CHAPTER 4 (Philippines)

112 2 0
                                    

Elis pov:

After 6 hours nandito nako sa taiwan palabas nako ng airport.

Nagpalinga linga ako sa paligid dahil hinahanap ko si damion.

Si Aria ang kanang kamay ko at nauna syang dumating dito sa taiwan kesa sakin.

Sabi nya susunduin nya daw ako dahil di ko pa naman dala sasakyan ko sayang lang daw pera kung magta-taxi pa ko di ba ang sweet nya ehe^-^.

Ehem, ehem focus elis nasa mission ka tandaan mo yan, wag munang magisip bata.

Pag labas ko sa airport agad ko nang nakita si Aria dahil pinag titinginan sya ng maraming tao dahil sa kagandahan nya. May mga kumukuha pa nga ng picture eh.

European nga pala si Aria kaya angat talaga kagandahan nya dito sa tai. Napailing nalang ako nang magpost post sya sa harapan ng car nya habang pinipikturan sya ng mga tao, baliw talga.

Leigh pov:

It's past 9 in the morning in vietnam, yeah you read it right, pero nasa eroplano parin ako palabas pa lang kami.

Susunduin nga pala ako ni Attalea.
Taga Greece sya, duon pinanganak at lumaki nag aral sya ng highschool sa pinas at sa London

Naglalakad nako palabas nang mahagip ng mga mata ko ang isang taong pinagtitinginan dahil sa kagandahan neto, nagpo-posing naman eto sa harap ng upuan, nakakaawa yung upuan nadamay pa sa kagaguhan ng tauhan ko.

She has her natural brown eyes, thick eye brow, round eyes, raised nose and brown hair color, no doubt she is the real Attalea.

Napailing nalang ako sa kagaguhan netong kanang kamay ko.

Sam pov:

Im here in korea it's past 11 naghahanap ako ng kakainan dahil di pako kumakain kanina pa.

Nakahanap naman ako ng makakainan kaso di nila kayang magsalita ng English mukhang mapapasabak tayo ngayon ah.

"Geuliwoyo igeon nae jumun-iya" i said sana tama pagkakasabi ko.

" Al-ass-eo, yeogiseo gidalyeojwo agass!!".she said and bow at umalis na, tingin ko ang sabi nya ay"okay just wait here miss".

It's summer at isang buwan nalang simula nang magumpisa yung mga klase dito sa korea, it's 15'th of june kaya natural na mainit pero tingin ko mas magiging mainit ang taon nato kesa nung nakaraan.

Hayyss!! Bigla ko tuloy naalala si lex ayaw pa naman non sa maiinit yung lugar siguradong puro pagrereklamo ang maririnig ko dun pagnagkita kami non hayyss.

Dito pa ngalang sa South mainit na sa Philippines pa kaya.

Well d ko na kasalanan yun dahil hindi naman sya nagcomplain nung binigay ko sakanya yung mission sa Philippines, kaya na nya yun!!

Sakto namang dumating yung order ko kaya nagpasalamat na ko at kumain na.

Mukhang kailangan kong magaral ng hangul dahil konti lang ang alam ko dapat pala si lex pinapunta ko rito fluent pa naman yun pagdating sa iba't ibang mga language hayyss.

Nasobrahan sa talino yung batang yun 17 years old palang sya 2'nd year senior high school na sya ako naman 18 years old turning 19 this year, 2nd year senior high school palang, well that can explain,si lex kasi ay nag take ng exam para maging same yung grade level namin.

Well naka pasa naman sya dahil you know, ganon talaga pag favorite ni god. Wag na kayong magcomplain.

Tinuloy ko nalang ang pagkain ko dahil bilang leader ng grupo kailangan kong tapusin ng maaga ang trabaho ko para matapos na agad tong bwesit na mission nato.

Lex pov:

Yoww guyssuee im here in the Philippines at isa lang ang masasabi ko...

... ANG INEEEEEEEEEET!!!!!!

gusto ko sanang isigaw yan kaso hiya naman ako sa mga taong dumadaan.

Naghihintay ako ngayon ng taxi na masasakyan at tirik na tirik ang araw kahit san ako lumingon, 12 o'clock na kainis andaming nag a-abang ng taxi at lagi akong nauunahan malamang dahil sa marami ako maleta kaya di ako maka galaw ng mabilis kainis.

Dumami na ang dumarating na taxi at umonti na rin yung mga sumasakay kaya, nakahanap nako ng taxi'ng masasakyan. Tinulungan ako ni manong mag lagay ng maleta sa trunk kaya mas napabilis ang pagaayos ng gamit ko pag tapos ay sumakay na agad ako dahil di ko na talaga kaya ang init sa labas atleast may aircon sa loob ng taxi pwede na yun.

Binigay ko kay manong driver yung address ng condo kung saan ako titira,
Btw malapit lang sa school na papasukan ko yung condo at take note si boss mismo ang pumili ng lugar na yon para sakin.

Perfect daw kasi yung lugar para sa isang estudyanteng gaya ko at isa pa maliban sa school may malapit din na mga convenience store, mall at market/night market, hindi na daw ako mahihirapan o maliligaw pa kung may bibilhin man ako sa labas dahil malapit lang naman. Di ba sosyal iba talaga pag si boss ang pumili.

Naramdaman kong huminto na yung taxi'ng sinsakyan ko andito na pala ako.

Nag bayad nako at bumaba na, tinulungan ulit ako ni manong driver sa mga maleta ko pagtapos non ay nagpasalamat ako at ngumiti naman sya at umalis na, pumasok nako sa loob ng condo inferness maganda ang pag ka costomized ng lugar dumiretso nako ng information desk.

"Excuse me miss" i said

"What i can help you ma'am" nakangiti sabi sakin nung nasa information desk.

Nanatili pa ring walang emosyon ang mukha ko.

"miss where and what floor is 440" i said in a British accent. Puta nasa Philippines nga pala ako nakalutan ko.

"Excuse me?" Tanong nung babae na staff.

" I said asan yung floor 440 miss" paguulit ko ng sa tagalog na lenguwahe para maintindihan nya.

"Oh it's in the next builing and it's in the 4'th floor miss"she said smile plastered in her face. Tumango lang naman ako bilang senyales na naintidihan ko at aalis nako.

Habang papunta sa elevator para pumunta ng second floor dahil ang daanan papunta sa next building ay yung sa second floor netong building.

Nadaanan ko ang main lounge habang papunta sa elevator napansin ko ang grupo ng mga lalaki na nakaupo sa sofa habang masayang nagkwekwentuhan.

"Papasok kayo bukas?" biglang tanong nung may yellow orange sa lower part ng hair.

"Wag na! Wala namang kwenta magturo mga teacher natin eh" sabi nung may dark green color hair.

Guyyss sasabihin ko lang na hindi ako chismosa sadyang malakas lang talaga sila magkwentuhan kaya rinig ko hanggang dito

"Oo nga tapos sa tuwing di tayo makasagot sa tanong lagi tayong kinukumpara sa mga taga ibang section, psh!" Sabi nung mukhang bata na may black hair.

"Mga baliw hindi tayo pwedeng umabsent kalimutan nyo na ba pinapalayas pa natin yung dalawang babae sa room at syaka naiinip na sila criss antagal daw naten sa pagpalayas sa dalawa" white and blue highlights sa buhok anggas pwede pa lang mag pa kulay yung mga estudyante dito sa Philippines di ko alam yun ah so kung ganon di ko na kailangan tanggalin yung kulay ng buhok ko.nice.

Bumukas na yung elevator kaya pumasok nako agad dala ang mga malalaki kong maleta.

Pasarado na yung pinto pero bago tuluyan magsara yun ay nakita ko yung batang may black hair na napatingin sa gawi ko tinignan ko lang naman sya ng nakakamatay na tingin at kitang kita ko naman ang takot na bumalatay sa kanyang mukha kaya napangisi ako. That's right you should be afraid of me little rat. At tuluyan naman ng nagsarado ang pinto ng elevator

Mukhang hindi naman gaano magiging boring ang aking mission.

_________________
To be continued

The Unknown YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon