CHAPTER 20

119 2 0
                                    

Lex pov:

Naglalakad nako papuntang cafeteria dahil sa sobrang tagal ng usapan namin ni ivy umabot na ng ilang oras.

Inexcuse naman na daw ako ni vice prez kaya okay na daw kahit d ako pumasok this day.

Di ba ang cool. Pero at the same time hindi rin.

Dahil halos lahat ng mata nakatuon na saakin dahil sa nangyari kanina.

Alam nyo naman na ang chismis mas mabilis pa kay flash at ang mga tao kahit simpleng bagay pinapalaki pa.

Dahil sa alam na ng mga tao na may ugnayan kami ng ssg president, anak ng may ari ng school at higit sa lahat tagapag-mana ng school siguradong bawat kilos ko bantay sarado nila.

At siguradong mahihirapan nakong kumilos neto. Magmula ngayon kaylangan ko nang maslalong maginggat.

Andito ako sa gitna ng ground naglalakad papuntang cafeteria para kumain, sa mga oras na to siguradong maraming tao ang nag-gagala.

Papalapit nako sa cafeteria at maraming tao sa labas ng cafe kaya medyo mainggay.

Habang naglalakad pansin ko bawat hakbang ko lalong dumarami yung mga taong tumitingin sakin.

Pinakiramdaman ko ang paligid, wala naman akong nararamdaman na panganib kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang walang napapansin.

Kailangan kong maging manhid for now.

Kailangan kong magpaka inosente baka mamaya makawala pa ang mga kalaban.

Masyado silang mailap, ang hirap nilang hulihin.

Balak ko sanang tapusin sila agad habang wala pa sila sam dito.

Pero tingin ko hindi yun matutuloy, mukhang kailangan kong sundin yung plano ni sam.

Binuksan ko yung glass door ng cafeteria at pumasok sa loob.

Ang atmosphere... sa loob ng cafeteria nakakasoffocate. Ibang iba nung huling punta ko.

Siguradong may kinalaman dito yung nangyari kanina, ang bilis talaga kumalat ng balita.

Kaya dapat nagiingat ako, lalo na ngayon.

Lahat ng estudyante ay naka upo wala kang makikitang naka tayo... Maliban sakin.

May mga estudyanteng naka tingin sakin meron rin namang kumakain...pero ramdam ko na nakatuon ang atensyon nilang lahat sakin kahit na may kanya kanya silang ginagawa.

Itinaas ko yung guard ko dahil higit sa lahat hindi ako pamilyar sa lugar at tao na narito. Bilang isang gangster dapat hindi ko binababa ang guard ko,

lalo na sa ganitong mga lugar kung saan nandirito ang kalaban...ang mga duwag na kalaban.

Minsan iniisip ko kung kulto ba yung grupong gustong pumatay sa kapwa nila gangster.

Pero d nga kulto ba sila?

Hayys! Lex ano bang ginagawa mo focus okay? Focus.

Nagpatuloy nako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tindera, dahil nga walang nakapila kaya mabilis akong nakabili ng pagkain ko at as usual isang tuna sandwich at bottle of water lang ang binili ko.

Trip ko sanang kumain dito sa cafe dahil wala nang naglalampungan pero next time nalang.

Tingin ko hindi ako matutunawan sa titig ng mga taong nandito na kung maka tingin hinahalungkat na nila yung pagkatao mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unknown YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon