyari ang bagay na 'yon?

Palibhasa'y gabi ko binabasa ang lahat ng ito. Kung kaya't lubos akong kinikilabutan at nalilito. Abril pa lang naman. Desidido na ako! Bago sumapit ang Agosto ay isusuko ko na sa tunay na mga nagmamay-ari nito ang diary na aking napulot mula sa palibot ng aming bakuran.

Ang diary entry nito ay muli na namang nasundan ng isang malalim at matalinhagang tagpo.

---
Dear Diary,
Uwian na ngayong hapon, at ngayon lamang kita nasulatan. Maghapon kang itinago ni Bb. Marnelita sa akin. Bakit nga ba ako napasok dito? Ako pa nga kaya si Ginoong Vice President.

It was Sir Cod who initiated the maghapong klase, our class adviser.

Cool! Fun! Great! Hanggang dumating na nga ang oras ng panghapong uwian. Crush kaya ako ni Marnelita? Bakit kaya sa maghapon ay palaging ako ang target niya?

Suko na ko. Hindi ko na kayang ilihin ito. Magpabasa ka na kasi sa kan'ya!

Lumuluha ng dugo,
Xavier Habana (ngunit ang pasensiya'y ubos na!)
---

I will try to find that certain 'Sir Cod' tomorrow sa kalapit na paaralan ng aming lugar. Baka nasa kan'ya na nga ang kasagutan. Baka sakaling hawak nga niya ang pambihirang kalutusan.

"Alam niyo? Nabasa ko yaong diary ni Marnelita.. At may isang napakahabang sanaysay siya para sa akin? Ano amg mensahe no'n? Na sinusubok lamang pala niya ako... Hayyy!!!! Kahabamg pagsubok. O baka naman feeling ko lang talaga na para sa akin 'yon? Whatever!"

Pagsubok? At nasaan nga kaya 'yung sinasabi niyang 'isang napakahabang sanaysay'? Sa aking palagay ay ang walong guro lang nila sa kolehiyo ang makakasagot ng lahat ng ito. At 'yon ay...kung nakapagkolehiyo nga talaga sila.

TPSL PRESENTS: CRUSH [COMPLETED!] (ELNELLA FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon