Kabanata 20 - Room 117-Y - The Profs (Talinhaga, Talinhaga)

53 13 3
                                    

Ilang beses mang may mabunot na ngipin ay tila sa isang nakakagimbal at nakakagimbal na talinhaga mauuwi ang lahat. Magtago man ako sa sarili kong lungga ay siguradong sa sariling pader, ako pa ri'y mababangga at mababangga.

—-
Dear Diary,

Sa katagalan ba naman ng pagsulat ko sa iyo ay hindi ko pa rin nalalaman kung kilala nila ako. Ayon sa talinhaga ay nararapat kaming magkatagpo. Doon sa isang daang sama-sama kaming maglalakbay nang papalayo papunta sa kabayahang sama-sama naming noon ay itinayo.

Tara na nga ulit dito. Hapon naman na! Magkape na ulit tayo. Magkasabay nating sulitin at sama-samang dam'hin ang katahimikan ng ibayo. Kung saan maaaring mapayapang lumipad sa kalawakan ang mga ibon ng mga pangarap sa kalupaan. Kung saan naman sila maaaring maglakbay hanggang sa hangganan ng kalangitan.

Mabilis ang panahon. Ngunit mabagal ang pagkakataon. Kung saang bagay ka pa nakatuon ay doon naman ang sugat ay lalong makukulong sa isang napakalalim na balon. Ngunit bakit nga kaya nagkakaganito at nagkakagano'n?

Kung gusto niyo naman nila diary, ipagtimpla ko pa ng kape ang Senyorito Elmo nila. Tatapangan ko pa ang timpla. Para magkaalaman na. Tignan lang natin kung sino talaga ang mas totoo sa aming dalawa. Maaari naman 'yong mangyari, hindi ba? Kung hindi pa rin. Katulad na rin ng sinabi ko, kahapon, ngayon, kung hindi man kanina. Ay! Ewan ko na nga siguro talaga.

Alam mo bang madaling-araw pa lamang ay gising na ako? (Siyempre hindi mo alam. At kung sakaling malaman mo man ay hindi ko rin naman malalaman. Tao ka. Diary ako. Maaari tayong mag-iwasan magpakailan pa man (at mangyayari 'yon kung gusto nating dalawa lamang naman. Akin laang na nililiwanag ang bagay na ito.) Nanaginip kasi akong ang araw daw ngayon ay Sabado. Kung nagkataon ay siguradong mahuhuli na naman ako sa klase. (Alam ko namang hindi mo rin magagawang sabihin sa akin na naiintindihan mo ako. Pero nais kong malaman mong napapagaan mo ang pakiramdam ko. Sa tuwing sinusulatan kita. Mas magandang araw ang aking nakikita.

Pasensya ka na kung sa araw na ito, ikaw na naman ang inaaway ko. Minsan tuloy piling ko ay isa akong taong namumuhay sa totoong mundo. Kunsabagay. Minsan din namang naging totoo ang kataga kong ito.

Napakabilis nga naman talaga ng araw. Malapit na namang sumibol ang natatanging panahon ng tag-araw. Examination Friday na. It's so very nakakakaba. Nahihilo na kaagad ako yata. Irorotate kami ngayong araw. Chill lang dito sa Room 117-Y. Maghapon ang exam. More on actual naman at puro kami mga Civil Engineer. Kung minsan kasi ay may humahalong ibang type ng engineering field sa area. Kung kaya nga't kung sinusuwerte nga naman ay maghapon talaga kaming nakayuko (sapagkat wala kaming kakilala). It means walang Jea VS. Mo lovely feud sa aming paaralan maghapon. (No no no! Wala kaming iba pang love team na pinatutungkulan, bukod sa aming dalawa.) 7 to 5 ang eksaminasyon namin.

Sa home court naman sana kami magsulit sa isang linggo. At sana hindi na si G. Alapag ang guard namin. Sinasabi ko sa sarili ko. Mape-face the wall ako mamayang hapon. Maraming simple conduct na kapag hindi mo kabisado ay biglaan kang mababalaho. Magugulat ka na nga lang talaga nang lubusan kung minsan. Kung sino pa ang palagi mong sinusulyapan ay siya rin pala ang nakatalaga mong mapusuan. Ang lahat ay hindi na lamang pala sa kantiyawan magkakahulugan.

Heto na nga ba ang sinasabi ko! Ewan ko na lang kung ang lahat ng mga ito ay garantisadong makakabisa rin ninyo. Napakaraming rules and regulations na nakalagay sa Examination Proper Conduct and Right Dicipline. At ang isa pa ay may codename kami ngayong araw. Maaari naman naming sabihin ang aming pangalan. Pero para saan pa nga ba? Limitado lang naman ang aming oras para makapag-usap usap. At isa pa ay may tamang paaraan lanang na itinakda para magawa 'yon.

TPSL PRESENTS: CRUSH [COMPLETED!] (ELNELLA FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon