CHAPTER 9 ( Long time friend)

84 2 0
                                        

Lex pov:

Naglalakad ako sa building namin ngayon sa second floor ng building ng 3'rd year section D

Hindi pa ako nakakarating sa harap ng classroom namin rinig ko na ang ingay nila. Napailing nalang ako at nag patuloy sa pag lalakad.

Binuksan ko yung pinto at pumasok na, pansin kong natigil sila sa pag iingay nila kaya napatingin ako sa kanila pero nagsi iwasan lang sila ng tingin sakin. What's happening?

Nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad papuntang upuan ko samay bintana sa dulong bahagi ng classroom.

Pag upo ko agad kong nilabas yung headset ko at phone, at kinabit yung headset sa phone.

Sinalpak ko muna yung headset pero wala pa akong napipiling kanta nagi-scroll pa lang ako sa Spotify.

"U-umm... E-ehem.... A-ako nga pala ang supreme student government vice president ng school natin at nandito ako para i-anounce na walang pasok ng first at last subject natin ngayong linggo dahil busy lahat ng teachers at admin sa darating na prelim na mga taga ibang bansa na gaganapin sa school natin at yung ibang teacher naman ay titingnan daw kung may time pa daw sila para makapagturo" sabi nung vice president daw ng supreme student.

Actually kanina ko pa alam yan kaya d na nakakagulat. Pero ang mga kasama ko sa classroom ay parang mga asong nakawala sa kulungan dahil para silang mga baliw na nagwawala. Ang ingay nila.

Halos lahat sila ay nagkakatuwaan na dahil walang pasok maliban doon sa anim na prenteng naka upo. Yung dalawang babae na magkaibigan yung isa nagli-liptint yung isa naman nagce-cellphone yung apat naman sa likod ay tahimik lang na naka upo yung isa nagbabasa ng libro, yung isa naman nagpapaikot ng bola sa daliri, yung isa naman nilabas yung phone at may chinat saglit at binalik ulit yung phone sa bulsa nya. Napatingin naman ako sa isa nilang kasama na mukhang leader nila nagulat ako dahil naka tingin din pala sya sakin.

Nakita ko sa mata nya ang pagkagulat pero ilang segundo lang yun at nawala na at bumalik ang malalamig nyang titig. Problem neto?

Humarap nalang ako sa harapan at nakita ko si vp na natataranta na dahil sa biglang pagwawala ng mga baliw kong kaklase.

"A-ahh pakiusap tumigil kayo.... W-wag mong sirain yang upuan" taranta nyang sabi ng akmang ibabalibag na sana nung may white and blue highlights sa buhok yung upuan.

Pero ang mga kaklase ko ay d natinag at mas lalong nag ingay.

"Wooooaaaaahhhhh boii pinapatigil ka ni miss nerd ahahahah"

" Oiii boii tumigil ka na baka mamaya umiyak na yan"

" Ahahahahahahahahahah"

" Bakit miss vice president anong gagawin mo kung ibalibag ko tong upuan huh?!!"sabi nung may highlights ng white&blue sa tono ng panghahamon.

Nakita kong natigilan si vp at bahagyang napa atras habang nanginginig, grabe infernes bagay sila.

"Hoii pre grabe ka naman kay miss vice president baka mamaya isumbong tayo nyan kay pres" sabi nung kaklase kong may blonde yung dulo ng hair, lalo namang nag lakasan yung tawanan nila at yung iba naman ay naghihiyawan na

Masyado na maingay ayoko na dito.

Nilagay ko sa bulsa ko yung phone ko habang nakapasak parin yung headset sa tenga ko sinukbit ko na yung bag ko at tumayo.

Dahil sa nagkakagulo sila at maiingay hindi nila napansin na nakaalis na pala ako ng classroom. Naglalakad nako ng hallway dito sa labas ng room ng biglang malakas at mabilis na nagbukas yung pinto ng room namin kaya napalingon ako doon.

The Unknown YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon