Kabanata 7 - ISANG NAPAKAHABANG PANAGINIP: NANANAGINIP ULIT (GISING NA!)

166 24 16
                                    

—-
Dear Diary,

Parang ayoko munang bumangon sa aking kinahihigaan. Medyo namimigat ang aking pakiramdam. Tatrangkasuhin pa yata ako ngayong araw. Hayyy!!! Result time na. This is too much pressure on me! Besides. Hindi ako dapat na maging bias kay Marnelita. Pantay-pantay lamang kasi kaming lahat sa kumpanyang ito. Kaya dapat lamang sana akong mag let go sa pressure na ito. Ngunit dahil mahal ko siya. Lahat ng ito ay aking magagawa. Lahat ng mga pagsubok o suliranin ay makakaya.

Busy day ahead. Head of selection process reportinng! Buhay mataas ang posisyon nga naman. Samantalang 'yung mga small ko ngayon ay malamang sabay-sabay pang nag-aagahan. At dalawa ang choices nila. Kung ayaw nilang dumalo sa meeting ngayon ay may isa pang meeting na inilaan para sa kanilang lahat. Kunsabagay! Ako laang rin naman ang gumawa no'n. Bakit nga kaya nagkagano'n? Mukhang masyado ko pa tuloy silang napagbigyan sa puntong 'yon.

Nagtungo ako sa meeting hall ng Zagoo main with the papers that I'd reviewed kagabi. I-oopisina pala nila ako ngayong araw. So 'yung mga happenings sa Zagoo-Pantabangan ay hindi ko na makokontrol. (Bahala na sila muna.) Ano na naman kaya ang ipagagawa nila sa akin dito sa Pampanga? (At tila tuluyan na akong mapapako sa lugar na ito.) Huwag naman sana nila akong ilagay nang permanente rito Medyo mahirap din kasing mag-adjust. Lalo na't sa posisyon kong ito ay patuloy kong hinahanap kung gaano ako kasimpleng tao. Paano pa kaya kung itaas pa ng itaas ang posisyon ko? Kunsabagay. Kaya ko namang tanggihan ang appointment kung hindi ko ito makakayang gampanan.

Along the way I met several new faces going into the office. It makes me nervous nang napakalakas magmula pa nang ako ay maging isang Regional Supervisor. At malapit na yata nila akong i-apoint sa National Supervisor. Naku! Nakakakakaba. Nararamdaman ko na. 'National' na ang tawag sa akin ng mga nakakasalubong ko. Teka nga muna. Nasaan nga ba ang tinatawag nilang National? Siguradong-sigurado akong siya'y naririto rin lamang. Kakilala ko naman kaya siya? Bakit kaya siya ay papalitan na mula sa kan'yang pangkasalukuyang katungkulan?

At three pm (the supposed time of meryendahan). Me as the regional supervisor was called by that meeting's leader to share the result ng mga bagong taong makakasama naman dito, kung sila ay papasa sa ebalwasyon. Sa sampong aplikante ay may dalawa lang silang ipinasa. Over-all votes ang nanaig. Gano'n na lamang kabusisi hindi ba? At ang si Randomness malamang ang pagkakatiwalaan sa resultang 'yon. Magugulat na lamang kami bukas kung sino-sino sila. Kapag paulit-ulit nang lumalabas sa utak mo ang pangalan ng isang tao ay tila baga napakahirap na talaga niyang iwasan o balewalain pa.

Hayyyy bahay! Tulugan na. Alas nwebe na. Alam kong ginawa ko na ang pinaka the best kong effort for this day. Bahala na sila. Nakalalasing ang sobrang trabaho. Napakasakit ng aking pangangatawan. Saan kaya talaga ang aking patutunguhan? Ang utak ko ngayong gabi ay punong-puno na ng labis na kalituhan. Mabuti na lamang at nakauwi pa ako nang gising sa aming tahanan.

Check up ko bukas at dadal'han nila ako ng mga manggagamot sa opisina bukas. Sana naman ay huwag akong maipalipat sa opisinang kinalagyan ko ngayong araw. Naaalala pa kaya ako ni Diary? Hayyyy!!! Kahit antok na antok na ako ay nananatiling susulatan ko pa rin siya. Gan'yan ko kaya ka-love 'yan! Kaya nga lang mas love ko pala talaga si Marnelita. Medyo nasisingitan nga lang ako ng pinagseselosan ko sa kan'ya.

Hayyy!!! Matatakutin pa rin kaya ako sa karayom hanggang ngayon? Ang alam ko lamang ay mahihiluhin ako sa sitwasyong hinulugang karayom. Karayom karayom—Puro na lamang karayom.

Medyo nagpatugtog na lang muna ako sa kuwarto upang 'di ako gaanong antukin. And it's Marnelita ang aking nililigawan calling. Isasama ko siya sa aming tahanan bukas. I will formally introduce her to the world that made me live again and again. Alam ng aking pinakamamahal na pamilya kung saan at kung gaano ako kahirap nagsimula.

So ayon na nga. May driver na susundo sa akin bukas from Pantabangan to Pampanga. Bukas ko laang din mababalitaan kung ano ang magiging kalagayan ni Marnelita. At kung saan siya mag-oopisina. Hayyy!!! Kapag laging ganito kabilis araw-araw ang takbo ng pangyayari ay para bagang ayaw ko na. Aatakihin pa yata ako sa puso nang dahip sa kanila.

Itong driver kayang ito ang aking nagiging personal office driver? Sino kaya siya? Kilala ko kaya? Mukhang nasama na naman ang kutob ko a. Hayyy!!! Don't think negatively Señor Xavier. Mahal na mahal ka ng mga tao sa inyong opisina. Bakit kaya balot na balot ang kanyang katawan? At hindi lang 'yan. Masyado pang pa-misteryoso ang kan'yang datingan!

Kabanata, bahala ka na kung paano pang maitutuloy ulit kita. Hayyy antok much! Tutulugan ko na ang aking Senyorita Marnelita. Bahala nang kusang dumilat ang aking mga mata kapag kinapanayam niya ang aking pagbibirong pag-iimbita kanina.
—-

So kung ganoon naman pala ay wala talaga sila sa Zagoo Pantabangan. Baka naman nasa Zagoo Pampanga na sila ngayon, ang main branch ng Zagoo. So mga impostor ang nakita namin kahapon? Kung gano'n ay bakit naman kaya nila tinanggap ang diary? Ngayon pa na napakarami nang nakakaalam na kami ang pansamantalang nangangalaga nito!? Naku! Hindi maaaring mangyari ito.

At ano naman kaya yung tungkol sa check up na binabanggit sa diary? Sumagot naman sana sina Xavier at Marnelita kapag kinapanayam namin sila. Ngunit sa ngayon ay si Xavier pa lamang ang aming makakausap. Sino kayang driver ang sinasabi sa Diary ni Xavier? Batid kong napanaginipan ko na rin ang maskuladong barakong ito.

"Salamat para rito. Ayos lang naman talagang isipin ninyong kontrabida ako sa istorya ninyo. Sapagkat sa totoo lamang ay hindi ko naman talaga kayo masisisi sa puntong ito," nanggugulong wika ni Xavier. Nangako naman siyang sa susunod naming pagkikita-kita ay isasama na niya ang 'kasintahan' niyang si Marnelita.

"Ang mas mahalaga sa ngayon ay naisauli na namin sa iyo ang diary. Maaari na rin sa wakas kaming maging magkasintahan." kaswal kong wika sa kan'ya. Matapos no'n ay nagkahiwahiway na ulit ang aming landas.

Nakatakda kaming magkita-kita ulit sa susunod upang makausap na rin sa wakas si Marnelita. Ang nakakapagtaka nga lang ay parang isang napakalaking biro ang lahat. Matapos niyang umalis ay dalawang order lang naman ang pinababayaran ng karinderya. At tila namimigat ang aking ulo. Na imposible bagang makipagkomunkasyon ako nang gano'n kahaba.

Ang tadhana. Kung saan saan ka niya dadal'hin. Ang pagtakbo mong napakabagal ay kaya niyang gawing matulin. Hala! Bakit naman kaya sa ibang lugar nila ako dadalhin? Wala ba akong karapatang sa malayang mundo ay libreng mamuhay rin?

Totoo si Xavier. Totoo si Marnelita. Totoo ang paghanga ko sa aking sinisina! Hindi ko mahal si Marnelita. Ang tanging pinag-uukulan ko ng aking pagmamahal ay walang iba kung hindi si Janella. Sa pagdaan ng mahabang panahon ay patuloy kong patutunayang totoo silang lahat.

Makatulog na nga lang!

At nang magising ako mula sa pagkahaba-habang panaginip. Panenermon ni Sir ang una kong nahagip. Kanina pa raw niya ako tinatawag sa discussion, ngunit tila ako raw ay nananaginip. Kung kaya't napagtanto niyang lubusan na nga raw talaga siyang naiinip.

TPSL PRESENTS: CRUSH [COMPLETED!] (ELNELLA FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon