Kabanata 15 - Ang mala-anghel na pagmumulto ni Janella

51 16 6
                                    

—-
Dear Diary Readers,

Hayyy!!!! Me, Marnelita is not your typical Senyorita nga naman talaga. I would visit my doctor today. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Not a typhical first year college student hano? Buti na lang at ngayong August pa ang pasukan. Nakapagpakonsulta at nakapagpagaling pa ako sa aking traumang naranasan. Ang trauma ng lubusang pagkakahulog ko sa minamahal kong tao.

My three nice friends Maxine, Pia and Janella—I'm so very lucky, kasi sa halos isang taong gamutan ay matiaga nila akong sinamahan. At sa kondisyon kong severe depression ay silang lahat ang nagpamulat sa aking hindi totoo si Marnelito. Ang taong tinatawag ko ring Senyorito. Oo! Tama ako. Tama nga ang nabasa ninyo. Peke siya. Kailan pa ma'y hinding-hindi magiging totoo. Ang istorya niya ang isa sa mga naging sandalan ko sa mahabang panahong nagkakaganito ako.

Kabataan problems nga naman. Naiisip na 'yung hindi pa lang. Katindi rin ng naging parusa ko sa sarili ko hano? I'm 18 years old now at 10 years old nang nadiskubre nila ang aking karamdaman. Halos kumawala na siya sa aking isipan noong ako ay tumungtong na sa aking ika-labingpitong taong gulang. Kung kaya't napagkasunduan ng aking mga magulang na ipatingin na muna ako sa mga magagaling at de-kalidad na espesyalista. Pitong taon din kasing nakapagpahirap sa aking sistema ang karamdaman kong 'yon.

Maxine is my alter-ego. Kung maghihinto ako sa pag-aaral ay mas nanaisin niyang damayan ako. Isa siya sa pinakamadalas na mag-cutting class nang dahil sa akin. Palagi akong nagbibilin sa kan'ya na ipagdala ako ng mga pabango. Ang isa sa mga outlet ng pagiging malungkutin ko. Ngunit siya naman din ang dahilan ng pagiging masigasig ko sa pag-aaral sa gitna ng lahat ng ito.

Si Pia ang madalas na nagpapaalala sa akin ng totoong mundo sa tuwing sasagi sa isipan ko si Marnelito. Sa sobrang supportive niya ay madalas pa nga niya kung igawa noon ng dummy diary ito. Spoiler sa akin ang kaibigan kong ito. Hindi ko nga lang alam at hindi ko pa nalalaman hanggang ngayon kung siya rin ay lumikha ng diary nito na ang bersyon ay sa pagkabinata naman nakatuon.

Janella is my friend at gustong-gusto ko talagang maging maligayang katulad niya. Magkakaedad lamang kami ngunit nauna pa sila sa aking magkaroon ng love life. Mabuti pa sila!

Ang tatlong ito ang kapananabikan kong makita sa unang araw ng klase. Masayang-masaya akong nalutas na rin sa wakas ang aking problema. Sa lahat ng imahinasyon ko ay naniniwala akong totoo na talaga silang tao.

Ngayong umaga raw ay sabay-sabay kaming papasok sa paaralan. Basta raw bilisan ko lamang na maligo. Sa sobramg tagal kong umiiyak sa banyo ay tila nagsama-sama na sa loob ng aking tiyan ang sobrang pananabik at iba pang ekspektasyon na aking nararamdaman. Maging ang sumusulat tuloy ng aking istorya ay tinamaan na sa aking karamdaman.

Pagkabihis ko ay...SURPRISE. Kanina pa pala sila sa labas. Nakakahiya! Mag-aayos pa ako ng sarili ko e. My gosh! Halos paubos na ang aking mga make-up at lipstick. Mamili na sana ulit kami mamaya pag-uwi ko. Alas tres naman matatapos ang pinakahuli naming asignatura. At isa pa ay bawal akong gumawa ng mga mabibigat na physical words ngayon. I'm so tinatamad!

Hayyy!!! Sino kaya ang maghahatid sa akin papauwi? Kailan ko naman kaya makikilala ang G, Xavier Habana ng aking buhay? Ganito na naman kaya? Ipagmamaneho ko na naman kayang muli ang aking sarili?

Alam niyo ba kung bakit Marnelita ang pangalan ko? I will kwento mamaya. But before all of that. Matutulog na muna ako. Mabuti pa 'yung idolo kong sina Janella at Elmo, nagkasama na ulit sa isang pantelevisyong palabas kanina. Hayyyy! Buti pa sila. Alam kong hanggang sa telebisyon ko lamang sila makikita. Sino ba nga naman ang isang tulad ko upang makakita ng isang artista sa personal?At grabe si Kuya Boy. Nahalikan niya si artistang Ate Girl sa cheeks at sa noo. Isang artistang maginoo! Para sa kanya ay parte lamang ang lahat ng trabahong kanilang ginagampanan nang maayos at matapat.

TPSL PRESENTS: CRUSH [COMPLETED!] (ELNELLA FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon