KABANATA 21 - Nahulaan Mo Ba? - Talata: Tala sa Kalangitan

62 12 2
                                    

<<EPILOGO II>>

<<FORMERLY Marnelita Morta POV>>

Dear Diary,

Sa wakas at nasulatan na ulit kita. Medyo sumobra lang kasi nang kaunti ang pagkaabala ko kanina.

Kumusta ka? Huling awit at sayaw na nating dalawa. A alam ko na! Siguro'y mas mabuti pa nga yatang mas pag-igihan ko na talaga. O ano? Medyo mabilis ba o lalong bumabagal pa? Hindi ka na ba halos makahinga? Handa na ba ang bulwagan para sa ating huling sayaw? Ang bawat ulang pumapatak sa mundo at bawat nakaaapekto ritong elemento ay handa mo na bang ihiyaw? Marami kang nakikitang baka at kalabaw. Malapit nang ang malabo sa wakas ay maging malinaw.

At sa kahuli-huli ngang huling ginintuang tinansong pinalakang pahina ng aking diary. Lubos silang magugulat, aking panulat. Doon pa lamang nila ako lubusang makikilala. Ang mga bakas na dati ko nang ipinamalas ay doon na nila ulit maaalala. At sa wakas! Sa pagkakataong 'yon ay mas titingkad pa ang bawat linya sa matayog na talata.

Kung ano pa man ang kumikinang na bagay na sasabihin ko noong una. Gano'n na nga rin naman ulit ang uulitin ko sa ikalawa. Bawat kuwento ay may katapusan. Kung paano mo siya sinimulan ay ganoon mo rin siya tatapusin. Kung hindi mo man alam ang gagawin. Ang pinakahuling gawi mo ay huwag na huwag mo na lamang sanang susundin o muli pang uulitin. Kailan mo tatapusin? Sa panahong hindi natin pare-pareho namamalayan. Kapag dumating na ang magpakailanman. Kung masasagot na ang tanong ng pag-iibigan naming dalawa ay hindi pa natin malalaman pa." Paano nga kaya tatapusin ang isang istoryang hindi pa rin nalalaman ng lahat kung sa paanong paraan ito nagsimula?

Sa talinhaga natin aanihin ang bawat munting butil na sa talinhaga rin naman natin walang sawang ipinunla. Bawat pundasyong ating makuha ay sasakay sa pag-andar ng bawat posteng ating ibinigay. Hinubog natin sila upang matagumpay na mailawan ang mundong kandila. At upang pag-isahin nang walang humpay ang nangangarap na bandila ng laging pagtatagumpay.

—-
Dear Diary,

Naunawaan ko na nga siguro talaga. Ngayon ay mas naiintindihan ko na ang sarili kong talinhaga. Medyo magmamadaling araw na. Ngunit gano'n pa man. Mas mananaig naman yata talaga ang kagustuhan kong muling masulatan pa.

Ang diary entry kong ito ay ikalawang akda ko na. Hindi nga talaga sa pagtatapos nagtatapos lahat ng pagtatapos. Ito ang sariling kasabihang balang araw ay aking muling isasaayos. Kung mararapating sa araw na 'yon, tinta ko pa ay hindi nauubos. Hindi ako ang magpapasimula ng kasabahing ito, kun'di ang isa sa dalawang taong itinadhanang makabasa nito. Siguro naman sa pagkakaong ito. Ang ibang karakter sa dalawang nabuong istory ay hindi na nalilito.

E kayo naman. Hindi ba kayo nahihilo? Ang matalinhagang istoryang ito ay nakapagdagdag pa sa sustansya ng inyong mga kaalaman. At habambuhay ninyo itong ipagmalaki, kanino pa man at saan pa man. Kung itanong ko ba ulit kung hindi ba kayo nahihilo. Ang talinhaga ko ba sa bandang huli, sa wakas ay mauunawaan na ninyo.

At medyo naisip ko nga lang pala. At uulitin ko. Sandali. Teka nga lang pala muna. Totoo nga kaya ang isa sa mga teksto sa dati kong diary na akala ko ay nawawala? Ako ang manliligaw kay Elmo kapag tama na ang panahon. (Ayon sa panaginip ko. Na naisalaysay ko rin sa pambihirang pagbabahaging ito.₱ Suguro ay isa hanggang dalawang taon pa bago tuluyang lumiwanag ang mga naglalarong tala sa kalangitan. Ngunit kung mas mauna man siya sa pagkakataong ito ay siguradong lubusang matutuwa ang lihim kong pinakamamahal na Senyorito.

Kung sasagutin niya ako ay hindi ko pa matantiya. Kung totoo man ang mga panliligaw na nagaganap ay alam ko namang bahagi lamang ito ng aming mga magagandang pangarap. Sa ngayon. Ang aking mga mata ay mananatili muna sigurong nakasulyap sa naglalamigang ulap.

TPSL PRESENTS: CRUSH [COMPLETED!] (ELNELLA FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon