Reading his diary while finding that Xavier Habana lang ang peg naming dalawa. Sabi ko naman kay Sir Monz na kapag inabutan pa kami ng pananghalian sa lugar na ito ay siya na ang taya. Gano'n ako kalakas sa kanya!
Makita pa kaya namin ang mga taong nagmumulto sa aming dalawa? Makarating pa kaya sa amin nang matagumpay ang buhay na mensaheng sinusubukan nilang iparating?
—-
First day of three day selection process...Hayyy!!! Binata't dalaga problems! Hindi ko na magawang mag-throwback thinking about that girl the whole night. Asistant supervisor nga kaya ang napirmahang kontrata ni Ms. Conyo? Nahuhulog na nga kaya akong tunay?I remembered tuloy that one time. Pagkatapos ng isang linggong hindi kami puwedeng mag-usap ay muntikan na niya akong mahalikan. Mabuti na lamang at inosenteng-inosente noon ang mga tao sa aming likuran.
O M G! Assuming ka na naman ba, Xavier? Anyway Supervisor duties. May dumating na bagong cooler sa SM Pantabangan. Aanhin ko pa ito? Nanlalamig na nga bot iring puso ko! Dyuuu! Iba ang nararamdaman kong kilabot sa katawan. Parang nagmumultong tunay ang sarili ko sa aking ginagalawang kamunduhan.
No strangers will happen or come naman siguro today. As normal day... Sa office ko na naman nag-agahan 'yung lima kong best employees! Akala nila susunduin ko sila sa rest house? No way! Parang small brothers and sisters ko na rin ang limang ito. Maituro ko nawa sa kanila lahat ng mga bagay na nararapat naming pagtulung-tulungan tungo sa kahusayan sa trabahong ito.
Diary? Nasulatan ko na siya kanina pang madaling-araw. Naaalala ko tuloy yung 5 VS. no 5 sa school noon. Sana naman kung matanggap si Binibini ay huwag masama ang mga yaon. Anta? Ako pa rin ang nais nilang asarin!?
My asistant ng Supervisor nga pala is Mr. Randomness. Siya ang Chief-of-asistants ng Zagoo-Pantabangan. Ano ang kinalaman niya sa buong story namin ni Marnelita? Pinagselosan ko 'yan noong Day Five namin noon. Isasalaysay ko sa susunod na kabanata kung bakit.
Heto nga pala ang naging takbo ng pag-uusap namin kahapon:
Dear Diary,
Success. Naamin ko na sa wakas ang kagustuhan kong ligawan ang aking childhood sweet heart na si Marnelita. Too far yet too near. Baligtad hano? Napakalayo ngunit napakalapit.Although nagseselos ako sa bagong kadikit niya. Di ko siya masisisi kasi napakatagal ko rin namang naging missing in action. Realizations of my dreams. Iyan ang ipinamukha mo sa akin ngayong araw.
Nararamdaman kong malapit ko nang harapin si 'random fear'! Nililigawan niya kaya si Marnelita? Hayyyy!!! Very unsafe to assume. Baka makalimutan ko pang ako ang Supervisor ng zagoo sa Pantabangan. And mamaya nga pala ay bibisita ang aming regional supervisor.
Anyway working hours na. For this day ay second out of three na ng paghihintay ni Marnelita. Dito nga pala ay ako si Mr. Healthier aka Xavier. Boss ako ni Randomness. Lahat ng pumapasok sa zagoo ay binibigyan ng code name o password. May seminars din na required naming daluhan. Taon taon ay twelve seminars ang nakalatag. Main seminars pa lamang ang mga yaon.
O siya Diary, May mga new products pang nakaimbentaryo ang aking susuriin. Babay!
Gumagalang sa sarili ko,
Supervisor Mr. Healthier XavierDalawang kabanata na lang at magbabago talaga ang lahat. Kung hindi man matanggap si Marnelita ay hindi naman siguro iba ang iisipin niya...
HALA! Naiwanan na naman ulit niya ang kaniyang mahiwagang diary. Itago ko kaya muna? A basta. Magwawala-walaan ako. Hanggang ngayon talaga napakasentimental pa rin ng konyong dalaga.
Alas nwebe na naman and it's almost break time, pero wala pa rin akong love life...
O siya. Ganito talaga ang buhay! Mamayang hapon ay may dalawang bakanteng opisina pa akong ihahanda...
Lovelife—Bakit ba sa lahat ng salita, ikaw rin ay nilikha? Haaayyyy!!!
—-Sa wakas! Nahanap na rin namin hindi si Xavier at Marnelita. Kundi si Mr. Randomness. Bakit nga kaya siya nagpaparamdam nang lubusan sa buhay ng best friend kong si Jea na nakilala ko simula pagkabata pa lamang? (Lingid sa nasabi ko na sa istoryang ito. Nagka-memory gap nga lamang yata ako.) Mortal enemy ko 'yang si Randomness. Napakaseloso niyan sa akin (pagdating kay Jea) kahit na ang totoo ay wala naman talaga siyang karapatan.
——————-
"Dati akong asistant supervisor sa mall na ito. At ako na ngayon ang Supervisor." panimulang pagsasalaysay ni Mr. Randomness.
"Kung maaari sana ay sa iyo ko na lamang ipagkakatiwala ang mga napulot kong kagamitan nila. Ang hindi ko nga lang alam ay kung bakit napadpad sa aming paaralan ang kanilang mga kagamitan." nagtataka kong wika sa kan'ya.
Ngayong araw ay maaari ko nang simulan ang hakbang para maligawan ko na ang First Year College student na si Jea. Napakaswerte ko pa sapagkat kaklase ko rin siya. Katulad nga ng nasabi ko dati ay dalawampu't isa lamang kami sa pang-tagapayong klase.
Jea is another type of most common type. Medyo mababa ang luha ng hinahangaan kong ito kung kaya't mas madalas na siya ang nagbibiro sa akin, kaysa siya ang binibiro ko. Just like Xavier to Marnelita ay gustong-gusto ko ring nakikitang nakapusod si Jea.
"Elmo! Nakagawa ka na ba ng assignment? Ano ang ginagawa niyo nila Sir sa lugar na ito ha? Akala ko ba doon tayo gagawa ng assignment sa bahay?" Hala! Dito nga pala sa Rizal bibili ito ng mga kagamitan para aming mala-proyektong gawaing-bahay.
"Tara mananghalian, Jea. Saluhan mo na kami nila Sir. Bibilhan natin ng mga maitatanim na bulaklak si Ma'am Inda sa kan'yang garden, para makabawi." pambati kong wika sa kan'ya. Nagtaingang-kawali na muna ako sa katanungang natinig. Sapagkat napakasarap naman talaga ng menu na inorder ng nanlibreng si Sir Monz.
"Salamat! Masaluhan ko na nga kayo. I need to retouch pa pagkakain. Sobrang haggard na ako." Kahit kailan talaga ay napaka-self concious nitong si Jea. Hindi na ako marahil magtataka kung bakit ang ispiritwal niyang kagandahan ang maagang nakapagpabihag sa kalooban ng aking mga mata.
"Tamang-tama. Kahit masakit ang wisdom tooth mo ay makakakin ka pa rin. Sigurado akong hindi mo mapahihimdian ang ipinahandang ulam ni Elmo para sa 'yo." pangangantiyaw na wika ni Sir Monz bago kami mananghalian. He will be the one assigned to lead the prayer for this moment.
What a long tiring half day it has been! Buti na lang at medyo nakakakilig pa rin naman. Kalahating nakakakilig at kalahating nakakatunaw.
BINABASA MO ANG
TPSL PRESENTS: CRUSH [COMPLETED!] (ELNELLA FANFIC)
Teen FictionTPSL - Kahit kailan ay asahan mo...Yayakapin at mamahalin-ang salitang pagbabago