Lex:
Minutes after ng maghihintay ko sa pagkaing inorder ng kasama ko, ay dumating na rin sya.
Actually hindi ko alam kung ano yung inorder ng kasama ko dahil di ko naman alam kung ano yung tinda nila rito.
Dumating na yung kasama ko at umupo sa tapat ng inuupuan ko may dala syang isang tray na may lamang dalawang bowl.
A-amoy palang masarap na. Anong pagkain to? Para syang noodles na may halong beef na ewan ko.
Kahit gustong gusto ko na tikman yung pagkain syempre act cool pa rin tayo. Baka mamaya sabihan pa tayong patay gutom kahiya naman.
Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.. ng seryoso.
"what is this?" Tanong ko hindi nagpapahalata na gustong gusto ko nang kumain, yung aroma nanunuot sa bawat langhap ko grabe.
"They call it pares" he said. Napakunot yung noo ko.
"Pares? You mean partner?" Takang tanong ko.
Natigilan sya at napatingin sakin at tinitigan ako ng limang segundo tapos umiwas ng tingin, napakagat sya ng labi habang nakatingin sa ibang dereksyon pagtapos ay napahawak sa noo. Anyare dito? Nabaliw na ata dahil sa gutom, naku mukhang kailangan ko nang kumain ng tama sign na ata to baka matulad ako sa kanya, nabaliw na.
"Hoy ayos kalang?" Tanong ko dahil hanggang ngayon nakayuko parin sya habang nakahawak sa noo at nakakagat labi.
Napa ayos naman sya ng upo at tinigilan na ang pagkagat ng labi syaka sya nagseryoso ng humarap sakin.
"Lets eat now" he said with a casual voice. Bipolar yarn?
Pinabayaan ko nalang ang kabaliwan ng kasama ko at kumain na lang rin.
Bawat noodles at beef na natitikman ko ay nanunuot yung lasa. Ang sarap!! Pinaka masarap na noodles na natikman ko buong buhay ko.
Exaggerated man pakinggan pero kaya ko tong kainin forever.
Nakaubos nako ng isang bowl at sya ay kumakain parin, hindi pa sya tapos? Ang bagal naman nya!
Gusto ko pa sanang kumain ng isa o dalawa pang bowl kaso naalala ko na sumasakit pala tyan ko kapag sobra yung mga kinakain ko.
Kaya yun inintay ko nalang matapos yung kasama ko. Habang kumakain sya ay pinagmamasdan ko lang sya.
Napatigil sya sa pag kain, napansin nya siguro na nakatingin ako sa kanya.
Nangunot yung noo nya ng magtama ang tingin namin.
"What?" Tanong nya na may konting inis.
" Nothing, don't mind me. Kain ka lang" sabi ko habang nakapangalumbaba na nakatingin sa kanya.
"If you're still hungry, eat, no one stopping you." Bagot nyang sabi.
Napa irap ako sa sinabi nya.
"Hindi na, busog nako." Sabi ko sakanya habang bord na nakatingin sa mga taong dumadaan, specifically couples.
Psh! Walang forever mga gag*.
Hindi ko na narinig pang nagsalita yung kasama ko kaya napalingon ako sa kanya.
Nagulat pako ng makitang nakatitig pala sya, nakita ko rin naman ang gulat sa reaction nya lalo na sa mata. Hindi sya magaling magtago ng expression.
Umiwas nanaman sya ng tingin at binalik iyon sa pagkain.
Hindi ko na sya pinanasin at nagpatuloy lang sa panonood sa mga taong naglalakad.
Ilang minutong makalipas dumating na yung parang waitress sa tindahan sakto namang tapos na yung kasama ko.
Kinuha ko yung walet ko sa bulsa para magbayad.
"Ako na magbabayad" biglang sabi nung kasama ko habang nakatingin sa walet nya at kumukuha ng pera.
"Sure ka?" May pera naman ako dito kaya ko naman magbayad ng pinagkainan ko.
"Pinalaki akong gentleman kaya ako ang magbabayad" sabi nya kaya feel ko tuloy biglang lumakas yung hangin.
"Pwes pinalaki ako independent kaya ako ang magbabayad" matigas ko namang sabi ayaw magpatalo sakanya.
"Are you competing with me?" Tanong nya
"What do you think mr. Gentleman?" Tanong ko na may mapang-asar na ngisi sa labi. Sa halip na sumabat lumingon sya sa waitress. Aba ano to iniignore ako walangya, lex ano to papatalo ka nalang basta basta?
"Miss how much did we all eat?" Tanong nya sa waitress. Alangan namang sumagot yung babae
"1-120 pesos l-lahat sir"
"Im the who will pay" pilit kong sabi. Hindi ako papatalo sayo.
"Stop competing with me woman and just shut up" inis nang sabi nung kasama ko kaya natigilan ako.
Ano sabi nya? Tama ba pagkarinig ko? Sabi nya 'shut up' ang lakas ng loob nyang sabihan ako ng shut up bakit sino ba sya isa lang naman syang hamak na gangster. Di hamak na mas mataas ang rango ko sa kanya tapos ang lakas ng loob nyang sabihan ako ng shut up at pagtaasan ako ng boses.
Gusto na ba talaga nyang mamatay? Kung oo dapat sinabi nya kanina pa para di ko na pinatagal pa daming dakdak eh.
Nakita kong natigilan sya, mukhang ngayon lang narealize kung ano yung sinabi nya.
Pero di na nya yun pinanasin at nagbayad na sa waitress agad namang kinuha nung waitress yung pinagkainan namin at nagmamadaling umalis.
Awkward silence filled in the air. At inaamin kong hindi ako kumportable sa ganito kaya tumayo nako kinuha yung staff toy kong panda na nasa kanan ko at umalis na sa lugar na yon.
Wala na ako sa mood na mag gala pa at isa pa lumalalim na rin ang gabi kaya kailangan ko nang umuwi.
Nag lakad nako palabas ng night market habang naglalakad pa balik ramdam kong may naka sunod sakin alam kong hindi to yung kasama ko kanina dahil magkaiba sila ng awra.
Ang awra ng isang to ay alam mo na agad na may balak na masama.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang walang alam sa nangyayari at sa mangyayari.
Ilang minuto na ang nakalipas ramdam kong sumusunod parin sya nandito na ako sa pinakamadilim at hindi mataong lugar dito sa daanan dahil walang street lights at wala ring mga taong dumadaan.
Ilang sandali pa ay biglang naramdaman ko ang bilis ng paglapit ng sumusunod sakin at bigla nalang may humapit sa braso at bewang ko at sumubsob ako sa isang matigas na bagay.
Inis akong tumingala at nakita kong yung kasama ko kanina yung nasa harap ko ngayon.
Medyo nagtaka pako dahil hindi ko naramdaman ang pagdating nya at isa pa ibang presensya yung naramdaman ko kanina kaya lumingon lingon ako sa paligid at nakita kong may nakalumpasay sa sahig na lalaki. Kahit madilim kita ko parin sya kahit papano. Anong nangyari jan? Nakatulog?
"Don't look at him" sabi nung kasama ko kanina at hinawakan pa ang baba ko at hinarap iyon sa kanya.
"Did you do that?" Tanong ko kahit obvious naman na.
_________________
To be continued