—-
Dear Diary,Malapit na nila akong makilala. Malapit nang tuluyang sumibol ang talinhagang sa masipol na pagtahol ay nalalapit na rin naman sa pagkagahol. Hindi ko na sila pipigilan. Ang nagwawala kong anino, sa pag-aaklas ay hinding-hindi ko na maaaring tutulan. Lubos na akong nangangatog at giniginaw sa araw. Lubos na akong napapaso at laging naiinitan sa nagbabagang ulan.
Mundo ko man ay naglalayag nang kabaligtaran. Kilala ko pa rin naman ang bangka kong nilalakaran. Sa paaralan ay laruan. Sa tahanan ay pamantan.
For the first time in reversive history (nga ba?) ay mukhang si Meow naman ang mapipikon nang dahil sa ginagawa kong walang habas na pamimwisit. Tila lahat ng nagbabagang tubig sa pinakaiingatan niyang golden gripo ay biglaan na lamang na aksidenteng nagsipagpuslitan. Ito ang mga tagpong may kahalong kakulitan. Ako na ang tinatamaan sa ipinakalap kong kawikaan. Sa akin na tumatalab ang aking pinag-alab na katuruan.
Hayyyy.... Huwebes na kay sarap mang-asar. Siya kasi e! Two days niya anong hindi tinantanan. Chilling with my malalapit na professors. Pilit nilang itinatanong kung may chance ba si Elmo kung liligawan niya ako. E ang kaso nga... Hindi naman niya ako nililigawan. TORPE! (Mabuti pa yung itinadhanang makabasa ng diary na ito. Sigurado akong may nanliligaw na sa kan'ya. Alam na alam ko kung paano itatakda ang bawat kabanata. Mas may chance pa nga siguro 'yung Saturday class namin e. Ano ang gusto niya? Ako ang manligaw sa kan'ya? Baka sa panaginip, maaari pa! Matapos niyang ubusin 'yung mga napakarami kong tissue? Hindi na lang! Nag-aastang suplado si bata ko. Hindi naman siguradong bagay sa kan'ya ito!)
Ay! Wait lang. Maaari nga pala niyo akong ligawan. Ngunit dapat ay maging maingat siya sa bawat matatamis na katagang bibitawan. Dalagang Filipana naman kasi yata ito! Napakaswerte na niya kaya sakin hano. Pusong-mamon kasi talaga ang espesyal na dilag na tulad ko. Pabago-bago nga lang talaga ang isip kong palagi na lamang na nalilito.
Ayos hindi ba? Wala nang makakatalbog sa bonggang linyahan ng pinakamamahal niyong spoiled hija. Biro lang. Hahaha!!! Baka mabasa pa ito ni Ma'am Inda at Ma'am Virginia. (Gusto ninyo bang malaman pa kung bakit kilala ko na naman silang dalawa?) Ipinakilala sila sa akin ng isang patuloy pang nagpapatuloy na talinhaga.
Ewan! Makapagmake-up at lip stick na nga lang muna. Light lang naman. Para lang hindi mahalata sa mukha ko 'yung masyadong pang-aasar na ginagawa ni Elmo (kahit wala naman. Ewan ko lang kung sino o ano ang wala). He is blowing my mind away. Halos nakaubos ako ng isang bag ng tissue. Imagine!? Kaninang madaling araw ay tumodo ng sakit 'yung ngipin ko. Pambihirang wisdom tooth naman talaga 'to, oo! Nakagawa kong makapag-agahan kanina nang hindi ko alam kung paano.
"Bahala ka sa buhay mo! May mga pambihirang punto sa mundong itong ang sungit-singit mo. Ewan ko lang kung lubusan mo nang nasumpungang ikaw lamang ang pinakasisinta at pinakamamahal ko," wika niya na halatang-halata namang may halong pagkainis.
Ako? Bahala sa buhay ko? Ikaw naman Senyorito. Hindi ka na mabiro!
Hayyy!!! Makapagpaalalay nga sa kan'ya. Medyo hindi ko kayang ilakad 'yung ngipin ko. Mula 117 ay sa Room 1 kami lilipat for Basic To Proffesional Engineering Traits na subject. Maraming books ang kinakailangan kong dalhin. Baka kapag namilisopo siya ay matarayan ko pa siya nang matarayan. Pero... A basta, ewan!
"Mo... Wait. Hintayin mo ako! Huwag ka munang lumakad papalayo. My books. I can't handle them." kaswal kong wika sa kan'ya. Like... Jea. Ikaw nga ba talaga 'yan? Ayoko na, tadhana. Ako talaga'y naiiyak na! Ano ko. Pakipot? Hindi ko matanggap! Para ako pa ngayon ang humahabol sa kan'ya. E siya nga itong halos manligaw sa akin dati. Kumbaga nga sa sasakyan. Ako 'yung van, siya 'yung driver. Ngunit tila ako ang nagmamaneho sa kan'ya ngayon.
BINABASA MO ANG
TPSL PRESENTS: CRUSH [COMPLETED!] (ELNELLA FANFIC)
Teen FictionTPSL - Kahit kailan ay asahan mo...Yayakapin at mamahalin-ang salitang pagbabago