Kyle Pov:
Nasa labas kami ng school ngayon papunta sa pinaka malapit na milktea shop umaasa na maabutan pa namin si amelia doon.
Nagtataka rin siguro kayo kung bakit hindi nalang namin sya tawagan. Wala cellphone si amelia binasag yun ni criss nung isang araw dahil nasira ni amelia yung favorite album ni criss at walang pera ngayon si amelia dahil nahuli sya ng mom nya nung last friday na galing sa bar kaya wala pa syang cp ngayon.
Nakarating na kami sa pinaka malapit na milktea shop pero walang amelia doon.
Tiningnan namin yung counter kung nandoon sya pero wala tiningnan namin bawat costomer para makasiguro pero wala talaga sya.
Nakita kong napahilamos sa mukha si criss at napasabunot sa buhok nya dahil sa frustration. Nasan na ba kasi yung batang yun.
"Hindi nyo ba nakita?" Tanong samin ni clint paglapit nya samin.
"Wala clint di namin sya makita"
"Kami rin tiningnan nanamin sa paligid pero wala sya"
" Same here nagtanong narin kami sa bawat taong nakasalubong namin kung nakita ba nila si amelia pero hindi daw nila nakita"sabi ni Elijah
Napaupo nalang sa sahig yung iba sa pagod si criss naman ay napasandal nalang sa pader habang tinatapik sya ni clint.
Namayani ang katahimikan dito sa loob ng milktea shop pero dalawang nimuto palang nakakalipas ay biglang napatayo si nico sa pagkakaupo sa lapag kaya napatingin kami sa kanya.
"Tama!!" Sabi ni nico
"Anong pinagsasabi mo nico" tanong ni david sakanya
" Naalala ko may bago palang bukas na milktea shop sa kabilang kanto baka doon si amelia nagpunta"sigaw ni nico
Nagkatinginan naman kamin apat sa sinabi nya at nag si ayosan ng tayo kaya pati yung iba na patayo narin.
Napaayos ako ng necktie ko para luwagan yun dahil kating kati na yung mga kamay kong maka suntok.
"Let's go" sabi ni criss na may nakakamatay na aura. At nagsabay sabay kami sa paglalakad paalis sa lugar at papunta sa kabilang milktea shop.
Ilang metro nalang ang layo namin ng makita namin ang isang van at isang lalaki na naka navy blue na t-shirt na mukhang may inaabangan.
Napatingin kaming lahat sa estudyanteng babae na kakalabas palang ng milktea shop, si Amelia.
Naglalakad sya papunta sa dereksyon nung lalaking naka navy blue. Naalarma kami nang ilang metro nalang ang layo ni amelia sa lalaki susugod na sana kaming lahat nang biglang may sumulpot sa pagitan nung lalaki at ni amelia, pagka lapit nya kay amelia ay inakbayan nya ito natigilan naman yung lalaki sa akmang paglapit nya kay amelia at umiwas na parang walang nangyari pero malapit parin sya kila amelia
Pinagmasdan ko yung umakbay kay amelia naka black jogging pants, black t-shirt at black shoes sya pinagmasdan ko yung mukha nya at ilang minuto ang makalipas ay nanlaki yung mata ko, sya si....
"Everleigh!!!" Medyo napalakas kong sabi nang marealize kung sino yung biglang sumulpot.
"Teka wehh??!!!" Gulat na sabi ni noah
"Di nga? Tabi nga jan patingin" sabi naman ni oliver at pumunta sa umahan para makita ng malinaw ang nasa unahan namin.
"Wehh? Si Everleigh talaga yun? Ang anggas naman nya!!" Manghang sabi ni nico at elijah.
" Ang smooth ng galaw nya kanina"sabi ni clint na mahihimigan mo ang pagkamangha sa nakita nya kanina.
Totoong sobrang smooth ng ginawa nya kanina, yung timing ng pagdating nya, paglakad at pagakbay nya kay amelia. Iisipin mo talagang wala syang alam sa gagawin nung lalaki kanina. Pero hindi nya aakbayan si amelia kung hindi nya alam kung ano ang balak nung lalaki dahil kahit tatlong araw palang namin sya nakikilala alam kong hindi sya yung type ng tao na bigla bigla nalang mangaakbay.
Napatingin ako kay criss seryoso lang ang mukha nyang nakatingin sa papalayong dalawang babae.
"Hayys mukhang ayos naman na si amelia" pagkuha ko ng atensyon ni criss kaya napatingin sya sakin. Napatigil naman sa pagkukulitan yung mga kasama namin.
"Kyle hindi tayo tapos kaylangan nating iligpit ang hinayupak na nagtangkang kunin si amelia pati ang mga nagutos sa kanya. Wag kang magalala mukhang di naman tayo mahihirap sakanila dahil sa paraan palang ng pagdukot nila kay amelia mga baguhan lang sila" sabi ni clint tumango lang naman si lucas bilang sangayon sakanya kaya wala na akong nagawa kundi sumama nalang sakanila.
Mukhang kami ang tatapos ng gulong sinimulan nila ah.
....................
Lex pov:
7 pm nandito ako sa condo unit ko at nagmo-movie marathon habang may finger food sa ibabaw ng coffee table.
Nanonood ako ng horror movie titled 'Smile' maganda daw to sabi ni elis kaya ito ang naisipan kong panoorin.
Malapit na ko sa ending ng movie at masasabi kong maganda naman tong movie.
7:15 pm nang matapos ko ang smile, nagscroll pa ako sa YouTube ng mga movie na pwedeng mapanood kaso wala akong mapili kaya pinatay ko nalang yung tv masyado pang maaga para matulog pero wala naman akong magawa wala ako sa mood mag gym kaya lumabas nalang ako ng condo at naglakad lakad palabas.
Habang naglalakad sa labas ay may nakita akong mga tao na isa lang ang pinupintahan na lugar kaya sinundan ko sila.
Hanggang sa makarating ako sa isang night market, hindi naman kalayuan sa condong natinitirahan ko yung market kaya alam ko pa kung saan daan pauwi.
Tumingin ako sa paligid at nilibot yung tingin, nandito ako sa harap ng market kung saan pumapasok at lumalabas ang mga tao sa market at isa ring sa mga napansin ko ay maluwag ang lugar at mukhang binigyan ng effort ang paggawa dito dahil masasabi kong maganda talaga ang lugar.
Pumasok ako sa loob at napakaraming nagtitinda at syempre marami din ang bumibili.
Maliban sa pagkain may mga palaro din, rides, mga kainan at bilihan ng pasalubong o key chains at iba pa.
Naglalakad lang ako habang nakatingin sa ibang direksyon at dahil din don ay may nabungo ako.
Hindi naman sobrang lakas ng pagbungo namin kaya hindi ako tumumba.
"Ayy.... Sorry po" gulat kong sabi at bahagya pang yumuko bilang sign ng pag sosorry.
"Tsk! next time kasi tumingin ka sa dinadaanan mo" masungit nyang sabi kaya hindi sinasadyang napanguso ako, nang marealize ko kung ano yung ginawa ko ay napaayos ako ng tayo at sumeryoso.
Tumingin ako sa kanya na titig na titig sakin ngayon. Napakunot naman yung noo ko nang parang familiar sya sakin, ilang minuto nakatitig parin ako sa kanya pilit inaalala kung sino nga ba ulit sya.
"Are you done starring?" Tanong nya na may nakakalokong ngiti sa labi. How i love to erase that fucking mocking face of yours.
Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad at nilampasan sya.
_________________
To be continued
