Lex pov:
Pinihit ko ang seradora ng pinto at binuksan iyon pagpasok ko ay ang napakagandang library ang nakita ko.
Actually ang hitsura ng library ay luma at medyo may kadiliman dito sa loob at ang kulay ng paligid ay brown from bookshelf, desk, chair, stair, and every corner para akong nagtime travel. I already love this place.
Tumingin ako sa bandang kaliwa ko dahil may naramdaman akong nakatingin sakin.
Pagtingin ko ay isang matandang babae ang nakita ko at sa tansya ko ay na 80 na to.
"Goodmorning"sabi ko bakas parin ang pagtataka sa mukha nya
"Goodmorning young lady, mukha kang bago rito at ngayon lang kita nakita naligaw ka ba?"tanong nya
" Ah hindi po ako naliligaw at opo bago palang ako rito, transferee po ako"sabi ko pero seryoso paren ang expression ng mukha ko.
D ko sya naramdaman kanina pagpasok ko
"Ganon ba iha, alam mo bang pagkakita ko sayo ay medyo nagulat ako dahil ang mga estudyante dito ay hindi nagpupunta dito sa library, alam mo na ang mga kabataan ngayon ay masyado nang lulong sa cellphone at gadgets nila o di kaya naman ay love life at yung iba naman pakikipagbugbugan. Ilang taon narin simula nung huling may tumuntong na estudyante dito sa library nakakapanibago ahahaha"
I just look at her.
Actually wala akong pake sa ibang estudyante nandito lang ako para sa mission pagtapos neto aalis nako na parang bula, ganyan lagi ang ginagawa namin sa kada mission na natatanggap namin.
Tumango lang ako sa kanya at nagpatuloy ng maglakad papunta sa hilera ng mga libro.
Kasaysayan ng pilipinas.
Mga akda ng mga sikat na manunulat sa pilipinas.
Mga alamat. At iba pa.Sobrang daming mga libro mas marami yung libro dito kesa sa library sa school na pinapasukan ko sa LA, anggas ilang araw kaya ang itatagal para mabasa ko to lahat.
Pumunta ako sa hilera ng libro na akda ni Jose p. Rizal.
Actually matagal ko nang gustong magbasa ng Nole me tángere kaya iyon ang kinuha ko at umupo sa lapag habang nakasandal yung likod ko sa shelf.
___________________
Kriing!!!, Kriing!!!, Kriing!!!
Natigil ako sa pagbabasa ng libro ng mag alarm yung phone ko 6:20 am na pala.
Tumayo nako at binalik yung libro sa lalagyan at sinukbit yung bag ko. Naglakad nako papuntang pinto at naabutan ko ang librarian na nagaayos ng mga libro, napalingon ito sakin kaya tumango ako bilang paalam at lumabas na ng library.
Next location likod ng school, why? Base sa aking pagaaral at sa mga school na napuntahan ang likod ng school ang perpektong lugar kung gusto mong mag isa, walang maingay at mahangin.
Naglakad nako papunta sa likod ng school at habang papunta may nakasa lubong pa akong mga nerds at yung iba naman mga varsity players, naks anggas varsity ang tanong magagaling ba?
Nakarating nako sa likod ng school pero may fence bago maka tawid sa kabila at mas mataas pa sakin yung fence, hayys gusto ko lang naman makahanap ng tambayan -^-
Kala mo magpapatalo ako sayo huh akala mo lang yun, hinubad ko muna yung bag ko at binato papunta sa kabila ng fence pagtapos ay humakbang ako papatalikod at nagpalingalinga muna para masigurong walang tao at nang masiguro walang tao tumakbo ako at nang nasa tapat nako ng fence ay tumigil muna ako yumuko at tumalon.
Pagtalon ko hinawakan ko yung tuktok ng fence para ilagay yung pwersa ko don at lumanding ng perpekto at walang kahirap hirap
Pinulot ko na agad yung bag ko at nagpagpag pagtapos ay naglakad na
Ang hitsura ng likod ng school ay ganto dun sa pinagtalunan ko kanina ay puro tambak nang basura at sirang upuan kaya walang mga estudyante ang pumupunta banda dito dahil maaarte sila, tsk sa kanilarin naman nanggaling yung kalat kung makaarte kala mo malilinis, napairap nalang ako sa isip
Sa likod ng bahagi ng fence kung nasan ako ngayon ay malinis oo kabaligtaran sa kabilang fence may mga puno dito at may naririnig pa akong pag-agos ng tubig na sa tingin ko ay ilog iyon
Nagpatuloy lang ako sa paglakad at sinundan ang tunog ng agos ng tubig at ilang minutong paglalakad sa wakas nakarating din
Mayroong mahabang ilog at sa gilid non may mga bulaklak na napaka ganda kung saan lumilipad ang mga magagandang paroparo sa kabilang bahagi ng ilog ay may kulay orange red na mga puno yung iba naman white yung dahon, at masasabi kong the best ang lugar nato para sakin.
Tumingin ako sa kanan ko at may nakita akong kahoy na tulay. Sayang
Akala ko pwede nang pagtambayan tumalikod nako at naglakad pabalik sa fence habang nag lalakad tumingin ako sa phone ko para tingnan ang oras. 6:58 am na pala ang bilis ng oras nang makarating ako sa tapat ng fence ginawa ko lang yung ginawa ko kanina para maka punta sa kabilang bahagi ng fence pag babako saktong tumunog yung phone ko
🎵He said"excuse me beautiful" i said "aww shucks"🎵
🎵And then he asked me " well, ay, wanna grab lunch"🎵Sinagot ko na agad yung tawag alam ko na agad kung sino yung tumatawag ringtone palang eh.
"Boss" she said
"Hmm" i response
"Boss balitaan lang kita na walang pasok sa first at last subject this week boss"
"Why" tanong ko
" Abala yung mga teacher sa school activities pinagmi-mitingan nila kanina ang mga gagawin sa school summer national preliminary narin kase"
"huh dito sa Westwood ba? "
" Hindi po boss sa ibang bansa nagmi-miting"she said kaya agad nangunot ang noo ko
" Sa ibang bansa naman pala bakit nila pinoproblema?" Sabi ko at nag pagpag pagkatos isukbit yung bag
"Boss kase dito sa school gaganapin yung paglalaban kaya busy sila"
" Continue"
" At boss hindi nila sinuspend yung klase dahil gusto nilang maging independent yung mga estudyante, ibibigay nalang daw nila yung mga lesson at mga project na gagawin. Bibigyan daw nila tayo ng isang linggo para dun" mahabang paliwanag ng kanang kamay ko sa kabilang linya.
"Okay"
"Ah boss asan ka nga pala? Pumunta ako ng classroom nyo kanina pero wala ka naman"
"Nag hahanap ng tatambayan" i said
" As always, ah boss babye na pala yah know secretary ako sa namin"
" Hmm,Okay"
Sabi ko at binaba na nya yung tawag yan ang dahilan kung bakit ayo ko ng kahit na anong posisyon masyadong busy, maraming kailangang gawin at responsibilidad, hayss buti nalang d ako napapasali sa mga ganya.
Naglalakad nako papuntang building namin at nadaanan ko ang mga naglalaro ng soccer sa field napahinto sila at napatingin sakin pati yung mga dumadaan napahinto sa paglalakad kala ko nga huminto yung oras kasi literal na walang gumagalaw sa kanila kahit isa.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pag lalakad
Nang mga ilang metro na ang layo ko sa kanila narinig ko ang mga bulungan nila, psh para silang mga bubuyog.
_________________
To be continued
