Alexandria lian pov:"Code 0" cold na sabi ni boss sa kabilang linya.
"Copy" sagot naman namin at binaba na agad ni boss yung tawag.
Agad naman akong nagbihis at naghanda para umalis kahit 1:46 na ng madaling araw.
Well di naman ako nagrereklamo sa oras dahil sanay naman ako kahit apat na araw pang walang tulugan yan, ang kaso lang dito eh ung linggo ngayon at ibig sabihin may update ng one piece at inipon ko pa talaga ung mga episode na yun ng 3 linggo ibig sabihin 3 episode yun men tapos kung kelan umi-intro na syaka sila mangiistorbo? bayan!!!
I am now with my motor nasa garage ako ng bahay pa alis na para pumunta sa base hayyyssss!!!
Nakakainis tinatamad ako eh!!! Tsk!!!
Ano panga bang magagawa ko tsk.Sumakay nako ng motor ko, pinainit ko muna yung makina bago paandarin para mabilis, at nang ma-satisfied nako pinaharurot ko na yung motor ko kahit nasa garage pa lang ako binuksan ko naman na kanina ung gate at may pipindutin lang ako para magsara ulit ung gate kaya d nako mahihirapan.
Sobrang dilim na ng paligid tanging liwanag nalang ng buwan at streetlights ang nagbibigay ilaw sa madilim na lugar dito sa Los Angeles.
Nagpatuloy lang ako hanggang sa makarating ako sa isang abandonadong hospital na nabili at napanalunan namin sa isang auction.
Nagpark muna ako at iniwan muna dun ung motor ko at pumasok na sa loob ng lumang hospital na mukhang isang pitik nalang masisira na, syempre mukha lang pero mas matibay pa sa lola mo yan.
Pag pasok ko sa building naglakad lang ako papunta sa isang napaka laking library room dito sa abandonadong hospital, tapos lumapit ako sa isang malaking bookshelf kung saan nakalagay ung mga lumang libro.
Pinagpalit palit ko yung mga libro base sa number nila 4,7,2,5,10 ganyan ang pagkakaayos ng mga libro sa shelf.
Ilang segundo ang makalipas kusa nang gumalaw ung malakaing bookshelf pa kanan. Nangtuluyan nang magbukas yun ay may malaking at mukhang matibay na bakal na pinto ang lumitaw sa likod non may device na may mga number malamang para sa passcode yun d pa ba obvious magkapareho lang naman passcode dun sa libro at dito.
Pagtapos kong pindutin ung passcode nawala ung mga number don at may lumitaw na image ng kamay na nakalagay kaya dinikit ko don yung palad ng kamay ko at nag green naman kaya nagbukas na ung bakal na pinto dahan dahan at naglakad nako papasok.
Pag pasok ko sa loob andon na silang lahat with their usual poker face, for sure galit nanaman tong mga to dahil ang tagal ko
"Buti dumating ka pa?!"halatang inis na sabi ni boss sakin.
"Dadating kapa pala?!"sarkastikong sabi ni leigh, ang iksi talaga ng pasensya ng isang to kahit kelan.
"Oh kala ko nahanap mo na ung portal papuntang anime world"sabi naman ni elis, ngayon ko lang nalaman na uso palang maging sarcastic ngayon no?!.
Ngumis lang ako kay elis " oo nahanap ko na nga eh papasok na sana ako sa portal kaso naalala ko kayo baka mamiss nyo ko, ayiieee" sabi ko sabay hagikhik, baliw talga ako.
Nakita ko namang lalong nainis sila elis at leigh sakin si sam naman napailing lang at nagbuntong hininga nalang. Hihihi ang bait ko talga, ehem!!! pokus lex may meeting kaya, kaya nga pina tawag kayo eh.
"Tama na yan" sabi ni boss. Nagsi tigil naman sila sa kakatingin ng masama sakin at nag focus na lang.
Pumunta si boss sa meeting room kaya sumunod nalang kaming tatlo.
Sa loob ng meeting room may isang malaking lamesa sa gitna na mayroong maraming upuan, 15 chairs ang mga upuan dito, sa dulo ng lamesa may isang upuan don malamang para kay boss yan, pito na upuan namn yung nasa magkabilang gilid ng lamesa sa harapan naman ay may malaking white board.
Umupo na agad si boss, agad namn sumunod si elis at umupo na sa bandang kaliwa ni boss.
Si leigh naman inayos ung projector at loptop umupo nako sa bandang kanan ni boss. Pagtapos ni leigh umupo na sya sa tabi ko at binigay kay boss ung loptop.
"Boss anong meron bat mo kami pinatawag?" Walang hiya kong sabi.
Napailing nalang sila sakin.Bakit may mali ba sa sinabi ko?
"May request mission na binigay satin ang UG"deretsyang sabi ni boss
"Request again?"nakakunot noong sabi ni leigh pati si elis bakas sa mukha ang pagtataka.
Ako?? Well hindi nila kayang basahin ang nasa isip ko dahil walang imosyon ang mukha ko ngayon. Bipolar yarn?
Oo makulit ako minsan pero alam ko kung pano yun ilugar, dahil ngayon seryosong usapan to.
Kuha ko na agad kung anong gustong sabihin ni boss.
"There's a group of gangsters that want to take down the UG, nababahala na ang mga tagapangasiwa ng UG dahil marami nang namamatay at bumabagsak na mga malalakas na grupo sa Underground. Kaya gusto kaagad ng mga nakaupo na mawala na ang grupong yun dahil di lang ang gangster society ang naaapektuhan sa mga nangyayari ang mga assassins, hunters, killers, at mga mafias ay naaapektuhan narin sa mga nangyayari alam nyo naman na kahit magkakaiba ang mga layunin ng bawat isa magkakaugnay parin tayo, kaya sinabihan ng mga taga ibang division ang mga nakaupo na tapusin na agad ang grupong gustong sirain ang Underground Society para matapos na agad".mahabang kwento ni boss. Napatango naman yung dalawa habang ako prenteng naka upo lang.
" Pero di ba gangster din sila tapos gusto nilang mawala lahat ng mga gangster dito sa mundo?! Baliw ba sila?! So ibig sabihin papatayin din nila yung sarili nila"Sarcastikong sabi ni elis.
"I agree" Sang-ayon naman ni leigh habang tumatango tango pa.
Bumuntong hininga nalang si boss at tinuloy ang pagkwe-kwento
"Sinubukan ng mga nakaupo na hanapin ang grupong yun pero ni anino wala silang nakita miski pangalan ng grupo nila ay hindi alam ng society, isang buwan makalipas wala paring pinagbago hindi parin nila nahuhuli yung grupo kaya mas lalong dumarami ang mga namamatay na gangster nitong huling buwan palipat lipat lang sila ng bansa na bibiktimahin pagtapos nilang masatisfied aalis na sila ng bansa at take note anim na buwan na nila ginagawa yun at tatlong bansa na ang nabiktima nila" sabi ni boss. Tumango nanaman yung dalawa." Kung ganon hindi lang sila basta bastang mga gangster"leigh at nag smirk naku ayan nanaman sya sa pagka barumbada nya.
" Leigh hindi tayo makikipag laro mission to pinapa alala ko lang baka nakakalimutan mo" si boss habang nakahawak sa sintido nya alam kong naiimagine na nya kung anong mangyayari pagnagkaharap ang grupong yun at si leigh, hayyss.
__________________
To be continued